Luna's POV
"Napag-isipan ko na mas mabuti kung doon nalang ako mag-aaral. Malayo dito, at malapit ako sa anak ko." Sabi ko sa kanya.
"Hindi mo pa ako sinasagot Luna. Iiwan mo ako? Sigurado ka ba diyan?" Bumuntong hininga ako.
"Oo. Iiwan na kita." Sabi ko sa kanya.
"That's bullshit! Hindi ba sinabi ko naman sa iyo? I'm willing to be Lucius' father. I'm willing to take whatever responsibility that son of a bitch Rocco have!" He slammed one of his hand at the wall behind me.
"You think I'm stupid enough to believe you again?!" Napatigil si Zander. My vision started to get cloudy, little by little.
"Pagkatapos ng ginawa mo sa akin, ng pamilya mo sa akin, do you think I'll trust you?!" Sabi ko.
"Pinagsisisihan ko na lahat ng iyon Luna. Give me a chance and I'll prove to you that I'm better than that." Sabi ni Zander. I scoffed.
"Hindi ko kaya Zander. I'm still as broken as I was months ago. Noong gabing sinaktan mo ako ng sobra, iyong sakit, sobra ko ring naramdaman. Hanggang ngayon nandito pa Zander." I tried to not let go of my tears but as soon as the other escaped, every tear followed.
Sinubukang punasan ni Zander ang mga luha ko pero lumayo ako sa kanya. Ako ang pumunas ng sarili kong luha.
"Please, just set me free Zander. Ayaw ko na." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"No Luna. I won't set your free. Ganoon lang ba kadali iyon sa'yo?" Sabi niya. Huminga ako ng malalim.
"Hindi na kita mahal Zander." But I know to myself that it's a lie.
"No, you don't mean that Luna. Take it back!" Hindi makapaniwalang sabi ni Zander.
"I said what I said Zander. I'm setting you free, do the same for me." Sabi ko at tinalikuran ko na siya. Dali dali akong pumunta sa restroom at humagulgol. Nilock ko ang pinto para walang makakitang umiiyak ako.
—
Napansin nila Kacey at Frida na matamlay ako. Sinubukan nila akong kausapin pero dinadahilan ko na masakit ang ulo ko.
"Nga pala Luna, birthday ni Vincent next week. Iniinvite niya kayo ni baby boy." Sabi ni Kacey.
"Sige tignan ko." Sabi ko sa kanya.
"Bakit kasi kailangan mong umalis?" Tanong ni Frida. Sa totoo lang ewan ko din. Pero sa tingin ko ito ang nakakabuti para sa anak ko.
Para na rin hindi magkrus ang landas nila ng walang hiyang ama niya. Natapos na ang klase at agad akong umuwi. Nakimiss ko na kasi si Lucius.
Pagkauwi na pagkauwi ko ay sinalubong ako ni Lucius ng maraming halik sa pisngi.
"You're so sweet naman. Isa pa nga!" This time, sa lips ako hinalikan ni Lucius. Naalala ko naman ang gift na binigay ni Frida.
"Remember Tita Frida?" Tumango si Lucius.
"She has a gift for you."
"Rewy?!" Ngumiti ako at tumango. Kinuha ko mula sa bag ko ang laruan na binigay ni Frida kanina. Kinuha iyon ni Lucius at namangha siya sa regalo.
"Wow! Tell Tita Fwida, thenk you!" Sabi ni Lucius. Ngumiti naman ako. My son's happiness is my happiness too. Tumayo na ako at umakyat. Nagpalit ako ng pambahay at bumaba ako kaagad.
"You're spoiling Lucius too much." Rinig kong sabi ni Papa.
"It's just a gift from Frida." Sabi ko habang nilalaro ko si Lucius. Ito ang ayaw ko sa lahat, kapag kinekwestyon na nila ang pagiging ina ko kay Lucius.
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Teen FictionSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...