Luna's POV
The next day, I managed to get up. Pinilit kong pumasok sa school kahit na sariwa parin ang lahat saakin. Ayaw ko, pero dapat kayanin. As I go to school, Ryle's birthday party was the talk of the town. Honestly, it is not helping.
Tulala at ulirat ako at kung kakausapin man ako nila Kacey at Frida, tumatango lang ako. I don't want to argue with them. I just feel tired and restless. I want to go home.
Nagsimula na ang discussion at lumilipad nanaman ang utak ko.Kahit anong pilit kong makinig, hindi parin ako makafocus.
Napunta ang isip ko kay Zander. Kamusta na kaya siya ngayon? Is he thinking about me? Or is he somewhere out there swarming off another woman.
Break time and I'm eating alone. May dance practice kasi sila Kacey at Frida kaya ako mag-isa ang nandito ngayon. Im just staring blankly at my waffle while playing with its wrapper.
Nabalik naman ako sa huwisyo nang may humablot nang waffle ko. Napatingala ako at nakita ko si Zander.Umupo siya sa harapan ko at pinatong ang isang lunch bag.
"Alam kong hindi ka kumakain sa lunch. So I prepared you a healthy, packed lunch." Sabi niya habang nilalabas niya ang mga tupperwares sa lunch bag. Napangiti naman ako habang tinitignan siya. Binuksan niya ang tupperware at nilapag sa harapan ko, each filled with meat and different vegetable dish.
"Ikaw nagluto?" Tanong ko sakanya.
"Of course." Inabot niya saakin ang utensils at binaba ang lunch bag sa tabi niya.
"Now eat." Sabi niya sakin habang nakahalumbaba.
"Hindi ka ba kakain? Ang dami neto eh." Sabi ko sakanya. Umiling iling naman siya.
"I'm full just watching you eat." I rolled my eyes and started eating. Nailang ako dahil pinapanuod lang niya akong kumain but I was amazed of how good he can really cook.
"I like it." Sabi ko sakanya.
"Alam kong gusto mo." I rolled my eyes while smirking. Kumuha ang ng kanin, meat at gulay, atsaka ko hinarap sakanya.
"Say 'Ahhh'." Sabi ko sakanya.
"Para saiyo lang iyan Luna."
"Kaya nga. So I can also decide who to give it to now open your mouth." Bumukas naman ang bibig niya at isinubo ko ang pagkain sakanya. Nginuya niya naman iyon.
He ended up eating the rest of the food because he was hungry. Natawa nalang ako sakanya. Niligpit ko ang pinagkainan namin at nilagay sa bag.
"Huwag ka munang uuwi mamaya ah? I'll take you somewhere." Sabi niya.
"Where will you take me?" Tanong ko.
"Basta. Just stay later and I'll get you from your room. Okay?" Napairap
naman ako sakanya."Okay." I said. Umalis na siya habang dala dala ang lunch bag. Hindi naman ako makatigil sa pag ngiti. To the point na lahat nang dumadaan, nagtataka. May iba pa ngang nagbubulungan na 'Himala ngumingiti si Luna'.
"Oh? Bakit ang lapad nang ngiti mo?" Sabi ni Frida na nagpupunas ng pawis sa kanyang noo. Ganoon din si Kacey. Bigla kong tinanggal ang ngiti ko at umiling.
"Ah wala. May naalala lang." Hindi na sila nagtanong pa at dumiretso na kaming tatlo sa CR para makapagpalit sila. Pagkatapos at bumalik na kami sa classroom. I was brought back to reality and I was attentive. I was also active during class dicsussions.
Mabilis natapos ang class at gaya nang sabi ni Zander, nanatili ako sa classroom.
"Uy Luna tara na.Mag i-ice cream kami ni Kacey sa malapit na ice cream parlor."
"Ah eh, may kailangan akong gawin.Maybe next time?"
"Okay sige.Ingat ka ha?" Tumango ako at umalis na din silang dalawa.I sat on my chair and let everyone out.Ako nalang mag-isa ang nandito at tunog lang nang air con ang naririnig ko.
Then suddenly, I felt someone's hand covering my eyes. Napangiti ako dahil alam kong si Zander iyon. I removed his hand and faced him.
"Hey." He said.
"Ano ready ka na?" Sabi niya saakin. I nodded my head and took my bag. Inagaw naman iyon ni Zander saakin at hinawakan niya ang kamay ko na sanhi ng pagkagulat ko.
"Let's go." We walked together with our hands intertwined. Pumunta na kami sa parking lot kung nasaan nakaparada ang kotse niya.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sakanya.
"Basta! Sumama ka nalang." Sabi niya at sumakay ako sa kotse niya. Buong biyahe ay tahimik lang kami ni Zander. Hanggang sa bumagal na kami at tuluyan siyang tumigil.
"Amusement park? Anong ginagawa natin dito?" Nagtataka kong tanong pero hindi man lang ako sinagot ni Zander. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ako palabas ng kotse.
"Remember this place? This is the place wherein for a few minutes that we were together, was the moment I realised that I love you." Napatigil ako sa sinabi ni Zander.
"Zander," Bulong ko sa pangalan niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito. Inangat niya ang panga ko dahilan para magtama ang aming mata.
"Now tell me Luna, do you love me too?" Nanunubig ang aking mga mata. Hindi ako makahinga dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
"Zander, Love is a big word. I don't know if that's what I feel for your right now." Lumuwag ang pagkakahawak niya sa pisngi ko.
"But I'm sure, that I like you. I'm sure that you have touched my heart." Ngumiti ako at hinawakan ko ang magkanilang pisngi ni Zander.
"Please wait for me. Hintayin mo ako hangga't sa matutunan kitang mahalin ng lubusan." Sabi ko sakanya at niyakap siya. I rested my head on his chest.
"Kahit hanggang sa kabilang buhay pa iyan Luna, hihintayin kita." Napangiti ako at humiwalay ako sakanya. Unti unti naglapat ang labi namin dalawa.
"I love you." Sambit ni Zander at inakap muli ako.
"And I'm happy with you." Sabi ko at niyakap rin siya ng mahigpit. Naglakad lakad kami. I Zander sa amusement park at naglaro ng mga mini games. This is one of the best nights I've had. Walang halong lungkot, pag-aalala. Sa wakas, sarili ko naman ang iniisip ko.
—
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Teen FictionSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...