Chapter 52

24 1 0
                                    

Luna's POV

Nataranta ako ng hindi ko maaninag si Lucius. Lumapit naman ako kay Victoria.

"Nasaan si Lucius at si Tita Frida?" Tanong ko sa kanya. Napaisip si Victoria pero umiling ito. Lumabas ako at hinanap ko si Frida. Nakita ko siyang umiinom ng shot kasama sila Kacey. Agad akong pumunta sa kanya.

Mukhang hindi niya kasama si Lucius.

Nakita ko ang gate na bukas kaya lumabas ako doon. Walang tao. Hinanap ko si Lucius baka nakalabas lang siya.

"Lucius!" Sigaw ko habang naglalakad at hinahanap ang anak ko. Nanginginig ako. Pakiramdam ko ay may nangyaring hindi maganda kay Lucius.

Nang makita kong may anino sa likod ko, agad akong lumingon. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.

"Hello, miss me?" Sabi niya at tinakpan ang bibig ko ng panyo. Bigla naman akong nawalan ng malay.

Zander's POV

Nakailang text na sila Vincent sa akin para papuntahin ako sa birthday niya. Alam ko rin na nandoon sila Luna. Hindi ko alam pero kahit gusto ko siyang makita, alam kong masasaktan lang ako lalo pag gagawin ko iyon.

Pero kahit ganoon, naisipan ko pa rin na dumalo. Para na rin sa birthday ng kaibigan ko. Nagdrive ako papunta kila Vincent pero kumunot ang noo ko ng makitang may mga police sa labas ng bahay nila.

Agad akong bumaba at lumapit.

"Oh nandito na pala si Zander!" Sabi ni Jackson.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila.

"Ito kasing si Frida!" Sabi ni Kacey. Nakita ko namang umiiyak si Frida habang pinapatahan ni Cole.

"Ikaw kaya! Kung sanang hindi mo ako niyaya edi sana hindi nawala si Lucius! Pati si Luna nawawala rin!" Sabi ni Frida habang humahagulgol.

"Ano?! Nawawala sila?" Bigla akong nabuhayan ng dugo. Nanginig rin ang katawan ko dahil sa takot na baka may nangyari sa kanilang dalawa.

"Sir, we can't officially start a search party for them hangga't wala pa pong 24 hours. Pakitawagan nalang po ang pamilya nila para makasigurado. Mahirap na pong magkaroon ng miscommunication." Sabi ng isa sa mga police.

"Tama! Vincent, call mo si Leslie. Tanong mo kung nakauwi na sila." Suhestiyon ni Jackson. Tinawagan naman ni Vincent at sumagot naman kaagad.

"Hello Leslie,"

"Nakauwi na ba sila Luna?,"

"Ahh ganoon ba?,"

"Ganito kasi Leslie, they are missing.Wala kaming idea kung saan sila nagpunta,"

"Okay salamat, See you." Binaba na ni Vincent ang phone niya.

"Oh ano?" Tanong ko.

"Wala sila Luna at Lucius sa kanila. Pupunta daw dito si Leslie para hanapin sila." Sabi ni Vincent.

"Lilibutin namin ni Cole at Ryle ang compound. Baka naglakad lakad lang sila." Sabi ni Jackson. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko kakaisip at kakaalala sa kanila.

Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon