Luna's POV
Last day ko na ngayon sa eskwelahan. Naaprubahan na ang pagtransfer ko. Nalungkot naman sila Kacey at Frida. Sabi nila hindi daw nila alam kung anong gagawin nila pag wala ako.
"Grabe kayo. Ang oa niyong dalawa." Sabi ko habang niyayakap ko sila. Nakapalibot naman sa amin sina Jackson, Vincent, Cole, at Ryle.
"Buo na ba talaga ang desisyon mo?" Tanong ji Ryle. Bumuntong hininga ako. Ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Basta, pumunta kayo ni Lucius sa birthday ko. Isama mo na rin si Leslie." Sabi ni Vincent.
"Nako. Baka kalokohan lang matutunan ni Lucius doon." Sabi ko.
"Ano?! Hindi ah! May pamangkin rin ako na pupunta. Halos kasing edad lang ni Lucius." Sabi ni Vincent. Napangiti naman ako.
"Oo na pupunta na kami. Hindi ko lang alam kung pwede si Ate Leslie. Maraming inaasikaso iyon eh."
"Ay sayang naman kung ganoon. Pero subukan niyo parin ah? Huling time na iyong na magkakasama tayo." Sabi ni Vincent. Bigla naman akong nalungkot.
"Ikaw Luna? Wala ka bang padespidida diyan?" Sabi naman ni Jackson. Humagikhik naman ako ng mahina.
"Wala eh. Hindi pwede sa house. Sagot ko nalang mga alak at pulutan sa birthday mo Vincent. Para may ambag ako." Sabi ko.
"Iyon! Naks Luna! Ang galing mo!" Sabi ni Vincent at nakipag apir sa akin.
"Mauuna na ako. Baka hinahanap na ako ni Lucius." Sabi ko at pumasok sa kotse ko. Kumaway ako sa kanila at umalis na.
—
Pagkauwi ko ay naabutan ko si Ate Leslie na pinapakain si Lucius. Lumapit naman ako sa kanila.
"Hi baby." Sabi ko at hinalikan sa pisngi si Lucius.
"Hello Ate. Buti nandito ka?" Tanong ko sa kanya.
"I had some spare time. I miss Lucius already." Sabi niya at pinisil ng mahina ang matangos na ilong ni Lucius. Napangiti naman ako.
"I heard what happened between you and Papa." Natahimik naman ako. Noong highschool kasi ako, palagi akong pinapagalitan ni Ate kapag sumasagot ako sa mga magulang namin.
Pakiramdam ko ay sesermonan niya ako.
"I'm proud that you've put Papa in his place." Nabigla naman ako. Akala ko kasi sesermonan niya ako. Napangiti naman ako ng bahagya.
"He shouldn't have done that. Hindi maganda para sa bata." Sabi niya. Tumango ako.
"I could say, you are a great mother Luna." Sabi ni Ate. Nginitian ko naman siya.
"Much better than I could've." Biglang nagbago ang ekspresyon ko. Napalunok naman ako.
"Ate—"
"If only I drove carefully, edi sana may ate si Lucius ngayon, may kalaro siya." Sabi ni Ate Leslie habang nakangiti at hinahaplos ang ulo ni Lucius. Patuloy naman si Lucius sa pag titinidor ng brocolli niya.
"Ate, hindi mo naman ginusto iyon. Walang may gusto n'on." Sabi ko sa kanya.
"Kaya nga iniwan ako ni Rico diba? Kasi pabaya akong ina." Sabi niya. Nararamdaman kong malapit ng lumuha si Ate. She is a classy woman but she's also steadfast and head strong. Ayaw niyang may nakakakita sa kanyang umiiyak kasi ayaw niyang magmukhang mahina. Namana ko nga ata sa kanya iyon.
"Hindi totoo iyan Ate. Rico was just a jerk. Hindi ka niya deserve. You deserve so much more than Rico." Sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga si Ate.
"Thank you Luna." Sabj niya at hinawakan ang kamay ko. Hinaplos ko naman pabalik ang kamay niya.
"By the way, It's Vincent's birthday next week. He is inviting us." Sabi ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"So?"
"Syempre pati ikaw." Sabi ko. She bit her lip and smiled a little.
"I'll see. Tight ang schedule ngayon dahil maraming inaasikaso. But I'll update you if I could make time for if." Sabi niya. Tumango naman ako.
"I have to go. I haven't had at least eight hour of complete sleep because of this fiasco." Sabi ni Ate at tumayo. Tumango naman ako. Kinuha niya ang clutch bag niya at naglakad paakyat.
—
Habang naghihintay para sa birthday ni Vincent, tinuon ko ang atensyon ko sa pag-aalaga kay Lucius. Ngayon ay bibisita sila Kacey at Frida. Namiss daw nila si Lucius eh.
"Tuloy kayo!" Sabi ko at pinapasok ko sila. Agad nilang tinungo si Lucius na busy sa paglalaro ng blocks sa living room.
"Lucius, say hi to Tita Kacey and Tita Frida." Sabi ko. Tumayo siya at niyakap sila bawat isa.
"Ang cute takaga ni Lucius! Mana sa akin!" Sabi ni Frida. Napahagikhik naman ako.
"Ikaw nagluwal? Ikaw? Ikaw?!" Sabi naman ni Kacey. Tumawa ako at lumapit sa kanila.
"Kayo talagang dalawa." Sabi ko. Sumenyas naman ako sa isang helper na malapit.
"Pakiprepare naman po kami ng makakain at maiinom." Sabi ko. Dumiretso naman ang helper sa kusina.
"Kamusta naman ang buhay nanay Luna? Mahirap ba?" Tanong ni Kacey habang si Frida ay nakikipaglaro kay Lucius.
"Sobra." Sabi ko.
"Eh iyong pagka-panganak mo? Masakit?" Tanong naman ni Frida. Tumango ako at ngumiti.
"Nako! Bakit kaya ang pagkagawa sa kanila masarap pero pag ilalabas na masakit?" Nanlaki naman ang mata ko.
"Mommy, what's maserap?" Tanong naman ni Lucius.
"Ah baby, our food later will be masarap. You like yummy food right?" Sabi ko.
"Yes mommy!" Sabi niya at naglaro ulit.
"Ipreno mo iyang bibig ko Frida ah? Ayaw kong may marinig ang anak ko. Baka dalhin niya pa iyan kapag umalis na kami." Humagikhik silang dalawa.
"Pero seryoso na, Luna, wala na ba talaga kayong pag-asa ni Zander?" Tanong ni Frida. Natigilan naman ako. Siniko naman siya ni Kacey.
"Ikaw talaga! Kakasabi kang na ipreno mo bibig mo." Napilitan naman akong ngumiti.
"I'm really just focusing for Lucius' future right now. Mas maganda kasi na doon nalang siya mag-aral. I don't want him to experienxe what I've been through." Sabi ko sa kanila.
"Iba talaga pag nanay na." Sabi ni Kacey.
"When you're a mother you set your priorities. To me my top priority is my son. Kayo din, pag nagkaanak kayo, maiintindihan niyo rin ako." Sabi ko.
"Basta kapag nangyari iyon, magiging ninang kayo ng mga anak ko ah?" Sabi ni Frida.
"Ayaw ko nga. Wala akong mabibigay na regalo tuwing pasko noh?" Sabj ni Kacey.
"Hoy! Wala kang choice!" Tumawa naman kaming tatlo.
Right here right now, I know I'll miss these two.
—
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Teen FictionSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...