Chspter 35

29 2 0
                                    

Luna's POV

Habang nagseserve ng nga pagkain ay lutang ang utak ko. Pinaghalong Zander at ang lalaki kanina. Umiling iling ko para naman mawala ito sa isip ko.

Habang naglilinis ako ng table ay may pumasok na isang lalaki na nakablack na hoodie. Mas lalo akong kinabahan ng papalapit sa akin ito. Tinanggal niya ang hood niya at ngumisi sa akin.

"Long time no see, Luna." Sabi niya. Napaatras naman ako pero sinundan niya ako hanggang sa maramdaman kong nakatama na pala ako.

"Oh Luna? Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Bobbie. Tumango naman ako at naglakad papasok ng kitchen at binalik ang mga panlinis. Pagkabalik ko ay naroroon parin siya.

"Ano bang ginagawa mo dito ha?" Tanong ko sa kanya.

"I'm here to eat." Sabi niya at naglakad papunta sa isa sa mga booths at umupo. Ngumiti siya ng nakakaloko st kumindat sa akin.

"Uy pogi rin siya oh." Sabi naman ni Bobbie. Siniko ko naman siya at tinignan ng masama.

"Ito naman! Nasayo na nga si Zander eh! Makishare ka naman." Tinignan ko naman ng masama si Bobbie. Naglakad ako papunta sa kanya.

"Anong oorder mo?" Tanong ko sa kanya.

"I know you know what I like." Sabi niya dahilan para umigting ang panga ko.

"Hindi ako nakipagbibiruan sa iyo." Sabi ko.

"Alam ko naman. I trust that you'll get it right, Luna." Sabi niya. Inirapan ko siya at sinukat sa order receipt ang order niya. Sinulat ko ang hamburger with cheesy fries at dinala ko sa kitchen.

"Luna, pinapapunta ka ni pogi sa table niya." Sabi ni Bobbie. Walang gana naman akong pumunta doon at umupo sa harapan niya.

"Pwede ba? Alam mo noong sa mall ka pa eh. Sunod ka ng sunod. Buntot ka ng buntot. Ano bang gusto mo?" Iritado kong tanong sa kanya.

"Simple lang naman ang gusto ko Luna. Ikaw." Sabi niya at ngumiti.

"Alam mong malabo na iyang gusto mo. Isa kang walang hiya." Banta ko sa kanya.

"I heard may boyfriend ka na raw." Sabi niya. Napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Hayop ka! Pinapaimbestigahan mo ba ako?"

"All for Love, Luna." Sabi niya na parang ipinagmamalaki niya pa ito.

"Kasinungalingan." Sabi ko.

"So, your boyfriend, does he know?" Sabi niya ay tinaas ang isang kilay niya. Napatigil ako at napahigpit ang hawak ko sa mantel ng lamesa.

"I'm done talking to you." Sabi ko at tumayo na.

"Hindi niya alam? Paano kaya magiging reaksyon niya pag nalaman niya?" Sabi niya. Kinwelyuhan ko siya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nakuha namin ang atensyon ng ibang tao. Binitawan ko ang kwelyo niya.

"I'll go get your order sir." Sabj ko st kinuha ang order niya. Nilapag ko ito sa lamesa niya.

"I know you're still the same old Luna. You got my order right."

"Pagkatapos mong isaksak sa baga mo iyan, umalis ka na. Ayaw na kitang makita ulit." Banta ko sa kanya.

"You're not getting rid of me baby. I'll stay here until you're gone." Umirap ako at iniwanan ko siya doon. Buong oras na nandoon siya ay hindi ko lang siya pinapansin. Kahit na anong papansin ang gawin niya ay simpleng mga sagot lang ang sinasagot ko.

Hanggang sa matapos na ang aking shift. Nagpalit na ako sa staff room at kinuha ang bag ko. Lumabas na ako na hindi siya pinapansin. Naramdaman ko naman din ang pagsunod nito sa akin.

"Luna, uuwi ka na ba?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Patuloy lang ako sa paglakad palabas.

"Ako na ang maghahatid sa'yo." Pero hindi ko parin siya nagawang sagutin. Hanggang sa hawakan niya ako sa balikat dahilan para mapatigil ako.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan!" Banta ko sa kanya. Napatigil naman siya at tinaas ang dalawang kamay na para bang magsusurrender ito.

"Alam mo, masaya na ako ng wala ka. Bakit ka pa ba bumalik? Hindi pa ba sapat iyong mga ginawa mo noon ha?!" Galit na atas ko sa kanya.

"Luna, I'm here to fix my mistakes okay? I want you back." Akmang lalapit siya sa akin pero umatras na ako.

"Letcheng mga salita iyan! Akala mo papaniwalaan kita?! Hindi ako kasing rupok noon tandaan mo iyan!" Akmang tatakbo na ako ng yakapin niya ako. Nagpumiglas ako pero ang lakas niya. Unti unting bumalik sa akin ang nakaraan.

"Sa akin ka lang Luna! Tandaan mo iyan! Walang pwedeng mag may-ari sa iyo!"

"Nahihibang ka na! Bitawan mo ako!" Sabi ko sa kanya pero hinalikan lang niya ako sa aking leeg. Hanggang sa ipaharap niya ako sa kanya at pinaghahalikan ang aking mukha.

"T-Tama na!" Sigaw ko pero patuloy lang siya sa paghalik.

"Luna?" Agad agad akong tumakbo papunta kay Zander na kakarating lang.

"Z-Zander," Tawag ko sa kanya habang humahagulgol.

"Why are you kissing him?" Tanong ni Zander sa akin.

"Oh Hi pare! Ako nga pala yung ex ni Luna. Sabi niya ako daw mahal niya pare. Paano ba yan?" Umigting ang panga ni Zander sa sinabi niya. Lumapit sa kanya si Zander at binigwasan. Ngumisi siya at tumakbo palayo sa amin.

"Luna," Tawag sa akin ni Zander.

"Totoo ba iyon?" Tanong niya. Umiling ako at lumapit sa kanya.

"Z-Zander,"

"Get in." Sabi niya. Pumasok ako sa kotse niya at tahimik lang kaming dalawa. Pinunasan ko ang luha ko na patuloy parin sa pag-agos. Hanggang sa dumating na kami sa bahay namin.

"Lumabas ka. Mag-uusap tayo." Sabi niya at lumabas. Lumabas rin ako at pinuntahan ko siya.

"Zander, listen to me. Huwag kang maniwala sa kanya okay?" Sabi ko kay Zander dahil halata ko galit ito base sa ekspresyon niya.

"Huwag mo muna akong hawakan Luna. Ayaw kong masaktan kita." Sabi niya. Binitawan ko naman siya.

"Zander, wala lang iyon okay? Huwag mo siyang intindihin. Isipin mo iyong tayo, kung gaano kita kamahal." Sabi ko sa kanya.

"Fuck! How do you expect me to forget what happened? Sa harap ko mismo Luna! Sa harap ko mismo kayo naghalikan!"

"Siya ang humalik sa akin! Hindi ko siya hinalikan pabalik."

"Ginusto mo naman?!" Sigaw niya.

"Hindi! Zander, He's not important. That kiss was nothing!"

"Talaga ba? Eh mukhang sarap na sarap ka eh!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko si Zander.

"Gusto mo bang malaman lahat?!" Sigaw ko sa kanya.

"Oo! Lahat lahat!" Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim.

"Siya si Rocco. Magkaibigan kami noon, pero hindi ko alam na gusto niya pala ako. The moment I said na hindi ko siya gusto, h-he," Humagulgol na ako ng tuluyan hanggang sa napaluhod ako sa paa ni Zander. Sinandal ko ang ulo ko sa tuhod niya.

"Z-Zander, I-I'm S-Sorry." Nanginginig kong sabi sa kanya.

"Lun—"

"N-Nirape niya ako, Z-Zander."

Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon