Chapter 38

29 2 0
                                    

Luna's POV

Nasa Science Laboratory kami at ginagawa namin ang protein test na kung saan gumamit kami ng activator. Kagrupo ko sina Kacey, Louell, at Helga. Habang ginagawa naming ang test ay naagaw ng atensyon namin ang kakarating lang na si Rocco.

Putok ang labi nito at may pasa ang kanyang mukha. Lahat kami ay siya ang tinititigan.

"Rocco! Anong nangyari?" Tanong ni Holly, ang isa sa malanding kaklase namin. Hindi siya sinagot ni Rocco, instead ay umupo lang ito sa tabi niya. Nagtama ang tingin namin at ngumiti sa akin si Rocco. Binaling ko sa test ang aking atensyon at nirecord ko ang mga results.

"Now that you're done, please proceed to the classroom and answer the questions written on the whiteboard." Habang naglalakad pabalik sa classroom ay nagkasabay kami ni Rocco. Binilisan ko ang paglakad pero naabutan niya ako.

"What do you want?" Tanong ko habang hindi parin tumitigil sa paglalakad.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung sino ang may gawa sa akin nito?" Tinignan ko siya nang masama at naglakad ulit.

"Wala akong pakialam." Sagot ko sa kanya.

"Paano kung sabihin ko na ang boyfriend mo ang may gawa nito?" Napatigil ako sa sinabi niya. Nilapitan ko siya at nginisian.

"Eh ano ngayon? Eh sa gago ka eh. Deserve mo yang gago ka." Sabi ko at tinalikuran ko siya. Naglakad na ako papasok ng classroom.

"Huy, bakit parang buntot ng buntot sa iyo yung bago?" Tanong ni Frida sa akin. Nagkibit balikat nalang ako.

"Hala! Alam niya kaya na may jowa na kaya?" Tanong ni Frida.

"Malamang sa malamang alam niya. Pakiramdam ko may hindi sinasabi itong si Luna sa atin eh." Sabi naman ni Kacey. Napatingin ako sa gawi ni Kacey.

"Meron nga!" Sabi ni Frida at nag-apir sila ni Kacey.

"Bahala kayo." Sabi ko at sinagutan ang mga questions sa aking papel. Nang matapos ko na iyon ay pinasa ko na sa teacher. Nang tumunog na ang bell for break, agad akong lumapit kay Zander.

"Zander, let's talk." Sabi ko at lumabas. Sumunod naman siya sa akin. Tumigil kami sa may bandang locker area kung saan wala pang maraming tao.

"What's up baby?" Malaming na bati ni habang niyayakap ako at sinisinghot ang buhok ko. Kumawala ako sa yakap niya at hinarap ko siya.

"Anong ginawa mo kay Rocco?" Tanong ko sa kanya. Napawi ang ngiti niya at umigting ang panga niya.

"Zander sagutin mo ako."

"Look, I'm sorry Luna. Hindi ko lang kasi mapigilan eh. Everytime that I see that bastard's face gusto ko siyang upakan. I can't bear to imagine that he cause you so much pain Luna. Hindi ko kaya." Sabi niya. Bumuntong hininga naman ako.

"Thank you Zander." Sabi ko sakanya at niyakap ko siya.

"But next time, huwag mo na siyang patulan o upakan ulit okay? I don't want you to get in trouble because of me." Sabi ko.

"I'll throw myself into trouble a thousand times just for you baby." Hinawakan niya ang panga ko at akmang hahalikan niya ako ng may umepal.

"Nakakainggit naman iyan! Gusto ko rin kakiss!" Sabi ni Vincent. Kasama niya ang buong barkada pati na rin sila Frida at Kacey. Hinampas naman ni Zander si Vincent.

"Panira kang gago ka. Tara na nga." Sabay sabay kaming pumunta sa cafeteria para kumain.

"Nga pala, mga pare may dadalhin na ba kayo sa para sa ball?" Tanong ni Jackson habang kumakain ng chichirya. Nagkatinginan naman kami ni Zander at ngumiti sa isa't isa.

"Malambg si Zander at Luna magkasama." Sabi ni Kacey at umirap. Nagtawanan naman kami.

"Mukhang gusto mo rin ata ng mga katulad ni Zander ah? Gusto mo ako nalang Kacey?" Sabi naman ni Jackson.

"Excuse me? Kapal mo ah?" Sabi ni Kacey. Tumayo naman si Jackson at inakbayan si Kacey.

"Pakipot ka pa! Sige na! Ako na date mo. Libre na iyan ah. Ako na ang nag-aaya." Umirap si Kacey at tinanggal ang pgkakaakbay ni Jackson.

"Ayaw ko sa makakapal ang mukha!" Sabi ni Kacey. Napa 'Ohhh' kaming lahat.

"Halos lahat ng babae willing ibigay ang lahat para lang maging date ko noh? Tapos ikaw tinatapon mo lang itong once in a lifetime opportunity?"

"Ewan sa iyo." Sabi ni Kacey.

"How abour your Frida? Sino ang dadalhin mo?" Tanong ni Vincent kay Frida. Nakita ko ang pagpa ng pisngi ni Frida. Alam ko naman kasing si Ryle ang tipo niya.

"Ah eh, an—"

"Ryle, may date ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Umangat naman ang tingin siya. Itong lalaking ito laro ng laro ng sudoku. Sandamakmak na talino na ata ang hinakot nito eh.

"Not planning on having one." Sabi niya at nilipat ang pahina ng sudoku book. Napansin ko ang pagbago ng ekspresyon ni Frida.

"Perfect! Bakit hindi nalang kayong dalawa ni Frida?" Sabi ko. Lumaki ang mata ni Frida. Tumaas naman ang kilay ni Ryle at sinara niya ang sudoku book.

"Ano nanaman ito Monticillo?" Tanong ni Ryle.

"Ah eh, Oo nga! Ano ba Luna!" Sabi ni Frida.

"Bagay kayo! The quiet one," Turo ko kay Ryle.

"And the not quiet one." Turo ko naman kay Frida.

"Oo nga! Bagay! Pare gawin mo ng date itong si Frida!" Sabi ni Jackson.

"What?" Kumunot ang noo ni Ryle.

"I dare you Ryle." Sabi ni Zander.

"You're a sucker for dares Ryle. You know you can't escape a dare." Sabi ni Cole. Umirap si Ryle.

"Fine." Sabi niya at binalik ang atensyon sa sudoku. Nakita ko naman ang pagbago ulit ng ekspresyon ni Frida.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Frida.

"Bakit? Ayaw mo?" Masungit na tanong. I Ryle.

"H-Hindi! G-Gusto ko." Sabi ni Frida.

"Good." Sabi ni Ryle at umalis na.

"May sarili talagang mundo iyon. Palagi gustong mapag-isa." Sabi ni Vincent.

"Ah guys, pupunta lang akong banyo ah!" Sabi ni Frida at dali daling umalis. Alam ko na kung saan ang punta niya. Kay Ryle at hindi sa banyo.

"Oh well, look at this loser squad." Napalingon kami sa nagsalita. Si Mandy iyon kasama ang mga alipores niya.

"We don't need you here Mandy. Go away." Sabi ni Cole.

"Okay then." Sabi niya at kumindat kay Zander bago umalis. Sinundan namin ang paglakad nila paalis.

"Don't mind her." Sabi ni Zander sa akin. Tumango ako at ngumiti. Inubos na namin ang nga pagkain namin at bumalik na kami sa classroom namin.

Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon