Zander's POV
I was lost in my own thoughts while wandering the school's garden. Inaalala ko iyong mga panahong magkasama kami ni Luna na nilalakad ito at nag-uusap lang kami tungkol sa mga bagay bagay. Now it's different. It's only me who's here. Kulang. May kulang sa akin, at si Luna iyon.
"I was looking everywhere for you. Nandito ka lang pala." Lumingon ako at nakita ko si Mandy. Hindi ko siya pinansin at akmang aalis na ng harangin niya ako.
"I want to talk to you." Sabi niya.
"I don't." Sabi ko sa kanya pero hinarangan niya ulit ang dadaanan ko.
"Just hear me out okay?" Sabi niya pero umigting lang ang aking panga dahil sa inis.
"Leave before I hurt you Mandy." Banta ko sa kanya. Ngumisi naman siya.
"You won't do that." Sabi niya. I glared at her and moved forward.
"Uunahan nalang kita. Whatever you say or do, wala ka ng papel sa buhay ko. So I want you gone. Understood?" Sabi ko at nilampasan ko siya. Sinigaw niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Dumiretso na ako pabalik sa classroom at tinapos pa ang mga natitira naming subjects.
"Zander, sama ka?" Tanong ni Vincent sa akin habang inaakbayan ako. Tinanggal ko naman ang pagkakaakbay niya.
"Saan?" Tanong ko.
"Doon lang sa may beach side. Iyong may gazebo." Napatigil ako. Napansin naman ni Ryle iyon.
"Wala na bang ibang lugar Vincent?" Tanong ni Ryle.
"Pwede naman sa usual kaso hindi ba kayo naboboring doon? Parehong mukha lang nakikita ko doon eh! At saka may event doon sa beach ngayon, may live band ata." Sabi ni Vincent.
"Sige G ako." Sabi ni Cole habang naglalaro ng mobile legends sa cellphone niya.
"Oh kayo nalang Ryle at Zander. Ano G na ba kayo?" Tanong ni Vincent at nakipag-apir kay Jackson. Nagkatinginan kami ni Ryle.
"Ayaw ko." Sabi ko at binalikat ang back pack ko. Umalis na ako at pumunta na sa parking lot. Bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo ko sa sandalan. Pumikit ako ng ilang segundo pero pigura lang ni Luna ang nakikita ko. Agad kong binuksan ang aking mga mata.
I've never been this crazy over someone. Kay Luna pa lang.
Nagdrive na ako pabalik sa condo ni Ryle at nagbukas ng beer at uminom. Nanuod nalang ako ng mga shows na meron sa netflix. Bumukas naman ang pintuan at pumasok si Ryle. May dala dala itong mga paper bag.
"Oh ba't ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya habang nilalagay niya sa ref ang mga pinambili niya.
"I brought stocks." Sabi niya habang inaayos ang mga iyon. Nang matapos na si Ryle umupo siya sa tabi ko. Inabutan ko siya ng bukas na lata ng alak. Tinanggihan niya naman iyon.
"Are you sure you don't really want to go?" Tanong ni Ryle. Hindi ko siya sinagot at lumagok ako mula sa lata ng alak. Bakit pa ako pupunta doon? Eh may ala-ala kami ni Luna doon?
"Zander, you are like a brother to me. As much as I want to see you happy with Luna," Napatigil ito na para bang natatakot siyang ituloy ang sasabihin niya. Napatingin naman ako sa gawi niya.
"Maybe it's time you let go." Sabi ni Ryle. Napabuntong hininga naman ako.
"I can't give up yet Ryle. I love her." Sabi ko.
"But we tried everything we could." Tumahimik naman ako.
"It's already been a month Zander." Sabi niya. I smirked to supress the tears that has been building up on the sides of my eyes.
"P-Paano kung may nangyari pala sa kanya noong gabing iyon? Paano kung all this time hinahanap pala ako ni Luna pero hindi ko siya mahanap? Sige nga paano iyon ha?" I said, frustratedly. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.
"For once Zander, think about yourself. Kung sakali man na bumalik pa si Luna, do you think she would like the man you've become?" Sabi ni Ryle. Tumayo ito at inayos ang polo niya.
"We are going later. Whether you like it or not." Sabi ni Ryle at bumalik sa kusina. Bumuntong hininga ako at pumikit. Then I felt my cheeks started to get wet.
--
"Ayon naman pala! Akala ko talag tinotoo mo iyong sinabi mo kanina eh!" Sabi ni Vincent at nakipag-hand shake sa akin. Umupo kami sa may bean bags na nakapalibot sa isang lamesa.
"Tagay!" Sabi ni Jackson at tumagay nga kami. Maya maya pa ay may ilang mga babae ang lumapit sa amin. Kaming dalawa ni Ryle ay nailang dahil ayaw namin ng babae na tatabi sa amin.
"Dito lang naman ako eh. Hindi ako magulo promise." Sabi ng babae sa akin at kumindat. I rolled my eyes and drank from my bottle of alcohol.
"I'm Jessica. You are?" Tanong ng babaeng katabi ko pero hindi ko siya sinagot.
"Vincent ano ba iyan?! Pipe ba itong kasama niyo?!" Narinig kong reklamo ng babae. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Hindi heartbroken lang. Huwag mo ng guluhin. Mala tigre pa naman iyan pag nagalit." Sabi ni Vincent habang nilalambing ang babaeng nasa kandungan niya ngayon.
"Ay heartbroken pala. Marunong akong manggamot ng mga wasak na puso, alam mo ba iyon?" She said seductively and I felt her hand caressing my thigh. Agad ko naman iyong kinuha at piniga.
"A-Aray! M-Masakit!" Sabi niya. Binitawan ko iyon.
"Don't come near me ever again!" Sigaw ko sa kanya at tumayo. Umalis ako doon at naglakad sa may tabing dagat. Umupo ako sa hindi basang parte at tumingala. The stars are shining bright but the moon caught my eye. It's Luna.
"You look so beautiful and bright tonight Luna."
"I miss you. Come back to me. Please?" Sabi ko habang pinagmamasdan ang kabilugan ng buwan. Nararamdaman ko rin ang malakas na pintig ng puso ko.
"If I could turn back time, I'll go back to where I wouldn't hurt you." Sabi ko na tila ba kinakausap ko ang buwan.
"Tuluyan ka na ba talagang nawala Luna?" I felt the heat from my eyes again. Tanging kaluskos lang ng mga dahon at alon ng dagat ang aking naririnig.
Napapikit ako at tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"Baka nga tama sila Luna. Hindi ka na babalik." Sabi ko at humagikhik ng mahina.
"I'm sorry for hurting you this much. Kung pwede ko lang saluhin lahat ng sakit na nararamdaman mo, gagawin ko." Napasinghap ako dahil sa aking pag-iyak. "I may not tell you everything in person, but I have the moon. I have something that's a part of you."
"I love you, Luna. To let you go won't be easy, but if this is what our fate is destined to be, then I'm setting you and I free."
--
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Teen FictionSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...