Ryle's POV
Kumuha ako ng bagong damit ni Zander. Paano ba naman, puno kasi ng vomit niya. It's really disgusting, pero dahil sa hindi ko naman siya pwedeng iwanan ng ganyan, ay tutulungan ko na lang siya.
"Zander, umayos ka." Utos ko sa kanya. Sa halip ay humagikhik lang ang gago. Umiling-iling nalang ako. Halos isang buwan na magmula ng hindi na magpakita si Luna. Isang buwan nading nagkakaganyan si Zander. Sinubukan naming lahat magreach out kay Luna, pero kahit kami, nawalan na rin ng pag-asa.
"You know, your system will be ruined if you keep on going like this." Sabi ko sa kanya at humigop sa aking wine glass na may lamang wine.
"Sinubukan niyo bang tawagan si Luna?" Tanong ni Zander.
"Zander, it's been a month. Kung natawagan na namin siya edi sana dala-dala na namin siya rito ngayon." Sabi ko at umirap.
"Sige. Gisingin mo nalang ako kapag nandyan na siya." Sabi niya at humiga sa sahig.
"She wouldn't like it if she sees you like this." Sabi ko sa kanya. Ngumisi ito at umiling-iling. Hanggang sa narinig ko nalang na humihilik ito. Tinignan ko ang itsura ng kaibigan ko. Ang kanyang mata ay napapalibutan ng itim, ang kanyang balbas ay humahaba na rin.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang iba. Pero kung minamalas nga naman, lahat sila ay may kanya-kanyang gawain. Napansin ko naman na nakasave sa phone ko ang number ni Frida. Mukhang wala akong choice kung hindi tawagan itong weird na babaeng ito. Dinial ko ang number niya at mabilis itong sumagot.
Frida: "Hello Ryle!"
Ryle: "I need your help. Can you come to my condo?"
Frida: "Sure. Send me the address. I'll go right away."
Ryle: "Okay."
Pinatay ko na ang linya at tinext ko kay Frida ang address. Iniwan ko muna doon si Zander at pumunta ako sa study room ko. Umupo ako sa swivel chair at binuksan ang pc monitor. Sinubukan ko ulit itrace ang location ni Luna pero wala parin. Lahat ng accounts niya deactivated. Pati na rin ang mobile niya.
Maybe she's really gone for good.
Nagulat ako ng mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.
Frida: "Nandito na ako."
Ryle: "That fast?"
Frida: "Oo. Malapit lang pala sa subdivision namin iyong condo mo eh. Ayaw akong papasukin ng guard, Ryle."
Ryle: "I'll call them."
Frida: "Sige, salamat."
Ryle: "Okay."
Pinatay ko na ang linya at dinial ko ang reception. Mabuti nalang at pinayagan naman nila kaagad. Ilang minuto pa ay may nagdoor bell na sa pintuan. Tinignan ko iyon mula sa peep hole at naconfirm kong si Frida iyon. Binuksan ko ang pinto at laking gulat ko naman ng yakapin ako ni Frida. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin.
"Ano ba?!" Irita kong sabi. Ngumuso naman ito.
"Wala. Namiss lang kita." Sabi niya at malapad na ngumiti. Kumunot ang noo at naglakad na ako patungo kay Zander na nakahilata parin sa sahig.
"Hala! Anong nangyari kay Zander?" Tanong ni Frida at agad itong nilapitan at inuyog-uyog.
"Nalasing. Hindi kinaya." Sabi ko.
"Nako, kawawa naman siya." Sabi ni Frida. Hindi ko naman siya sinagot.
"Tulungan mo akong linisan si Zander." Sabi ko sa kanya.
"Ha?"
"I don't like repeating myself miss." Sabi ko sa kanya.
"Ano?" Umirap naman ako.
"May mas ilalalim pa pala pagkaweirdo mo." Bulong ko.
"May sinasabi ka?" Tanong niya. Lumapit naman ako sa kanya.
"Kaya mo bang linisan si Zander?" Tanong ko.
"Syempre naman. Kaya lang kailangan ko ng tulong mo." Sabi niya at kinurot ang aking mga pisngi na ikinagulat ko. Inilayo ko ang sarili ko sa kanya.
"Ano ba?!" Napasigaw ako sa kanya.
"Oo na! Oo na! Ilipat muna natin siya doon sa sofa." Sabi ni Frida. Nailipat naman naming dalawa si Zander sa sofa. Nagsimula na si Fridang buksan ang polo ni Zander. Napansin ko naman ang pagkamangha ni Frida sa katawan ni Zander.
"Your eyes." Banta ko kay Frida.
"Ha?" Sabi ni Frida habang pinagmamasdan parin ang katawan ni Zander.
"Nagkakasala ka sa kaibigan mo alam mo ba iyon." Paalala ko sa kanya. Tumingin naman siya sa gawi ko.
"Oh edi iyong sa iyo nalang." Sabi ni Frida at ngumiti.
"Talaga? Baka hindi mo kayanin." Pang-aasar ko sa kanya. Napansin ko naman siyang lumunok. Lumapit ako sa kanya ng paunti-unti hanggang sa halos isang hotdog nalang ang pagitan namin.
"R-Ryle..."
"Umayos ka. Nangangamoy panis na isda na si Zander." Sabi ko at pinanlakihan ko siya ng mata. Umirap naman siya at bumalik ulit sa ginagawa niya kay Zander.
"Kumuha ka nga ng isang bowl na may tubig tapos lagyan mo ng alcohol. Sabayan mo na rin ng bimpo." Utos niya sa akin. GInawa ko naman ang sinabi niya at binigay sa kanyan iyon.
"Oh ayan na." Sabi ko. Nagsimula na siyang pahirang ang katawan ni Zander lalo na sa maraming suka.
"Bakit naman nagkakaganyan ka Zander. Hindi iyan magugustuhan ni Luna." Sabi ni Frida habang pinupunasan si Zander. PInagmasdan ko si Frida habang ginagawa niya iyon. Seryosong-seryoso ito at alam na alam ang ginagawa.
"Ryle?" Natauhan ako ng magsalita na si Frida.
"Ano?"
"May damit ka pa ni Zander? Tapos na kasi siyang mapunasan." Sabi ni Frida. Iniabot ko sa kanya ang kinuha kong damit kanina. Akmang susuotan niya si Zander per hinablot ko mula sa kanya ang damit.
"Ano na naman?" Irita niyang tanong.
"Ako ng magsusuot sa kanya. Ligpitin mo nalang iyong ginamit mong pampunas sa kanya." Sabi ko. Tumayo na si Frida at kinuha ang mga iyon at tumungo sa kusina. Ako naman ay sinuotan ko si Zander ng puting t shirt. Kumuha na rin ako ng kumot at kinumutan ko siya.
Bumalik na si Frida sa sala.
"Frida."
"Hm?"
"Any news from Luna?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko ang pagbagsak ng kanyang dalawang balikat.
"Wala eh." Umiling ito.
"Mahal na mahal talaga ni Zander si Luna ano? Kita mo naman, presensiya lang ni Luna grabe na ang epekto sa kanya." Malungkot na sabi ni Frida.
"Hindi ko rin naman masisi si Luna. Napakagago naman kasi ng ginawa ni Zander noh?" Sabi ni Frida. Tumango-tango nalang ako.
"May kailangan ka pa ba?" Tanong ni Frida. Umiling naman ako.
"Oh sige. Mauuna na ako." Sabi nI Frida. Tumalikod na ito at akmang aalis na pero tinawag ko siya ulit.
"Frida."
"Hm?"
"Thank you for your help." Ngumiti ito at tumango.
"Walang anuman." Sabi niya at lumabas na ng pintuan. Napangisi naman ako at umiling-iling.
--
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Novela JuvenilSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...