Dartha's POV
Laking gulat ko nang makita ko ang taong nasa harapan ngayon ni Dhrew. At si Andre ito ang kaniyang kapatid. Napatingin ito sa akin at ibinalik lang din ang tingin sa kapatid nito bago ngumisi at ibinalik ulit ang tape sa bibig ni Dhrew.
"Oh? Sino ang mga ito?" Takang tanong ni Fernando ang step-father nila Dhrew.
"Hmm... Sinubukan kaming kalabanin ng mga iyan. Kanina habang kukuhain namin sina Dhrew at ang sakay ng sasakyan nito. Mukhang hindi nga sila basta basta. Kumusta ang party dad?" Tanong ni Andre.
"Hmm... ayos lang. At gaya ng mga yan ay may nakaalam din ng plano ko... thats, unbelievable! That girl... Zelesté." Para bang manghang manghang sabi ni Fernando.
"Ha? Dad so what happen?" Kabadong tanong ni Andre.
"Well... I think that girl is gone. Pinatapos ko na siya sa mga guard kanina. I guess patay na ang isang iyon sa ngayon." Malamig na sagot lang ni Fernando.
Hindi! How? Hindi pwedeng mawala si Zel!! Thats... Oh my god!
Narinig ko ang paghikbi ni Kat sa gilid ni Dhrew mukhang pati sila ay hindi makapaniwala sa narinig nila.
"WHATTT?! NOOO! WHAT DID YOU DO HER?!" Naiiyak na sigaw ni Arch.
"Totoo. Sayang nga ang isang iyon... Matalino na at maganda pa. Nakakapanghinayang patayin! Akalain mo bang malaman na hawak ko kayo? Tsk! Nakakamangha... but it's sad to say. She's... Gone." Malamig na sagot lang ni Fernando.
"Baka gusto mong sumunod?" Natatawang tanong ni Andre.
"You wish!" Inis na sagot ni Arch.
Hindi ko makita ang kalagayan nila dahil sa nakaharang ang dagaanan ng sofa sa amin. Ang nakikita ko lang ay ang nakatayong sina Andre at Fernando na may dala dalang naka itim na suit na mga guard.
"Hmm... Andidito pala ang aking anak." Baling ni Fernando sa amin at bahagyang tumingin lang sa amin ni Kat at itinuon din ang tingin kay Dhrew.
"Bakit ang aking anak ay nakaupo sa sahig samantalang ang mga ito ay nakaupo dito? Aba'y mas importante ang aking anak kesa sa mga iyan! Ano ka ba naman Andre!" Nagkunwari pang dismayado ang mukha ni Fernando at sinenyasan ang guard.
Lumapit sa amin ang mga guard na nakasuit at hinawakan kami at inalalayang tumayo at dahil may tali ang mga paa at kamay namin ay nakaladkad kami. Ngayon mas nakita na namin ang lahat, si Arch na katabi si Zach na walang malay at puno ng pasa ang mukha at may iilang dugo na sa ilang parte ng mukha samantalang si Arch ay may dugo sa kanang bahagi ng noo at maging sa gilid ng labi ay meron din. Itinabi kami ni Katana sakanila habang si Dhrew naman ay iniupo sa Sofa na siyang nakatapat naman sa amin na nakaupo pa din sa sahig.
May upuan na kahoy sa harap namin at umupo doon si Fernando kung kaya nakatapat na siya kay Dhrew at nakatalikod naman sa amin nasa tabi nito si Andre na nakatayo sa gilid nito.
"Mukhang nagtataka ka kung bakit ka nandidito..." Panimula ni Fernando.
Tinanggalan nila ng tape ang bibig ni Dhrew pero isang ngisi lang ang iginanti nito sakanila.
"Alam ko." Tanging nasabi ni Dhrew.
"Ha? Talaga? E bakit ka umabot dito?" Pilosopong tanong ni Andre.
Isa siyang malaking hayop! Parehas sila ni Fernando na Ama-amain nila. Mga wala silang puso! Mga sakim!
"Simple lang... dahil kahit alam kong may malaking posibilidad na mainggit kayo sa yaman namin at maaaring agawin niyo ito sa amin ay nagtiwala pa din ako sainyo." Mapait na sagot ni Dhrew.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...