Zander's POV
As her figure slowly faded away, I know what I had to do. Pinuntahan ko si Jackson at sinuntok ko siya. Inawat naman kami nila Cole at Vincent.
"Isa kang traydor Jackson!" Sigaw ko at tumakbo palabas ng venue. Dumiretso ako sa parking lot kung saan sumunod naman ang barkada sa akin.
"Let me explain Zander. I was unde—" Sinuntok ko ulit si Jackson.
"You betrayed me! Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at pumatol ka kay Mandy ah?!" Sigaw ko.
"Zander that's enough!" Sigaw ni Ryle nakakarating lang kasama si Frida. Napangisi naman ako.
"Okay na kami ni Luna eh. Okay na eh! Pero nang dahil sa iyo, nawala lahat!" Sumbat ko kay Jackson.
"You're too much Zander. Nilasing nga ako hindi ba?! Sa tingin mo nasa tamang pag-iisip ako noon?!" Sagot ni Jackson.
"But you had a choice!" Sigaw ko naman sa kanya. Tumahimik ang paligid. Napalunok ako at pinigilan ko ang sarili na masuntok ulit si Jackson.
"We're done." Sabi ko sa kany na ikinagulat nilang lahat.
"Zander, huwag naman ganyan. Magkaibigan tayo. Walang iwanan hindi ba?" Sabi ni Vincent.
"Kung kaibigan ko nga itong ugok na ito, hindi niya ako sasaksakin sa likod." Sabi ko at pumasok na sa kotse ko at umalis doon. I know what I have to do. I have to go to Luna before I completely lose her. I didn't care if I was over the speed limit, all I care is where I was going.
Pagkarating ko doon sa bahay nila ay agad agad akong pumasok. Pinigilan naman ako ng mga guards.
"Sir, bawal po kayong pumasok." Sabi ng isang guard.
"Anong bawal? Kuya girlfriend ko iyong nasa loob. Kailangan ko siyang makausap." Akmang papasok na sana ako ulit pero hindi ako pinayagan ng dalawang guards.
"Mga kuya naman, kakausapin ko lang siya sandali."
"Umalis na po sila ng pamilya niya Sir. Kanina pa." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng guwardiya.
"Ano? Saan daw pupunta?" Tanong ko.
"Hindi po namin alam. Basta po umalis na sila, may mga dalang maleta." Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon.
No. Hindi pwede. She can't leave me.
"At saka ito po pala, pinabibigay ni Ma'am Luna sa inyo." Sabi ng guwardiya at iniabot sa akin ang isang envelope. Kinuha ko ito at binasa.
Zander,
Sigurado ako napupunta ka sa bahay namin para hanapin ako. Wala na ako diyan. Huwag mo na rin akong subukang hanapin o sundan dahil ayaw kong magpahanap sa iyo. Sumuko ka na Zander, kasi sinukuan na kita. You are free now Zander, malayang malaya. I won't be there to stand in your way anymore. And I'm sorry to fail you, but I can't help you with the partnership. Thank you for everything.
Luna
Namuo ang luha sa aking mga mata. Kasabay rin ang panginginig ng aking katawan dahil hindi ako makapaniwala. Binitawan na ako ni Luna. Bumitaw na si Luna. Pinakawalan niya na ako.
Bumalik ako sa kotse ko at nagdrive sa hindi ko alam kung saan. It led me to out hang out spot. Pagkarating ko sa usual place namin ay nandoon rin sila. Ginagamot ni Kacey ang mga sugat ni Jackson mula sa pagkakasuntok ko.
"Z-Zander?" Hindi makapaniwalang sabi ni Frida. Pumasok ako doon at napaluhod na ako sa sahig at humagulgol.
"S-Si L-Luna, i-iniwan niya na ako." Lumapit sila sa akin at inalalayan patayo at pinaupo.
"Anong nangyari?" Tanong ni Vincent. Inabot ko sa kanya ang letter ni Luna. Binasa nila ito at tila nanlumo din sila.
"Zander, babalik rin si Luna." Sabi ni Frida habang hinihimas ang likod ko. Nanhilamos ako ng mukha at kinuha ang alak na nasa lamesa at tinungga ko ito.
"Zander," Tawag ni Jackson sa akin.
"Don't lose hope." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin at lumabas na ako doon at pumunta sa kotse ko. Nagdrive na ako pauwi at natulog akong humahagulgol sa aking unan.
—
Kacey's POV
Nang umalis si Zander ay dumiretso kami sa hangout place daw nila. Pagkarating doon ay agad kong kinwestyon si Jackson.
"Bakit kasi kasama mo ang bruhilda na iyon ha?!" Inis kong tanong sa kanya.
"Eh kasi nung inupakan namin iyong Rocco na iyon, nandoon rin pala si Mandy sa bar. Tapos medyo inaantok at nahihilo na kasi ako kaya sabi niya tutulungan niya ako. Hindi ko naman alam na may plano pala siya na gawin iyon sa akin." Pagpapaliwanag ni Jackson.
"Kung alam ko lang edi sana hindi ko na siya inentertain. Anlabo tuloy namin ni Zander. ngayon." Sabi ni Jackson at napakamot sa ulo niya.
"Lubayan mo na iyong babaeng iyon. Nasa lahi na ata niya ang pagiging demonyo eh." Sabi ko at umirap.
"Uy, nagseselos ka ba?" Mapang-asar na tanong ni Jackson.
"Ang feeling ah? Kayo rin, huwag na kayong lalapit sa kanya. Baka mabiktima pa kayo." Sabi ko sa iba pa niyang tropa.
"So ano? Hahayaan nalang natin si Zander?" Tanong ni Vincent.
"He needs space Vincent. He'll come around when it's the right time." Sabi naman ni Ryle na naglalaro ulit ng sudoku. Si Frida naman ay nasa tabi lang niya at tinititigan siya.
Napansin ko naman na dumudugo parin ang labi ni Jackson.
"May first aid ba kayo dito?" Tanong ko. Iniabot naman sa akin ni Cole ang isang box. Kumuha ako ng cotton at akmang idadampi sa sugat ni Jackson ng umilag siya.
"Ano iyan?" Tanong niya. Ibinalik ko siya sa dati niyang posisyon at pinahid na ang cotton na may betadine.
"Huwag kang magulo. Lilinisin ko ang sugat mo." Sabi ko at nagsimula na akong linisin iyon. Paikot ikot at dahan dahan lang ang paggalaw ng cotton sa sugat niya. Napnsin kong nakapikit si Jackson at nakanguso na pra bang ikikiss niya ako. Napangisi naman ako at mas diniin ko ang cotton.
Napamulat ang mga mata nito at napangiwi sa sakit.
"Aray naman! You're so violent!" Reklamo niya.
"Iyan tsansing pa kasi." Sabi naman ni Vincent at umiling iling.
"Umayos ka na para matapos na itong paglilinis ko ng sugat mo."
"Huwag mo ng diinan ulit please?" He pleaded like a child. Napahagikhik naman ako at tumango. I was being gentle with him when Zander barged in the door and he knelt on the floor.
—
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Teen FictionSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...