Zelesté's POV
"Ah... hindi, ako ang susunod sa iyo sa paglabas. Gusto mong malaman kung nasaan sila? Ihahatid kita sakanila. Pero gaya ng sinabi mo kanina ay hindi natin guguluhin ang selebrasyong ito. Sa labas ng Village sa unang kanto, susunduin kita. Mag iingat ka Ija." Nakangising sabi nito.
"At wala kang pwedeng pag sabihan." Huling habilin nito.
Inihatid niya ako kay Trixon na kakatapos lang ding sumayaw. Alam ko ang ganiyang galawan ang bawal mag salita at kapag nagsabi ako, malamang ay hindi siya magdadalawang isip na kitilin ang buhay ko. Kung kaya naman naramdaman ko ang pagmamasid sa akin ng mga tauhan ni Fernando.
Hinarap ko si Trixon at tinignan ang kaniyang kabuuan. Alam ko ang hindi pwede, pero pasaway ako. Kinuha ko ang singsing na nakalagay sa aking daliri at ibinigay ito kay Trixon.
"Na aadjust ang laki niyan, suotin mo. Importante iyan." Sabi ko pa sakaniya.
"Hmm... para saan? Gift mo ba ito sa akin?" Nakangiting tanong nito.
Tumungo lang ako sakanya at ngumiti. Alam kong nagtataka siya sa mga ginagawa ko pero para sa amin ang lahat ng ito. Makukuha niya din ang gusto kong sabihin.
Sumakto namang kainan na. Lumapit pa sa pwesto namin si Skyler na mukhang nag aalala sa hindi pag punta ng lima. At iisa lang ang tumatakbo sa isipan naming lahat. Nasa panganib ang mga ito. At alam ko ang katotohanan ngunit kailangan kong mag ingat.
"Hindi na ito maganda!" Kinakabahang sabi ni Skyler.
"Oo nga." Pag sang ayon ni Winston.
"Baka may nangyari na? Juskoo!" Kabadong sabi ni Sniper.
Nagkatinginan kami ni Sniper at tinignan ko lang siya ng seryoso. Alam kong iisa lang ang nasa isip naming pwedeng may Pakana nito at malamang tama siya. Hinawakan ko ang kamay ni Trixon kung saan suot suot nito ang singsing na ibinigay ko dito at ipinakita iyon kay Sniper at mukhang nakuha niya.
"Ahm... Trixon? May paguusapan kami ni Boss. Kaya naman nagpasundo na ako sakaniya. Pwede bang mauna na ako?" Pagdadahilan ko.
Tinignan ko muna si Sniper na naguguluhan at ibinaling ulit ang tingin ko kay Trixon. "Alam mo na... Code A at the place. Sabihan niyo na lang si Skyler." Pagpapahiwatig ko at sana magets iyon ni Sniper.
Mukhang wala nang nagawa si Trixon sa sinabi ko. Kung kaya naman ay lumabas na ako ng gate. Alam kong napansin ni Fernando ang pag labas ko kaya naman hindi na ako magtataka kung makikita ko ang sasakyan niyang hihinto sa harapan ko.
Ilang sandali lang ay nangyari nga ang nasa isip ko. Nag bukas ang bintana ng sasakyan ay bumungad siya sakin.
"Wala akong masakyan palabas, kaya mabuti nang dito na lang." Deretsong sabi ko sakaniya.
Binuksan niya ang pinto sa likod kung saan din siya nakaupo at pumasok na ako dito at tumabi sakaniya.
"Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang lahat... masyado kang matalino." Seryosong sabi nito na nakatingin lang sa Harap.
Tahimik lang akong tinitignan ang harap kagaya niya. May guard sa passanger sit at may kasunod pa ang sasakyan na ito na malamang ay tauhan niya din.
"Hmmm.... ano pa kaya ang nalalaman mo ija?" Tanong nito.
"Gusto ko lang makita ang mga kaibigan ko. Ayon lang." Sagot ko sakaniya.
Matapos ang mahabang byahe ay huminto ang sasakyan sa isang malawak na damuhan. Mukhang naloko na. Tinignan ko ang driver at ang guard na nasa harapan at ibinaling ang tingin ko kay Fernando. Nakangiti siya ng nakakaloko habang nakatingin sa akin.
"Nasaan tayo?" Deretsong tanong ko.
Biglang nagbukas ang pinto ng may biglang humila sa akin sa labas. Sinubukan kong magpumiglas kung kaya naman ay nahila ko ang kwintas na nakakabit sa akin na malamang ay nahulog na sa lapag ng sasakyan. Nailabas na ako ng tuluyan ay deretso pa din ang tingin ko kay Fernando na na siyang nakangiti pa din.
"Patahimikin yan." Utos nito at tuluyan nang isinarado ang pinto ng sasakyan niya at tsaka ito umalis.
Hinarap ko ang mga lalakeng na mukhang mga tauhan ni Fernando nasa lima ang mga ito kasama na ang driver. Pareho pareho silang nakasuit na parang men in black ang datingan.
"Mabilis lang ang isang ito."
Sabi ng isa na kanina ay humila sa akin. Itinapat niya ang baril na hawak niya kanina at mukhang wala lang pakealam ang mga kasama niya sa gagawin nito. Akala siguro ng mga ito ay kakayanin ako ng isang lalake dahil sa babae lang naman ako.
Bago pa makalabit ang gatilyo ng baril ay mabilis kong sinipa ang kamay niyang may hawak ng baril at marahil sa gulat ay hindi agad ito naka react kung kaya kinuha ko itong pagkakataong para masapak siya sa panga na ikinatumba niya naman.
Saktong pagbagsak ng baril ay nasalo ko ito at itinutok sa mga lalake na mukhang pabunot na din ng mga baril nila.
"Subukan niyong bunutin ang mga baril na yan may matutuluyan." Matapang na hamon ko sabay tutok ng baril sa lalakeng nakasalampak sa damo.
Mukhang hindi natinag ang isang guard.
"AAAAARRRGGHHHHH!!!"
kung kaya pinaputukan ko sa braso ang lalake na tinutukoy ko na siyang napadaing sa sakit. At mukha namang nagulat ang guard na pabunot na ng baril dahil sa nagawa ko.
"Isang beses lang ako nagwawarning. Wag niyo akong subukan..." Seryosong sabi ko.
"Ikaw na nasa loob ng sasakyan! Lumabas ka kung ayaw mong isa sa tatlong ito ang bumulagta din." Banta ko sa driver.
Maya maya lang ay nagbukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang siyang nagmaneho nito. Nakataas ang kamay niya habang papalapit sa akin pero mukhang may naiisip ang isang ito, dahil kinuha niya agad ang baril sa tagiliran niya at itinapat agad iyon sa akin.
"Nako miss delikado ka... Sayang ang ganda mo kung mamatay ka lang agad." Nakakalokong sabi nito.
Ngumisi lang ako at binaril ang kaniyang braso na nakhawak ng baril kung kaya nabitawan niya ito. Mabilis na kumilos ang tatlo at itinutok muli ang baril sa akin.
"Ha! Alam niyo ba ang pinaka ayaw ko?" Nakangising tanong ko sakanila.
Mukhang naguluhan naman sila sa biglaang pag tatanong ko kung kaya nangtinginan muna sila, at nang muli nilang ibalik ang paningin nila sa akin ay mabilis kong pinulot ang lalakeng nakabulagta sa guard na nasa kaliwang dulo.
Nang dahil sa gulat ay napaputukan niya ang katawan ng kasama, malamang ay maging malala ang sitwasyon noon. Mabilis naman akong tumambling at ipinatama ang aking dalawang paa sa kamay ng dalawa pang natitira kung kaya nabitawan nila ng sabay ang baril at saktong pagtayo ko naman ay nasa likod na nila ako at pinaguntog naman ang kanilang ulo malamang ay mahihilo sila sa ginawa ko. Pinulot ko ang nailaglag nilang dalawang baril at itinutok iyon sa lalakeng nadaganan ng guard na nasapak ko, may kabigatan ang isang iyon kaya nahirapan siyang makaalis pinaputukan ko ang kaniyang dalawang bilikat hudyat para mapasigaw siya sa sakit.
"HA! Ang pinaka ayaw ko sa lahat ang hindi marunong sumalo. Lahat ng binabatuhan ko palaging namimilipit sa sakit dahil hindi nila nasasalo ang hinahagis ko sakanila. Gaya ng isang ito, hinagisan ko ng tao pero mukhang nahirapan kang saluhin ito... kaya ayan ang kinahinatnan niyo." Malokong sabi ko pa.
Kinuha ko ang shoulder bag na nalaglag sa braso ko ng dahil sa pagtambling at dinala ang dalawang baril na nakuha ko sa mga guard na mukhang hilo pa din hanggang ngayon. Tumakbo ako palapit sa sasakyan at agad na iminaneho ito palayo sa kanila, narinig ko pang nagpaputok pa ang sila sa sasakyan ngunit malabong matamaan pa nila ito dahil sa layo at injured na din sila.
Kinuha ko ang cellphone ko at inilagay iyon sa tracking apps namin at sinundan ang sasakyan ni Fernando. Iniwan ko doon ang kwintas na may tracking device sa pendant noon. Maliit lang ang pendant at maging ang lace ng kwintas ay manipis lang kung kaya malabong mapansin iyon ni Fernando nang makuha ko na ang signal nito ay inilagay ko agad iyon sa contact at tinawagan si Boss.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...