Chapter 36

34 2 0
                                    

Luna's POV

Pinatayo ako ni Zander pagkatapos kung sabihin ang mga salitang iyon. Hindi ko siya magawang tignan sa mata. Nandidiri ako sa sarili ko.

"B-Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Tanong niya.

"K-Kasi nandidiri ako sa sarili ko. A-Ayaw ko na ikahiya mo ako. A-Ayaw ko na lumayo ka sa akin dahil nangyari na sa akin iyong bagay na iyon."

"L-Luna, I-I'm sorry." Sabi niya at niyakap ako. Tuluyan na akong humagulgol sa dibdib ni Zander. Niyakap ako ng napakahigpit ni Zander.

"I love you, even your flaws and imperfections, I love all of them okay?" Sabi ni Zander at hinalikan ako sa noo.

"Kumalma ka na. Hindi ka niya magagalaw as long as I'm here." Sabi ni Zander. Unti unti ng gumaan ang pakiramdam ko at napatigil na rin kahit papaano sa pag-iyak.

Pumasok kami sa kotse ni Zander at nag-usap ng maayos.

"Bakit hindi niyo siya pinakulong?" Tanong ni Zander. Hindi naman ako nakasagot kaagad.

"I'm sorry. You don't have to answer it." Sabi niya. Umiling naman ako at ngumiti.

"I love you, so I trust you." Sabi ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Kung ako naman ang masusunod, syempre ipapakulong ko siya. Pero wala eh, ano bang alam ko noon? I was just a spoiled, rich kid, who only feeds off her parent's money."

"Pati mga magulang ko, tinalikuran ako. He was a close family friend kaya hindi sila naniniwala na magagawa iyon ni Rocco sa akin." Paliwanag ko sa kanya.

"I want to assure you Luna. That I'm nothing like that guy. Hindi ko gagawin sa iyo iyon hangga't hindi ka pa handa." Sabi ni Zander. Ngumiti naman ako.

"Thank you. I love and trust you so much." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"So tell me, anong gusto mo? Ipakulong ko o pahirapan?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Zander na ngumingisi.

"Grabe ka!" Sabi ko.

"Bakit? Akala niya ba makakalusot siya ng ganon-ganon lang?"

"Zander, as long as he's not near me, I'm good. Ayaw ko ng palalain iyong sitwasyon. And besides, I have you naman diba? You'll always be there for me right?" Ngumiti si Zander at sinarado ang distansya ng aming nga labi.

"Of course. I'm always here for you." Sabi niya.

Kinabukasan, habang nasa gitna kami ng discussion, ay may isang pamilyar na tao ang pumasok sa room. Hindi ako makagalaw ng makita ko si Rocco.

"Excuse me?" Tanong ni Rocco sa guro namin na abala sa pagsusulat sa board.

"Yes?" Tanong naman ng guro.

"I'm Crisostomo Rocco Pangilinan. I'm a transferee." Sabi ni Rocco.

"Oh! Welcome welcome! Everyone, please welcome, Rocco." Sabi ng guro.

"Pogi!"

"May bago na tayong papi!"

Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon