Chapter 48

29 1 0
                                    

Luna's POV

Habang nagdadrive at tahimik lang kami ni Zander. Paghinga lang ni Lucius ang naririnig ko. Paminsan minsan ay hahaplusin ko si Lucius dahil mukhang magigising ito.

"Luna." Tawag ni Zander sa akin. Sumulyap naman ako sa kanya. Mukhang alam ko na kung saan ito tutungo.

"I want you to know that I'm really sorry. Alam kong napakagago ng ginawa ko sa iyo but believe me, everything changed when I got to know you." Sabi niya habang nakafocus pa rin sa daan.

"When you were gone, I felt my mind going crazy. Halos mapariwara na ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko." Sabi niya. Piankinggan ko lang siya.

"Everyone kept telling me to just forget you, kasi hindi ka naman daw babalik. But look at where we are now, nandito ka. Beside me." Sabi niya. Bumuntong hininga naman ako.

"How did your parents react?" Tanong ko sa kanya.

"T-They didn't take it well. But I could care less about what they feel. They did not care about mine." Sabi ni Zander. Tumahimik ulit kami.

"Luna, I still love you. I always will. Kahit hindi mo ako pansinin o kahit ipagtabuyan mo ako." Sabi ni Zander. Tumingin ako sa direksyon niya.

"Hindi totoo iyan Zander. Hindi mo ako mahal." Sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"You don't know what I feel." Sabi niya.

"Look at me Zander. Do you think I'm fit to be yours?" Tanong ko sa kanya.

"Yes—"

"I have a son Zander. Malamang sa malamang, huhusgahan tayo ng mga tao. I've been through a lot Zander. Hinding hindi ko hahayaan na maranasan ng anak ko ang lahat ng panghuhusga sa mundo." Sabi ko sa kanya.

"I am willing to be his father Luna." Natigilan ako sa sinabi niya. Diretso siyang nakatingin sa daan.

"You're not thinking this through Zander. Being with me means not only having a responsibility to me, but also to my son. Hindi lang ako ang dapat mong mahalin kung hindi pati si Lucius."

"I can do that Luna. I can love Lucius like my own." Sabi niya. Ang kulit niya talaga. Sa totoo lang, masakit pa rin naman ang nangyari. Pero nang matapos ang transplant, si Lucius lang ang laman ng utak ko.

"Zander, ayaw kitang ipasok sa isang sitwasyon na napipilitan ka lang." Sabi ko. Hindi naman na siya sumagot. Kalahating oras pa bago kami nakarating sa bahay.

Pinagbuksan niya kami ng pintuan at kinarga niya si Lucius. Bumaba ako at kinuha ko pabalik ang anak ko.

"Luna, you know me. I don't give up easily. I'll prove myself to you. Papatunayan ko that I'm worthy of your love and forgiveness." Sabi niya.

"Someday Zander, I'll forgive you." Sabi ko sa kanya at naglakad na papasok ng bahay. Dumiretso ako sa room ni Lucius at nandoon naman ang personal nurse niya na nag aayos ng mga kakainig niya for lunch at mga medicines niya.

"Nakahanda na po ang pagkain at meds ni Sir Lucius." Sabi ng nurse. Pinahiga ko muna si Lucius sa isang couch at gumising naman ito.

"Mommy, is he my daddy?" Tanong ni Lucius. Napatingin naman ako sa nurse na ngayo'y busy sa pag babalik ng mga medicine bottles sa cabinet.

"Lucius, it's time for you to eat na." Sabi ko at tinulungan ko siyang tumayo at pinaupo sa upuan niya.

"I like him mommy! He sims to nays. Layk a daddy." Sabi niya. Binablutan ko ng bib ang leeg niya at sinubuan ko siya ng pagkain. Umupo naman sa tabi niya ang nurse.

"When will I tee him agen, mommy?" Tanong ni Lucius. Mabuti nalang at bumalik na ang nurse.

"Nurse Beth will take care of you muna okay? I'll just do something for a while then I'll read you a story later. Okay?" Sabi ko.

"Okay mommy!"

"Ikaw na muna ang bahala Beth ah?" Tumango naman siya at siya na ang nagpatuloy ng pagpapakain sa anak ko. Lumabas na ako ng room ni Lucius at dumiretso sa kuwarto ko. Nanginig ang aking mga binti. Hanggang sa bumagsak na ako sa sahig at tumulo ang mga luha ko.

Kinabukasan ay kinailangan kong pumunta sa school para mag fill in nalang ng mga clearance at requirements. Umiyak nga si Lucius dahil aalis daw ako at iiwan ko siya.

"Don't cry baby. Uuwi din ang mommy. I'll read you a story later okay?" Sabi ko sa kanya para pakalmahin siya.

I used my car to go to school at pagkababa ko pa lang ay ako na ang pinag-uusapan nila. Hindi ko na ininda iyon at dumiretso na.

"May anak na pala siya!"

"Imposibleng si Zander ang ama. Malaki na daw ang bata eh."

"Baka single mommy siya."

"Kawawa naman."

Kung pwede ko lang ipagsigawan sa kanila kung ako talagang nangyari. Pero hindi naman kasi ganoon kadali iyon. Pagkapasok ko sa classroom ay tumahimik ang tao sa loob.

"Nasaan si baby boy? Bakit hindi mo dala?" Tanong ni Kacey.

"Hindi ko naman siya pwedeng dalhin dito. Hindi ko siya mababantayan." Sabi ko. Base sa call na naganap kagabi, kailangan pa daw ng dalawang araw. At sa loob ng dalawang araw na iyon, kailangan ko munang pumasok.

"Sayang naman." Sabi ni Kacey.

"Eto pala. Binili ko para kay Lucius. Ipalaro ko sa kanya ah?" Sabi ni Frida at inabot sa akin ang isang laruan. Napangiti naman ako.

Nagsimula na ang klase at mabuti nalang dahil wala na sa akin ang atensyon ng mga tao. Agad akong dumiretso sa business office ng matapos ang first three subjects namin.

"I'm going to need the recommendation form so that our principal can fill it out." Sabi ng custodian.

"Okay. I'll give it as soon as I can." Sabi ko. Tumayo na ako at lumabas.

"Anong ginagawa ko sa business office?" Tanong nila Kacey na naghihintay kasama si Frida. Bumuntong hininga ako.

"I'm processing my transfer." Sabi ko. Nabigla naman sila.

"Aalis ka?! Saan?" Tanong ni Frida.

"I'm going to continue studying in Germany." Sabi ko.

"What did you say?" Napalingon kaming tatlo sa nagsalita. Si Zander iyon na na nakakunot ang noo habang nakapamulsa. Naglakad ito papalapit sa amin.

"Are you for real, Luna?" Tanong ni Zander. Napatingin naman ako kila Kacey at Frida na unti unting naglalakad palayo.

"We'll leave you two." Sabi ni Frida at tuluyan na silang umalis.

"You're leaving me, Luna."

Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon