Zander's POV
"Tagay para sa ugok na ito na inlove na inlove!" Sabi ni Vincent at tinaas ang kanyang baso. Sabay sabay kaming nagcheers at nilagok ang shot.
"So wala na talaga iyong deal?" Naalala ko kung saan nagsimula ang lahat. Noong panahong kaya ko lang pinakisamahan si Luna ay para maggawa ang gusto ni Mama at makuha ko ang mga luho ko.
"Wala na akong pakialam kung magalit sila sa akin. All I want is her." Sabi ko at ngumiti ng matagumpay.
"Yun oh! Tagay!" Sabi naman ni Vincent at uminom ulit kami.
"Maiba naman tayo, parang may kakaiba doon sa bagong lipat?" Banggit ni Cole. Biglang nagbago ang mood ko.
"Sino? Iyong si Pangilinan?" Tanong naman ni Jackson.
"I heard they own Pangilinan Cargo and Shipment." Sabi naman ni Ryle.
"And he also plays for their basketball team in his old school." Dugtong naman ni Cole.
Humigpit ang hawak ko sa baso at sa hindi inaasahang pagkakataon, tinapon ko ang baso. Nagulat silang lahat sa inakto ko.
"What the fuck Zander?" Sabi naman ni Jackson. Lumingon ako sa kanila at halata sa mukha nila ang pagkagulat.
"S-Siya, H-He," Nanginginig kong sabi dahil sa galit. Ayaw ko nang lumala pa itong galit ko, pero sa tuwing naaalala ko ang kanyng pagmumukha niya, gusto ko siyang patayin.
"Bakit? Anong meron sa kanya?" Lumapit sila sa akin at pinalibutan ako. Alam kong hindi ko dapat sabihin sa kanila ang tungkol doon pero, alam ko namang mas lalong lalala itong galit ko kung hindi ko sasabihin.
"H-He raped Luna." Nagulat sila sa sinabi ko.
"Ano?! Teka lang. Paano nangyari iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cole.
"Magkaibigan sila ni Luna before. He always like her, pero hindi siya gusto ni Luna. He drugged and raped Luna one night." Pagpapaliwanag ko sa kanila.
"That explains why she's not easy to reach." Sabi ni Ryle.
"Don't tell anyone about this. Act like you don't know anything when Luna's around." Bilin ko sa kanila. Tumitig ako ng diretso habang iniinom ang alak ko. Umigting ang panga ko at hindi ako mapakali.
"So ano? Upakan na natin?" Tanong ni Vincent.
"Tumahimik ka nga! Malapit na tayong matapos dito sa pesteng school na 'to. We have to leave without any records." Sabi naman ni Cole.
"Eh mukhang may pinaplano itong si Zander eh." Sabi naman ni Jackson.
"Zander, you can't be serious." Sabi naman ni Cole.
"I have to avenge Luna. He stole Luna's innocence. Kaya dapat pagbayaran niya ang kapalit." I said without mercy in my eyes. Gagawin ko kahit ang pumatay para kay Luna.
"Count me out. Ikaw Ryle? Payag ka?" Tanong ni Cole kay Ryle. It took a while bago sumagot si Ryle.
"Of course. After all, it's been a while since our last fight." Sabi ni Ryle at ngumisi.
"Come on! Think straight. Will you really risk your future just for a girl?" Sabi ni Cole na ikinataas ng kilay ko.
"Luna is not just any other girl. She's my girlfriend."
"Edi ikaw ang lumabas sa rapist niya. Don't include us on this." Napangisi ako at kinwelyuhan ko si Cole.
"Baka ikaw ang upakan ko imbis na si Rocco." Sabi ko. Pinaghiwalay naman nila kaagad kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Teen FictionSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...