Luna's POV
Pagkatapos naming magsayaw ni Zander ay nagsimula ng umukot ang mga teachers namin para kunin ang aming votes para sa King and Queen, Prince and Princess, at Muse and Escort. Binigyan kami ng isang papel kung saan ilalagay namin ang aming boto.
Pagkatapos namin ilagay ang aming votes ay kinomekta na nila. Ang King and Queen lang ang may nominees. The rest are up to us. Importante daw kasi ang King and Queen kaya selected few lang ang pwedeng iboto.
Pagkatapos ang ilang minuto ay bumalik na ang prinicipal namin sa stage. May hawak itong tatlong envelope.
"Good evening Students. How's everyone doing tonight?" Naghiyawan ang mga tao sa paligid.
"Are you excited to have the coronation?" Naghiyawan sila ulit at pumito pa ang iba.
"Okay, may I ask the advisers to help in crowning the ladies and gentlemen." Sabi ng principal. Umakyat ang mga advisers namin sa taas ang kinuha ang sash para sa Muse and Escort.
"We'll start with the Muse and Escort." Sabi ng Principal. Binuksan na ng principal ang envelope. Binoto namin ni Zander dito sina Ryle at Frida. Sa Prince at Princess naman sina Jackson at Kacey. Bagay iyong dalawang iyon kahit na napilitan lang si Kacey na maging date ni Jackson.
"For your Muse we have, Frida!" Pumalakpak kami at inalog alog ko si Frida na nasa tabi ko ngayon. Bakas ang saya sa mukha nito.
"And her escort is, none other than, Ryle!" Naghiyawan kaming lahat para sa kanilang dalawa. Masayang masaya si Frida habang si Ryle naman ay puno ng hiya. Naglakad silang dalawa paakyat ng stage at sinabitan ng sash. Pinicturan silang dalawa at nag stay sa isang side ng stage.
"Congratulations Frida and Ryle!" Sabi ng principal namin.
"Now, for your Princess, we have, Kacey!" Nagsipalakpakan ulit kami habang si Kacey ay irap ng irap dahil inalog alog siya ni Jackson. Aso't pusa talaga tong dalawang ito.
"And her prince is,"
"Jackson, Jackson, Jackson," Paulit ulit na sabi ni Jackson habang nakapikit at para bang nagdadasal siya.
"Jackson!" Nanlaki ang mata ni Jackson at nagtatatalon ito sa tuwa. Nakita ko naman ang pagirap ni Kacey habang pinipigilan ang tawa niya.
"Tara na akyat na tayo!" Pinilit ni Jackson si Kacey na umakyat pero ayaw ni Kacey.
"Jackson ayaw ko!" Sabi ni Kacey.
"Isa! Hahalikan kita!" Sabj ni Jackson. Umakyat na silang dalawa at binigyan sila ng maliit na korona. Pinicturan sila at tumabi sila kila Frida at Ryle.
"Congratulations Kacey and Jackson!" Sabi ng principal.
"And now, for the most waited part of this coronation, The King and Queen." Tumahimik ang paligid. Kahit ako ay kinakabahan. Naramdaman ko ang pagpisil ni Zander sa Kamay ko.
"For The Queen, it's my pleasure to announce, she's none other than," Napatingin ako sa gawi ni Mandy na confident sa sarili niyang siya ang mananalo. Hindi na ako magugulat kung siya ang mananalo.
"Luna!" Wala akong ibang marinig kung hindi ang malakas na hiyawan ng tao. Tumingin si Mandy sa gawi ko at ngumisi.
"Baby you're the Queen!" Sabi ni Zander sa akin at hinalikan sa pisngi. Ngumiti naman ako sa tuwa.
"May I ask the Queen to step up?" Tanong ng principal. Inalalayan ako ni Zander na kaakyat sa stage at pagkarating ko doon ay puro palakpakan ang narinig ko. Inabutan ako ng isang malaking bouquet ng bulaklak. Sinabitan rin ako ng Sash at ipinatong sa ulo ko ang korona.
"Silence everybody." Pakiusap ng prinicipal sa mga tao.
"And joining the Queen, her King is, Zander!" Laking tuwa ko ng marinig ko ang pangalan niya. Inexpect ko naman na mananalo siya. Dali dali siyang umakyat para samahan ako. Sinabitan rin siya ng kung ano ano at pinatungan ng korona. Pinicturan kaming dalawa kasama na rin sila Frida at Kacey.
"Congratulations! Congratulations! Congra-tulations!" Tumigil ang pligid at ang malakas na sigaw lang ni Mandy ang narinig namin habang naglalakas ito papunta sa amin. Kinuha niya ang mic mula sa principal at nagsalita.
"Well, She's your Queen alright. I still think I deserve it deserve it but I just want to clear everything, Ako ang tunay na reyna dito." Sabi ni Mandy. Lahat kami hinihintay ang sasabihin niya.
"Why you may ask? Because of this." Sabi ni Mandy at tinuro ang projector sa likuran namin. It showed a video and of Jackson, drunk and talking.
"T-The real reason why Z-Zander liked Luna," Sabi ni Jackson sa video.
"Luna, tara na. Umal—-" Tinignan ko si Zander ng masama. Lumunok si Zander at tinanggal ang pagkahawak niya sa braso ko. Binalik ko ang atensyon ko sa video.
"K-Kasi may d-deal sila ng parents niya!" Sabi ni Jackson at tumawa.
"What the hell Mandy?!" Rinig kong sigaw ni Jackson kay Mandy.
"Inutusan siya ng magulang niya na jowain si Luna! Para malaman ang sikreto nila sa business at para pumayag sila sa partnership!" Naramdaman ko ang paglabo ng paningin ko at ang pag-init ng mata ko.
"At ang kaplit? He will get all his frozen cards, car, and a marriage with Mandy!" Sabi ni Jackson. Napalunok ako. Tumigil na ang video at ang lahat ay nakatingin sa akin.
"As you can see, everything that they had were never real! It was all a scam!" Sabi ni Mandy at nagsitawanan sila ng mga kaibigan niya.
"So if you think that you won this night Luna, I think you're mistaken." Sabi ni Mandy at ngumisi sa akin. Humarap ako kay Zander. Tinignan ko siya sa mata. Doon na tumulo ang aking mga luha na kanina ko pang sinusubukang pigilan.
"L-Luna, before you get mad at Zander. Gusto kong malaman mo na wala na iyon. Wala ng pakialam si Zander sa deal na iyo—-"
"I want to hear it from Zander not you." Sabi ko kay Jackson.
"Totoo lahat ng sinabi ni Jackson?" Tanong ko sa kanya. Hindi ako magawang tignan ni Zander sa aking mga mata.
"Silence means yes." Sabi ko. Akmang aalis na ako pero pinigilan ako ni Zander.
"The deal existed, but I don't fucking care about that deal anymore! I liked you for you Luna! It may have not started like that but eventually, nagustuhan kita." Sabi ni Zander. Hinarap ko siya kahit hindi ko kaya. Para bang may sariling isip ang aking kamay at lumapat nalang ito sa pisngi niya.
"Ayaw na kitang makita ulit." Sabi ko at tumakbo na ako doon paalis. Pagkalabas na pagkalabas ay nagpra ako ng taxi. Habang nasa likod ng taxi ay tuloy ang aking paghagulgol.
It's official. Wala talaga akong karapatang maging masaya sa mundong ito.
Because the guy I truly, deeply, and madly fell in love with, also torn me into pieces.
—
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Teen FictionSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...