Zelesté's POV
Iyong batang iyon... masyado pang bata pero parang kasing edad lang namin kung magsalita a! Na love at first sight! Kalokohan.
Flashback
"By the way! Thanks to your name!" Pahabol na sabi ni Arch.
Tinignan ko lang si Arch habang papalayo na siyang pupunta sa canteen. Tsk! Lutang na naman ba siya at pati ang iinumin niya ay nakalimutan niya?
"Ahm... yeah! I am Walter. I'm sorry... alam kong iniisip niyong baka dahil kay Golden kaya nandi-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.
Masyadong nakakapagtaka ang batang ito, Oo bata lang siya pero kung tawagin niyang Golden si Arch e parang kasing tanda niya lang kami.
"So?" Walang ganang sabi ko at tsaka nginata ang pizza na kinakain ko.
"I think I love you!" Biglang sabi ng Bata
"Uho! Uhooo!" Nasamid naman si Sniper sa mga nasabi nitong bata. Paano sumaktong umiinom siya ng sabihin yon ng bata.
"Hey? Hahahaha.... you're crazy!" Di makapaniwalang sabi ni Dartha.
"Yeah? Maybe. But I think I really." Nahihiyang sabi ng bata na namumula pa.
"Hey? Are okay?" Nag aalalang tanong naman ni Katana kay Sniper na ngayon ay nagpunas nang bibig gamit ang wet tissue.
"Ahmmm... I'm sorry." Nayuko yuko pang sabi ng bata.
Pagyuko while saying sorry? Is he a korean or Japanese?
"Anong last name mo?" Deretsang tanong ko habang binubuksan ang aking iinumin.
"Kim! I am Walter Kim." Deresta ding sagot nito.
Ah korean nga ang isang ito. Korea...
Tinignan ko ang batang ito na siyang deretsa din at matatag na nakipagtitigan sa akin. Malakas ang loob mong titigan ako hindi mo alam kunti konti ko nang nakikilala ang personalidad mo. Hindi din nagtagal ang mga mata niyang tumitig sakin malamang ay sa nahiya na siya dahil sa yumuko na siya at nagkamot ng ulo.
"Ahm... Wow ang cute ng name mo. Hi Kim Walter! Anyeonghaseyo... I am Roshane." Masayang inabot ni Sniper ang kaniyang palad at iniabot din naman iyon ng bata.
"Lavander!" Pakilala naman ni Katana.
"Im Dartha." Bumaleng naman ang bata kay Dartha. "And she is Zelesté!" Turo naman ni Dartha sa akin.
Tumingin ang bata sakin at tsaka namula. Tss... his feelings! Hindi yan makakatulong sa pagpapalaki sa kaniya. Kalokohan.
"Its nice to meet all of you." Magalang na sabi nito.
Nagpatuloy na ako ganon din ang kasama ko sa pagkain pero ang kakulitan nitong si Sniper ang siyang umiistorbo sa kumakain na bata.
"Pano?" Nagtatakang tanong ni Sniper sa bata na sumusubo ng kanin galing sa baon niya sa lunch bag.
"Ah? Anong paano?" Naguguluhan naman tanong ng bata.
"Panong naging crush mo si Zel?" Deretsang tanong nito.
"Ah... nakita ko kayo kanina na naglalakad papasok sa ground. Nasa second floor ako at nakadungaw sa labas... unang una ko siyang nakitang naglakad kasunod kayo. Pa-Parang... s-slowmo ang lahat..." Nahihiyang sabi nito.
"Tch!" Singhal ko.
Slowmo? Kolokohan.
"Ahmm... totoo yon! Akala ko nga e sasabog na ang puso ko. Kanina habang papasok kayo alam kong hindi lang atensyon ko ang siyang nakuha niyo. Pati na din ang atensyon ng bawat isang tao dito sa school na natatanaw kayo e talagang napapatingin sainyo. Sa totoo niyan! Ngayon lang ako nakakita ng kasing gaganda ninyo." Nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...