Chapter Fifty-Nine

197 8 0
                                    

Zelesté's POV

Hindi ko ugali ang pumatay ng kahit na sino man. Lalo na pa kung inosente ang magagawan ko nang ganito. Ang ilang bantay ay nawalan ng buhay nang dahil sa mapupusok na desisyon nilang pagsunod sa Andre na ito. Ayaw ko man pero kailangan.

Kaya galit na galit akong makita ang histura ng isang ito. Napakasimpleng mag utos sakaniya ng isang bagay. Ang pagpatay. Na kahit kailan ay hindi ko gusto.

"Napakadaling mag utos sa iyo na pumatay... Ang patayin kami, lalo na ng Kapatid mo na si Dhrew. Para saan? Para makuha ang yaman nila?" Gigil na tanong ko sakaniya.

Tinitigan ko lang ang kaniyang mga mata ng deretso at walang halong takot, pero sa mga mata niya kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon nito... Mukhang naiinis na siya.

"Alam mo... noong una ay akala ko anak ka ni Fernando. Nagkamali ako. Hindi naman kase kayo magkamukha o ano man, ngayon ko lang narealize na kasama ka pala sa isa sa mga picture nilang magkapamilya. Wala doon si Fernando, hindi mo din kamukha si Dhrew o ang tunay na nanay at tatay niya... dahil isa kang Ampon ng pamilya. Hindi ba?" Nakakainsultong tanong ko.

Nakita ko ang pagtigil sa katawan niya ng dahil sa nasabi ko... mukhang tama nga ako.

"Hahahaha... mukhang alam ko na ang katotohanan. Naiinggit ka? Oo. Naiinggit ka sa kung anong meron si Dhrew na wala ka. At dahil ampon ka ay malamang iba ang atensyon na maiibibigay sa isang tunay na anak. Malamang ay naging ampon ka nang pamilya nila Dhrew ng hindi pa sila makabuo ng tunay na anak... dahil sa may katandaan na ang tatay ni Dhrew." Naalala ko ang nakita kong picture frame ng pamilya nila Dhrew at doon ko nakitang may katandaan na ang tatay ni Dhrew na nasa tabi niya sa larawan. "Pero nakabuo sila ng isang tunay, Isang totoong laman at dugong anak nila. Kaya malamang! Nawala ang atensyon sayo. Na akala mo ay sayo lang... Akala ko pa nga ay dahil lang talaga sa yaman ang pakay mo sa kagustuhan mo ding mapatay si Dhrew, pero mas matindi ang galit at ang inggit mo sakaniya. Hindi ba?" Nakangising may pag iinsulto pang sabi ko.

Hindi na maipinta ang mukha ni Andre dahil sa mga sinabi ko at mukhang lahat ng iyon ay nahuli ko ng tama. Kanina lang din ng maisip ko ang malalim na dahilan niyang ito, nang maalala ko ang larawan nila sa picture frame... Nasa gitna noon si Dhrew hawak ng nanay niya at nakapatong sa kandungan nito samantalang ang Tatay nila ay nasa tabi ng asawa na nakatuon din ang pansin sa batang si Dhrew samantalang ang kawawang si Andre ay nasa gilid ng Ama na mukhang hindi manlang napansin ng tatay. Maawa man ako pero hindi ko magawa hindi sapat ang dahilan niyang inggit para naisin ang pumatay.

"Totoo na yon? Kuya?" Nag aalalang tanong ni Dhrew.

Nakikipag titigan lang sa akin si Andre na mukhang sinasakop na naman ng kaniyang matinding emosyon. Sa unang tingin sa mukha niya ay isang jolly na tao ang makikita sa mukha niya pero sa pagkakataong ito, nagbago iyon. Galit, poot at inis maging ang inggit ay nag hahalo halo sa ekspresyon niya.

"B-Bakit?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dhrew.

"Simple lang... Dahil naiinggit siya sayo." Simpleng sagot ko.

Nakita kong suminghap si Andre bago niya itinutok ang baril sa akin gigil ang pagkakatutok niyang ito... pero ibinaba niya iyon at huminga siya nang malalim at ibinalik ulit ang ekspresyon niyang nakangiti na para bang walang nangyari.

"Tapusin sila." Sabi nito sabay tumalikod at mabilis na naglakad palabas.

Narinig ko ang pagkalabit ng gatilyo para ihanda ang bala, yumuko ako at mabilis na hinawakan ang braso ng lalakeng nagtutok ng baril sa akin at tsaka buong lakas ko siyang binaligbag galing likod papunta sa aking harap naramdaman ko ang pagdaing niya sa sakit.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon