Zander's POV
Pagkagising ko ay naramdaman kong nakabalot ako ng kumot. Naramdaman ko rin ang sobrang sakit ng ulo ko. Napasinghap ako ng makaamoy ng masarap na lutuin.
Agad akong tumungo sa kusina at inaasahan na makita si Ryle pero laking gulat ko ng makita si Ryle at Mandy na kumakain sa lamesa. Napansin ni Ryle ang presensiya ko at ganoon din si Mandy.
"Good morning baby boy!" Sabi ni Mandy at tumayo at niyakap ako. Nilayo ko ang sarili ko sa kanya at tinignan ko siya ng masama.
"What is she doing here, Ryle?" Tanong ko kay Ryle.
"She wanted to cook for you." Prenteng sabi ni Ryle habang kumakagay sa toast niya. Napairap naman ako.
"I'm going to school." Sabi ko at akmang tatalikod na ng harangan ako ni Mandy.
"At least eat something Zander. Sayang naman iyong mga niluto ko." Umarte pa si Mandy na para bang nagpapaamo ito sa ako.
"You have the guts to come here after what you did? Iba ka rin eh 'no?" Sabi ko at nilampasan ko siya. Hinabol niya naman ako at niyakap niya ako mula sa likod. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya at tinulak ko siya.
"Ouch!" Sigaw niya. Agad namang pumunta sa amin si Ryle.
"Zander, she's a girl. You can't do that." Sabi ni Ryle habang tinutulungan si Mandy na makatayo.
"It's okay Ryle. It's my fault naman eh." Sabi ni Mandy at tumakbo pabalik sa kusina. Bumuntong hininga naman si Ryle at pinagkrus ang bisig.
"I know how much trouble she cause you and Luna, but you can't just hurt her. Hate her or not, she's still a girl." Sabi ni Ryle.
"I just got carried away okay? Paano ba naman, napakaclingy. Eh ayaw ko nga diba?" Umiling nalang si Ryle.
"Mauna ka na sa school. I'll take care of Mandy." Sabi ni Ryle sa akin. Tinapik ko ang balikat niya at nagpalit na ako. Umalis na ako sa condo ni Ryle at dumiretso na sa school. Everyone was looking at me.
Pagkapasok ko ng classroom ay agad kong hinanap si Luna. Gaya ng dati, wala pa rin siya. Lumapit naman ako kay Kacey.
"Kacey." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa direksyon ko at nakita ko ang masamang tingin niya sa akin.
"Ano hinahanap mo si Luna?" Masungit na tanong ni Kacey. Tumango ako.
"Tutal ikaw naman ang nagpalayo sa kanya, ikaw nalang ang maghanap. You made your bet, now you suffer the consequences." Sabi ni Kacey at hindi na ako pinansin. Umalis na ako doon at umupo na sa upuan ko.
Break time na at mag-isa akong nakaupo sa bench. Sumunod naman sila Cole at Vincent.
"Ano hindi mo pa ba papatawarin si Jackson? Hindi naman intensyon nung tao na gawin iyon eh." Sabi ni Vincent habang kumakain ng chichirya.
"Oh speaking of Jackson," Sabi ni Cole at ngumuso sa likuran ko. Lumingon naman ako at nakita ko siyang papalakad papunta sa amin.
"Wassup pare." Sabi ni Vincent at nakipag apir kay Jackson at Cole. Tumingin naman ito sa akin. Binalot kami ng katahimikan. Bumuntong hininga ako at tumayo. Pumunta ako sa lugar ni Jackson at naglahad ng kamay.
"Truce?" Sabi ko. Tumugon naman siya.
"Truce." Sabi niya at ngumisi kami sa isa't isa. Nagbro hug kami at humiwalay.
"Iyon oh! Buo na ulit ang tropa!" Sabi ni Vincent at tinapunan kami ng chichirya. Nagsitawanan naman sila.
"Teka, nasaan na ba si Ryle? Diba kay Ryle ka nagstestay? Bakit hindi kayo magkasama?" Tanong ni Cole sa akin.
"May inasikaso siya." Sabi ko. The more that I talk about what happened kanina, mas lalo
lang akong naiinis kay Mandy."Sila ba iyon? Kasama niya si Frida?!" Napatingin kami sa gawi na tinitignan ni Vincent at nakita naming magkasama si Ryle at Frida. Tila ba nag-uusap sila. Si Frida naman ay mukhang galit at naiinis kay Ryle.
"Hala nag-aaway ata?" Sabi ni Cole.
"Lapitan natin." Sabi ni Vincent. Tumayo kami at lumapit sa gawi nila.
"I will never like someone like you! So stay away from me!" Rinig naming sigaw ni Ryle kay Frida. Nakita kong natigilan si Frida at naginig ito. Yumuko si Frida at umalis.
"Bro, anong nangyari?" Tanong ni Jackson kay Ryle. Napamura naman si Ryle ng mahina. Naglakad kami pabalik sa inuupuan namin kanina at nag-usap.
"Anong nangyari? Bakit nag-away kayo ni Frida?" Tanong ko.
"She went to my condo kanina. She found me and Mandy eating together. She got pissed and she told Mandy to stay away from me." Pagpapaliwanag ni Ryle. Ngayon lang nag explain ng ganito si Ryle. Most of time, you have to figure it out bago mo pa malaman kung tungkol saan ba.
"Oh tapos?"
"Syempre nainis ako sa kanya. And what was she even doing there early in the morning anyways?" Inis na sabi ni Ryle.
"Alam mo Ryle napakamanhid mo. Malamang ganoon reaksyon niya, gusto ka ni Frida eh!" Sabi ni Vincent. Umirap naman si Ryle.
"Then she shouldn't like me. I won't reciprocate it." Sabi ni Ryle.
"Pero grabe naman iyong pagkasabi ko sa kanya kanina. Tagos na tagos iyon." Sabi ni Cole. Napabuntong hininga naman si Ryle.
"I could care less if it hurts her or not. It's the truth." Sabi ni Ryle.
"Bato ka nga talaga! Kaya wala kang chicks eh. Ang hirap kong biyakin!" Sabi naman ni Jackson.
"Sayang, akala ko pa naman si Frida ang katapat mo." Sabi ko at nginisian ko si Ryle.
"All of you are not helping." Sabi ni Ryle at uminom mula sa iced tea ni Cole.
"Makinig ka sa amin Ryle ah? Payo ito mula sa isang expert sa mga babae." Sabi ni Vincent.
"Standards are nothing. Kahit na sabihin mong hindi mo siya type, once you fall, you fall." Sabi ni Vincent.
"Eh hindi ko nga siya gusto diba?" Sabi ni Ryle.
"Who knows? Baka pag si Frida na ang umiwas sa'yo ikaw naman ang maghabol." Napatahimik naman si Ryle.
"Huwag kang magsalita ng tapos Ryle. Baka mamaya kainin mo iyang mga sinasabi mo." Sabi ni Vincent. Lumunok naman si Ryle.
"Wow. So deep bro." Sabi ni Jackson.
"Syempre! Gusto niyo ako pa spoke person ng school natin eh." Sabi ni Vincent at humagikhik. Napansin ko naman na occupied si Ryle.
He's probably questioning his feelings now.
—
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Teen FictionSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...