Chapter 47

32 1 0
                                    

Luna's POV

Pumunta ako sa playground kasama sila Frida at Kacey para sunduin sila Lucius. Nakita ko naman kung gaano sila kabanayad kay Lucius. Nang makita ako ni Lucius, agad itong bumaba ng slide at naglakad papunta sa akin.

Pinantayan ko siya at niyakap.

"Did you have fun?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang noo niya.

"Yes, mommy. I-I hab so many titos pala!" Masayang sabi ni Lucius. Tumayo ako at tumingin kila Vincent na nukhang nag enjoy rin sa pag aliw sa anak ko.

"Salamat sa inyo." Sabi ko at ngumiti.

"Wala iyon. Next time dalaw kami sa inyo. Dapat nandoon ka Leslie ah?" Sabi ni Vincent.

"Hoy off limits yan!" Sabi naman ni Cole.

"Mauuna na kami. May kailangan pa kaming asikasuhin eh." Sabi ni Ate Leslie sa kanila. Nagpaalam na kami at sinundo na kami ng driver. Sumakay na kami at sumama sa isa sa mga companies namin.

"You and Lucius can eat and drink diyaan sa may cafe sa tabi. Medyo mapaptagal ako sa taas. May nangyari kasing protest kahapon." Sabi ni Ate sa akin.

"Protest?" Tanong ko.

"Our fired employees were demanding that we give them their jobs back. I'm fixing it for Mama and Papa." Sabi ni Ate at bumaba na. Bumaba na karin kami ni Lucius. Dumiretso kami sa cafe na tinutukoy ni Ate.

Pagkapasok namin ay binuhat ko muna si Lucius at pinapili ng gusto niya.

"I-I want that mommy." Turo niya sa isang frappuchino. Umiling naman ako sa kanya.

"You can't have that baby." Sabi ko na ikinalungkot naman niya. Bumuntong hininga ako.

"Excuse me, do you have anything fat free based?" Tanong ko sa barista.

"Meron po." Tinuro jiya ang isang chocolate shake na fat free base.

"Would you like the chocolate shake?" Tanong ko. Biglang lumiwanag ang mukha ni Lucius at tumango. Napangiti naman ako.

"Okay. I'll order one chocolate shake and one medium sized americano." Sabi ko. Binaba ko muna si Lucius at binayaran ko ang order namin. Naghanap na kami ng upuan at nilapag ang order namin doon.

"Mommy, I wan to pleh oer der." Sabi ni Lucius at tinuro ang isang maliit na play house na para sa mga bata.

"You had enough play time already. You're going to get tired pag umuwi tayo mamaya." Lumungkot ang mukha ni Lucius at uminom sa shake niya. Nagulat ako ng marinig ko ang pagbagsak ng baso.

"M-Mommy, I-I'm sowi." Sabi ni Lucius. Agad naman akong lumapit sa kanya at tinignan kung nasugatan ba siya.

"Are you hurt?!" Alalang tanong ko. Agad kong inilapit sa akin si Lucius at niyakap ko siya.

"Here. You sit here first. I'll clean this up okay?" Tumango si Lucius. Lumapit ako sa counter at humingi ako ng maraming tissues. I insisted on cleaning the broken glass pero sabi nila sila na daw ang bahala doon.

Agad akong bumalik doon pero nagulat ako ng makitang may kumakausap kay Lucius. Agad akong lumapit.

"Don't talk to—" Laking gulat ko ng makita king sino iyon. Napalunok naman ako.

"Z-Zander?"

"Luna." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin at pinunasan ko lang ang lamesa. Hinawakan niya ako sa balikat pero lumayo ako sa kanya.

"Let's go now Lucius." Sabi ko. Akmang tatayo na ako ng pigilan ako ni Zander.

"We need to talk Luna." Sabi niya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at umupo.

"W-Who are you sir?" Tanong ni Lucius sa kanya.

"I'm Kuya Zander." Sabi ni Zander sa kanya at ngumiti.

"Bakit mo ba akong kailangan kausapin? Tapos na tayo Zander." Diretso kong sabi sa kanya.

"Are you Luna's younger brother?" Tanong ni Zander kay Lucius na para bang sinasadya niyang huwag sagutin ang tanong ko.

"No sir. She is my mommy!" Masayang sabi ni Lucius at hinalikan ako sa pisngi. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Zander.

"Y-You are her son?" Tanong ni Zander kay Lucius.

"Yes! S-She's rewy nays to me and she woves me." Sabi ni Lucius at pinaulanan ako ng halik sa pisngi. Napangiti naman ako at pinaayos ng upo si Lucius.

"Y-You are so cute, just like your mom." Sabi niya at sumulyap sa akin. Napansin kong natahimik naman si Zander.

"What happened? Bakit ka umalis?" Tanong ni Zander. Bumuntong hininga ako at tinignan ko siya.

"Para saan pa ba? I don't need to explain to you." Sabi ko at kinabdong si Lucius sa akin.

"Alam ko namang nagkamali ako. But at least tell me why you chose to leave me without even telling me any of your whereabouts." Sabi niya.

"Bakit ko sasabihin sa iyo kung ayaw ko ngang magpahanap? I'm not stupid."

"That's not my point Luna! Just tell me." Sabi niya. Bumuntong hininga ako.

"The night of the senior's banquet. I ran away crying because everything was so painful to bear," Sabi ko at sinulyapan ko siya.

"Habang nagtatatakbo ako, my phone rang. It was my mother. Sabi niya sa akin kailangan ko na daw umuwi dahil may mangyari kay Lucius." Napatigil ako sandali.

"So I went home at pagkarating ko nakaayos na ang lahat. Pati ang plane tickets namin. We flew to Germany." Sabi ko.

"We cut all our ties with anybody here in the Philippines. Even the press can't identify our location. Pagkarating ko ng Germany," Napasulyap ako kay Lucius at hinaplos ang mukha nito.

"I found him on the hospital bed, breathing through a tube. He collapsed, at ang natitira nalang na option ay ang heart transplant. We've been looking for donors at finally, meron na rin kaming nakuha." Sinubukan kong huwag umiyak.

"He then recovered from his surgery. I saw how beautiful of a gift my son is. Nagtataka nga ako bakit ko siya tinatago sa mundo? I'm a lucky woman to have had him as a son. He is my happiness. Kahit na hindi ko siya inaasahan, masaya akong dumating siya sa akin." Natahimik naman si Zander. Ngayon si Lucius ay nakatulog na sa akin at nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko.

"I have to be there hanggang sa gumaling siya. Kaya nawala rin ako ng ilang buwan." Sabi ko.

"Is Rocco his father?" Hindi ko siya sinagog. Alam ko naman na alam niya ang sagot doon. Hindi pa rin nagsasalita si Zander. Bumuntong hininga ako at tumayo. Konarga ko ng maayos si Lucius.

"Mauuna na kami Zander." Sabi ko pero pinigilan niya naman ako. Tumayo siya at kinuha si Lucius mula sa akin.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Let's go. I'll take you home." Sabi ni Zander at hinawakan ang kamay ko. Tinanggal ko naman iyon.

"Hindi na kailangan. Nandyan lang si Ate sa kabilang building." Sabi ko. Pero hindi. Iya ako pinakinggan at lumabas kami. Naaninag ko rin ang driver namin.

"Manong, tapos na po ba si Ate Leslie?" Tanong ko.

"Matatagalan pa po daw siya Ma'am." Sabi niya. Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong kailangan na naming umuwi para sa maintenance ni Lucius. Bumuntong hininga ako.

"Kuya pakisabi nalang may maghahatid sa amin pauwi. Kakilala ko kamo." Sabi ko.

"Sige po Ma'am." Sabi ng driver.

"Papayag ka rin pala eh." Sabi ni Zander.

"I'm doing this for my son hindi dahil sa gusto ko." Sabi ko. Naglakad na kami at pumunta sa kotse niya. Kinandong ko si Lucius sa akin at mahimbing parin ang tulog niya. Nagsimula ng magdrive si Zander.

Skin DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon