Chapter 30

34 2 0
                                    

Luna's POV

Maghahating gabi na ng ihatid ako ni Zander sa bahay namin. Pinatay niya ang makina ng kotse at bumaba kami roon. Naglakad ako papunta sakanya at pinatong ang kamay ko sa balikat niya.

"I had fun tonight. Thank you." Sabi ko sakanya. Unti-unti namang lumapit ang kanyang mukha at siniil ng halik ang aking labi.

"Oh, Luna is that you?" Agad akong humiwalay kay Zander ng marinig ko ang Mama ko. Naka silk na black robe ito at house slippers.

"And you're here to Zander?" Nagtatakang tanong ni Mama. Nginitian lang ni Zander si Mama.

"What happened? Bakit ngayon ka lang nakauwi Luna?" Tanong ni Mama sa akin. Hindi ko alam ang sasagutin ko. Naiwan lang nakabukas ang bibig ko.

"May group analysis po kasing kailangang gawin. Magkagrupo po kami ni Luna. We're sorry if we kept her too late." Sabi ni Zander.

"I'm just glad that you're there to take home Luna. Would you like to come in first?" Presinta ni Mama.

"It's alright tita. I have to go home anyways. Baka sila naman ang mag-alala sa akin doon." Sabi ni Zander habang pinapaikot ang susi ng kotse sa hintuturo niya.

"Goodnight Tita." Sabi ni Zander. Tumingin naman siya sa akin.

"Goodnight Luna." Sabi niya at naglakad papunta sa kotse niya. Binuksan niya na muli ang makina at pinaandar iyon. Naglakad na ako papasok pero pinigilan ako ni Mama.

"Luna, are you and Zander together?" Tanong ni Mama. Napatigil ako at humarap sakanya. Umiling ako bilang sagot.

"No, Ma." Dugtong ko.

"Okay. Just want to know. If you need advice, I'm always here." Sabi ni Mama.

"Yes Ma."

"Go upstairs and sleep." Tumango ako at pumasok na sa loob. Umakyat na ako sa kuwarto ko at agad akong humandusay sa kama.

"For our upcoming events, we will be having the Senior's Banquet in three weeks time. So I expect all Ladies to wear your best formal gown, and the Gentlemen to wear your best formal tuxedo." Anunsyo ng principal na pinorproject sa lahat ng speakers sa school. Bawat kuwarto ay may speaker at bawat hallway.

Nagbulong bulongan ang mga tao sa paligid ko.

"Ikaw Luna? Ano plan mo?" Bulong ni Frida sa akin. Nagkibit balikat lang ako sakanya bilang sagot.

"And also, don't forget to vote for your King and Queen, Prince and Princess, and Muse and Escort. Nominations will be done by the advisers and Votings shall be opened public soon. Vote Wisely!" Anunsyo muli ng principal sa speakers. Bumaling naman ang gawi ni Frida sa akin. Tumaas baba ang kilay niya at nakangiti ng mapang-asar.

"What?"

"Nothing." Sabi ni Frida at humagikhik ng mahina. Mukhang alam ko na kung anong binabalak niya. Napailing nalang ako.

Pumasok ako ng library at hinanap ang libro na kailangan para sa literary analysis. Pumunta ako sa 'Fiction' section at hinanap doon. Nagulat naman ako ng biglang may humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Relax, baby. It's just me, Zander." Bulong niya. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko at inirapan siya.

"Ano bang trip mo ha?!" May kalakasan kong sabi. Pinagkrus ko ang bisig ko.

"Nothing. I just want to see how you're doing." He huskily whispered. Napalunok naman ako. Hinawi niya ang mga buhok na humaharang sa mukha ko at nilagay iyon sa likod tenga ko.

"How could you stand here and do nothing but still look breathtakingly gorgeous?" Namula ako sa sinabi niya.

"Are you trying to make me fall for you?" Pang-aasar kong tanong.

"What if I am? Will you fall for me?" Nginisian niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Nice try, but still not good enough." Pang-aasar ko sakanya at tinapik ang balikat niya. Napahagikhik naman siya ng mahina.

"I have to go. I found the book that I'm looking for." Sabi ko at kinuha ang libro na nasa likuran niya. Nginisian ko siya at naglakad paalis. Pumunta ako sa librarian at binigay ang library card ko. Hinablot niya naman iyon at napansin ko ang masamang tingin nito sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Iniswipe niya ang library card ko sa reader at inabot sa akin.

"Next time, huwag kayo dito maglandian. Pumunta kayo sa motel!" Masungit na sabi ng Librarian. Kumunot ang noo ko. Agad agad kong kinuha ang card at libro atsaka ako umalis doon.

Habang naglalakad sa hallway ay tumunog nanaman muli ang speakers. Which probably means na may bagong announcement nanaman.

"Good afternoon students! The nominees are finally official. Please check the bulletin board to see who made it to the nominations." Saktong nasa harapan ko lang ang bulletin board ng sabihin iyon ng principal. I did not bother looking. Dumiretso lang ako papunta sa classroom. Maraming nagtakbuhan papunta sa classroom at yung iba ay kinocongratulate pa ako. Nakarating na ako  sa classroom, takang taka.

"Luna!!!" Tili ni Frida habang mabilis na naglalakad papunta sa akin kasama si Kacey.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Halika dali!" Sabi ni Kacey at hinila ako palabas. Sumunod ang iba naming kaklase at dinala ako sa Bulletin Board.

"Oh napano?" Tanong ko kay Kacey.

"You are nominated as Queen!" Masiglang sabi ni Kacey at naghiwayan ang iba naming kaklase. Napataas ang kilay ko at tinignan ang bulletin board. And there it was, my name. Written on fine ink underneath the "Queens".

"Also, Zander is nominated King." Malakas na bulong ni Kacey kaya narinig rin iyon ng ibang kaklase namin kaya naghiwayan sila.

"Well, Well, Well." Narinig ko ang boses ni Mandy galing sa likuran habang mahinang pumapalakpak.

"Congratulations to me." Sabi ni Mandy at tumawa.

"Guys? Why aren't you clapping? Come on! Clap for me. Alam naman natin na ako lang yung nanominate for Queen hindi ba?" Proud na sabi ni Mandy.

"Actually, no. Luna is also nominated. Una nga na nakalagay si Luna diyan eh bago ikaw." Mapang-asar na sabi ni Frida kay Mandy. Hindi makapaniwala ang mukha ni Mandy. Lumapit siya sa bulletin board at iritadong iniscan ang list of nominees. Humarap siya sa akin at tinuro.

"You!" Hinawakan ni Frida ang daliri ni Mandy na nakaturo sa akin.

"Hoy ikaw ah? Duruin mo pa ulit si Luna babaliin ko itong hintuturo mong mukhang turon!" Sabi ni Frida. Binaba naman ni Mandy ang kamay niya.

"Back off! Hindi naman ikaw kinakausap ko eh! I'm talking to her." Humarap ulit sa akin si Mandy. She crossed her arms and composed herself.

"I've always been the Queen bee, and for someone like you to take it from me? You can never take my crown away from me." 

"But you seemed...so...threatened?" Kalmado kong sabi sakanya.

"What?" Kunot noo niyang tanong.

"Natatakot ka, kasi alam mong madali kong maaagaw sayo ang koronang sinasabi mo." Dahan dahang kong bigkas atsaka ngumisi.

"You—" Akmang duduruin nanaman niya ulit ako ng pigilan siya ni Frida.

"Hep hep! Hindi ako nagbibiro Mandy! Puputu—-"

"Shut up! Ugh!" Sabi ni Mandy at umalis na kasama ang mga alipores niya. Lumapit naman sa akin si Kacey at Frida. Hinawakan niya ang kamay ko at nagtitili sila.

"Students! Why are you still outside? Inside the classroom, now!"

—-

Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon