Dartha's POV
Magkakasama kami ngayon na papasok sa ground, nangunguna sa paglalakad namin si Zel as usual. Masayang ang paligid ng buong school pagpasok pa lang nang pagpasok ay sasalubong na ang Arko na may nakalagay na 'Newford's Fiesta'.
Mukha talagang may pyesta ang school. Hindi na nakakapagtaka na may nakalagay pa sa itaas na mga bandiritas na kagayang kagaya ng nasa mga pyesta. Pati ang mga booth sa gilid gilid ay pinapalibutan naman nang mga magagandang palamuti. Ang mga estudyante ay kitang kita na nagkakatuwaan na.
"Oh my god! Ang ganda naman dito!!" Masayang sabi ni Kat.
"Oo nga e." Hindi makapaniwalang sabi naman ni Sniper.
Kahit ako ay nadadala sa pagkamangha, dati kase sa school namin ay hindi gaanong nagfofocus sa mga event event na gaya ng ganito. Pag anniversary nila simpleng okasyon lang ang ginagawa nila. Mas pinagtutuunan kase nila ang skills nang mga estudyente kesa sa mga events.
"Ehem! Ehem!" Pamilyar na boses ang narinig namin galing sa likod.
Nilingon namin ang taong iyon, at sinalubong naman kami ng isang malaking ngiti ni Skyler, At nasa likuran niya ang apat na iba pa. Napansin ko naman ang histura ni Skyler na malaki ang ngiti pero mas napafocus siya kay Katana na malaki lang din ang ngiti sakaniya. Anong meron sa dalawang ito?
Hinanap naman nang mata ko ang taong iyon, na mas ikinagulat ko ay nakatingin na pala sa akin. Hindi ko alam pero may kung anong meron sa mga tingin niyang iyan. Seryoso ito at hindi ako nakukumportableng tingnan siya ng matagal.
Iniiwas ko ang mata ko sakaniya at ngumiting tumingin kay Skyler na nakangiti pa din kay Kat. Hey! Hindi ba sila naiilang?
"Wow! Anong meron?" Nagtatakang tanong ko naman.
Sa tingin ko ay nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat. Meron talaga sa presensya ng grupo nila at sa grupo ko ang hindi ko maipaliwanag na para bang dapat ay may magpaliwanag kung sakali man.
"Hey! Kumusta Dartha?" Tanong naman sakin ni Skyler na nakangiti naman.
Tinignan ko si Kat ng What are happening look. Mukhang naintindihan naman niya ang pinapahiwatig ko, pero parang nahihiya lang siyang nagkibit balikat.
"Well... I am okay. How about you!?" Double meaning ko pang pagpaprinig.
Nakita kong parang nahiya naman si Skyler nang dahil sa mga sinabi ko. Tss... Humanda ka talaga sakin Lavander! Magkukwento ka talaga sakin!
"Anong gagawin niyo ngayon?" Tanong ni Winston.
"Malamang! Di pa namin alam."Sarcastic na sabi ni Sniper.
"That's why we are here! Maganda ang Fiesta na ito. Gusto niyo bang gumala?" Nakangiting sabi ni Skyler.
Nagtinginan naman kaming lima. Hindi namin alam kung magandang ideya ang gagawin naming ito pero dahil wala pa nga kaming ideya patungkol dito ay mukhang wala din kaming choice kung hindi ang sumama.
"Okay! Tara, pero pwede bang sumama muna kayo samin. Doon lang muna kayo ah! Wag kayong aalis..." Sabi ni Skyler.
Iginaya nila kaming lima sa tapat ng isang stage na may katamtamang laki. Nakita pa naming nagkagulo pa lalo ng makita ng mga estudyante ang lima na pumunta dito.
"OHHH MYYY! MAG SSTART NA ATA SILA?!"
"HEEEYY!! SA UNAHAN TAYO PARA KITANG KITA NATIN SILA!! OH MY DHREWWW'S VOICE IS REALLY GETTING INTO MY NERVES!!"
"KYAAAHHH SI SKYLER!"
"TARAAA NAAA!"
Biglang umingay nang dahil sa mga estudyenteng nakapalibot sa stage. Nagpaalam naman silang lima sa amin, at saglit lang daw iyon. Pero hindi man lang niya ako pinapansin. Nakaramdam ako ng lungkot sa loob loob ko.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...