Chapter 51

29 1 0
                                    

Luna's POV

Nang dumating ang araw ng kaarawan ni Vincent, mas excited pa si Lucius sa akin. Sa katunayan nga ay siya pa ang gumising sa akin. Napailing nalang ako at napangiti. Sigurado akong hahanap hanapin ni Lucius ang mga Tito at Tita niya rito.

We did our usual routine. Pero dahil aalis kami, kinailangang dagdagan ang mga medicine na itetake ni Lucius. 

"Mommy! I don't wan medsin anymo!" Sabi ni Lucius habang umiiling iling. Sa totoo lang ako ang naaawa para sa anak ko. HIndi niya deserve mapagdaanan ito. Kung pwede lang na ako nalang ang magbuhat ng sakit na dinadanas niya gagawin ko. 

Dumating na ang alas singko ng hapon at binihisan ko na si Lucius. PInasuot ko sa kanya ang regalong matching polo at maong pants ni Tita Kacey niya. Inabot niya sa amin noong isang araw. Inayos ko ang buhok ni Lucius at sinuotan ko siya ng sapatos. 

"I'm excited mommy! When we go der, I pway with the kid too!" Sabi ni Lucius. Napangiti ako. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at pumunta kami sa silid ni Ate Leslie. Napansin ko na tutok ang atensyon nito sa mga papel na nasa lamesa niya. Kumatok ako bago pumasok.

"Mukha busy ka." Sabi ko. Naglakad naman si Lucius papunta sa kanya at niyakap siya.

"Yes. This time I'm handling the transactions from Dubai. Pasensiya na hindi ako makakasama sa inyo. Tell Vincent I'm sorry." Sabi ni Ate Leslie habang hawak hawak niya si Lucius. Naglakad naman pabalik si Lucius sa akin.

"Also Luna, if you could give this to him." Sabi niya at inabot sa aking ang isang box na nakawrap ng ribbon. Nginisian ko naman si Ate Leslie at kinuha ito. Mukhang may namamagitan sa dalawang ito ah?

"I will." Sabi ko.

"Thank you." Sabi niya at bumalik sa upuan niya.

"We'll go now. Say bye to Tita Les na." Sabi ko.

"Bye Tita! I will miss you!" Sabi ni Lucius at nag wave ng goodbye kay ate. Lumabas na kami at nakasalubong ko naman si Beth na bitbit ang isang backpack na naglalaman ng mga medicine ni Lucius. 

"Ma'am ito na po pala ang mga meds ni Lucius at saka mga extrang damit. Pasensiya na po ah hindi ako makakasama. Bibisitahin ko rin po kasi ang pamilya mamayang madaling araw." Sabi ni Beth.

"I understand. I can take care of my own son, but thank you for your concern." Sabi ko. Iniabot niya na sa akin at back pack at sinuot ko na iyon sa balikat ko. Hinawakan ko ulit ang kamay ni Lucius.

"Say bye to Nurse Beth na." Sabi ko. Niyakap muna ni Beth si Lucius bago kami umalis. Magpapahatid sundo nalang kami sa driver para wala ng hassle. Hindi ko kasi mababantayan ng maayos si Lucius kung magdadrive ako ng ako lang. Wala pa kasing baby seat ang car ko.

"Manong, sa mga Castillo po." Sabi ko. Buong byahe ay naglalaro lang kami ni Lucius ng mga pambatang laro gaya ng nanay tatay, lemon natural, at kung ano ano pa. Nakarating na kami sa bahay ni Vincent.

"Tatawagan ko nalang po kayo mamaya manong. Salamat po." Sabi ko at bumaba na kami. Nag doorbell kami at sila Frida ang nagbukas ng pinto sa amin.

"Lucius baby boy!" Tili ni Kacey at kinarga si Lucius. NIyakap naman siya ni Lucius.

"Halika na dali! Pasok na kayo!" Sabi ni Frida. Pumasok na kami sa loob mismo ng bahay dahil may mga nag-iinuman na at naliligo sa swimming pool. Mahirap na baka mabasa si Lucius. Nilapag ni Kacey si Lucius.

"Nandito na pala kayo!" Sabi ni Cole. Nandoon na rin sila Jackson at Ryle. Inabutan naman ako ni Ryle ng party cup na may lamang beer. Kinuha ko naman iyon.

"Luna!" Lumingon ako at nakita ko si Vincent na naglalakad papunta sa akin. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Kinuha ko mula sa aking strap bag ang regalo namin ni Lucius para kay Vincent.

"Happy Birthday Vincent. This is a little gift from me and Lucius." Sabi ko at inabot iyon sa kanya. Kinuha niya naman iyon at pinagmasdan.

"Nag-abala ka pa! Pero salamat!" BInuksan niya iyon at nanlaki ang mta nito ng makita ang isang rolex na relo. 

"Nuks naman! Kapag nagka-anak na ako, ikaw ninang ah? Sponsor mo lahat! Ang gara pa magbigay ng regalo!" Sabi ni Vincent habang sinusuot ang relo. Bigla ko namang naalala ang regalo ni Ate para sa kanya. Kinuha ko ulit iyon at inabot ko sa kanya.

"Galing kay Ate iyan. Pasensiya na daw at hindi siya nakapunta." Sabi ko. PIlit na ngumiti si Vincent at kinuha ang box. Hindi niya pa iyon binubuksan.

"Oh, buksan mo na! Ano pang hinihintay mo?" Tanong ni Frida sa kanya. Napangiti naman si Vincent. 

"Ano kayo? Sineswerte? This is for my eyes only." Sabi ni Vincent at tinago sa likod niya ang box.

"Ito naman ang damot! Parang gift lang eh! Buksan mo na!" Pagpipilit naman ni Kacey.

"Bakit kayo may birthday ha?" Napailing nalang kami. 

"Salamat. Sabihin mo rin kay Leslie na masaya ako naalala niya akong bigyan ng regalo." Tumango ako at ngumiti.

"Ah nga pala, sandali lang." Umalis sandali si Vincent at pagkabalik niya ay may dala siyang isang cute na baby girl. Base sa itsura, mukhang magkasing edad sila ni Lucius. 

"This is Victoria, my niece." Sabi ni Vincent. Ang cute niya dahil kulot na kulot ang hair niya at bilog ang kanyang mata. Kinuha ko naman si Lucius at inilapit kay Victoria.

"Gusto mong makipagplay with Lucius?" Tanong ni Vincent kay Victoria. Tumango ito at nagtago sa leeg ni Vincent. Napangiti naman kaming lahat. Nilapag naming pareho ni Vincent ang mga karga namin at nagsimula na silang maglaro.

"Oh guys, enjoy lang kayo. I still have to entertain some guest. Feel at home! Happy birthday to me!" Sabi ni Zander at lumabas. Napatawa naman kami. 

"Mag swimming lang ako. Tara sama kayo." Pag-aaya ni Cole. Sumunod sa kanya sila Jackson at si Ryle sumunod na din si Kacey. Ngayon ay kami nalang ni Frida ang natitira rito. Napansin ko na kahit sa birthday ni Vincent ay wala si Zander.

"Mukhang may hinahanap ka ata?" Tanong ni Frida. Lumingon ako sa kanya at nakita kong tumataas baba ang kilay nito.

"S-Saan dito ang banyo? Naiihi ako eh." Sabi ko. Totoo namang naiihi talaga ko.

"Diyan sa may kaliwa. Sige na umihi ka na diyan."

"Pakibantayan muna sila ah? Salamat." Sabi ko at pumunta sa banyo. Pagkatapos ko na umihi ay naglagay ako ng kauning blusher at kaunting tint sa labi. Bumuntong hininga naman ako. He finally set me free, kaya nga dapat masaya ako diba? 

Pero bakit ganito? Parang mas lumala?

Lumabas na ako ng banyo at bumalik doon pero nanlaki ang mata ko ng hindi ko na makita si Lucius. Si Victoria nalang ang nandoon at mag-isang naglalaro ng laruan niya. Pati si Frida ay wala na rin.

--

Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon