Roshane's POV
Nandito kami sa loob ng bahay ni Boss at tarantang taranta naman sa nangyayari. Kanina ay sinabi ni Zel na mag uusap sila ni Boss pero alam kong hindi iyon totoo, at sinabi niyang mag Code A at the place, ibig sabihin mayroong meeting. Pero wal siya at ipinakita niya lang ang singsing... Pero teka? Yung singsing! Tama yung singsing.
"Trixon! Give me the ring!" Nagmamadaling sabi ko kay Trixon.
Mukhang nagugulahan naman siya kaya hinawakan ko ang kamay niya na may singsing at kinuha iyon sa kaniya. This is a Recording ring baka may kung anong inerecord si Zel dito kaya niya ito ibinigay kay Trixon at ipinakita sa akin.
Pinindot ko ang pulang bato na desinyo nito at bigla itong tumunog.
"Tito! I want you to meet my girlfriend. Hindi ko po siya napakilala ng pormal kanina. And I think it's my pleasure po na maisayaw ng Girlfriend ko ang isa sa mga tito ng kaibigan ng Boyfriend niya." Boses ito ni Trixon.
"Aba! Of course. May I?" At boses naman ito ng step father ni Dhrew
"That's why she want to dance with tito Fernando..." Parang nalinawan na sabi ni Trixon na nakatayo sa tabi ko at nakikinig din sa record.
Biglang narinig namin ang kantang itinutugtog kanina sa party ni Skyler kung saan nagsasayaw ang mga bisita.
"Alam mo ba ija? Maganda ka."
"Salamat."
"Hmmm... Ano bang balak mo?"
"Alam kong alam mo. Nasaan sila?"
"Paumanhin magandang binibini pero hindi ko alam ang sinasabi mo..."
"Wag na tayong maglokohan Fernando."
"Hmm... You don't have the manners ija."
"Well... My manners is based on who Am I talking... Fernando. So... Nasaan sila? Wag ka nang tumanggi dahil nahuli na kita sa umpisa pa lang."
"I don't know what you're talking about."
"Hmm... Ayaw kong sirain ang birthday ng kaibigan ko, pero mukhang trip mo iyon ngayon Ferrnando. Dahil sa umpisa pa lang ay ginawa mo na iyon, Mukhang malungkot si Skyler dahil hindi niya nakikita ang isa sa inaasahan niyang bisita. Ang kaniyang Nobya. Na wala dito dahil sa kung ano man ang ginawa mo. At tsaka... paano mo nalamang may iba pa kaming kaibigan kung dadalawa pa lang naman kami ni Dartha ang nakita mo mula sa bahay ninyo? Hmmm... nakakapagtaka. Pano kaya malalaman ng isang tao ang isang bagay na hindi niya pa naman nakikita? Hindi naman kaya... Nakita niya na ito?"
"Haha... ija. Hindi ko alam na may ganyan katalinong bata ang nabubuhay sa ngayon. Matalino ka... pero mas matalino ako."
"Gusto mong malaman? Sumunod ka sa akin.. Ah... hindi, ako ang susunod sa iyo sa paglabas. Gusto mong malaman kung nasaan sila? Ihahatid kita sakanila. Pero gaya ng sinabi mo kanina ay hindi natin guguluhin ang selebrasyong ito. Sa labas ng Village sa unang kanto, susunduin kita. Mag iingat ka Ija... At wala kang pwedeng pag sabihan."
Matapos ng record ay nagkatinginan kaming lahat. Napaka siraulo talaga ni Zel pero dahil malaki ang tiwala ko sakaniya ay magtitiwala na lang talaga ako sakaniya.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...