Chapter 31

30 2 0
                                    

Luna's POV

"Hey, beautiful." Napangisi ako at tumalikod para harapin si Zander. May dala dala itong bouquet ng bulaklak at isang maliit na teddy bear sa tabi.

"Congratulations, Queen Luna." Sabi niya sa akin.

"Para sa akin ba iyan?" Tanong ko.

"Magiging sa iyo to kung papayag ka sa condition ko." Tinaasan ko naman siya ng kilay. Pinagkrus ko ang aking bisig at hinarap siya.

"At ano naman iyang condition mo?" Paghahamon ko sakanya. Ngumiti siy at lumapit sa akin. Nilapit niya ang kanyang mukha at pinagdikit ang aming noo. Ramdam ko ang hininga niya at ang init nito.

"Be my date, Luna." He said huskily. Pinalibot niya ang kanyang kamay sa aking baywang at nilagay niya ang kamay ko palibot sa kanyang leeg.

"What if hindi ako pumayag?" Pang-aasar ko sakanya.

"That sucks baby but you don't have a choice. Because whether you like it or not, you have completely bewitched me, and I'll do anything to make you say yes." Napangiti naman ako ng bahagya.

"Okay. I'll be your date." Bulong ko sa tenga niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik.

"I knew you would say yes." Sabi niya at inabot sa akin ang boquet at maliit na teddy bear.

"I have to go now. May practice pa kami sa tennis team. I'll see you around, baby." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Tumakbo ito ng mabilis hanggang sa hindi ko na siya makita. Binaling ko ang tingin ko sa bouquet. Nakangiti akong pinagmasdan ito. Napansin kong may maliit na envelope na naroroon kaya  kinuha ko ito at binasa.

Dearest Luna,

            I'll pick you up tomorrow. We'll look for matching outfits for the banquet. I want everyone to be jealous of us. Especially with your beauty. See you at 12pm. xx

Sincerely yours,
Zander

Napangiti ako ng mabasa ko ang letter ni Zander. Naglakad na ako pabalik sa classroom ng makasalubong ko naman si Ryle. He's wearing a giant smirk on his face. Tinago ko naman sa likuran ko ang bouquet at teddy bear.

"Kaya naman pala ang saya ni Zander kanina. I think I know the reason why." Sabi niya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"By the way, congratulations on being on being nominated. Hindi na ako magtataka kung mananalo ka." Puri ni Ryle.

"Thanks." Tipid kong sagot.

"Mabuti naman at nagkaayos na kayo ni Zander." Pag-iiba ng topic ni Ryle. I awkwardly smiled at him and nodded.

"Whatever you are doing Luna, it affects Zander." Napatigil ako sa sinabi ni Zander. Nanlaki naman ang aking mga mata.

"In a good way." Sabi niya at ngumisi. Bahagya naman akong napangiti.

"I have to go. Nice catching up with you Luna." Sabi ni Ryle at umalis na. Bumalik na ako sa taas at tinago ang bouquet at teddy bear sa locker ko. Pagkasara ko ng locker ko at mukha kaagad ni Kacey ang sumalubong sa akin.

"Kaya naman pala hindi ka namin mahanap ni Frida. Kumekerengkeng ka pala kasama si Zander." Pang-aasar ni Kacey. Inirapan ko lang siya at naglakad. Sumunod naman siya sakin kaya mas binilisan ko pa ang lakad.

Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon