Zelesté's POV
Tumayo ako at lumapit sa pwesto kung saan ang eksena nakabanda. Tinitignan ko lang ang lalakeng may hawak kay Archery. Halatang naiirita na siya sa lalake pero pinipigilan niya lang.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak ng bubok ni Archery at hinila pa iyon ng mahigpit. Kawawa naman tong lalakeng ito. Di niya alam maiksi lang ang pasensya ko.
"Ha? Baka itong isang ito ang kailangan manghingi nang Sor-"
Di na niya natapos ang sasabihin niya dahil tinapon ko na kaagad ang bolang hawak ko. At sumakto iyon sa mukha niya. Napaupo siya sa nagawa ko, medyo mahihilo lang naman siya don. No big deal!
Dahil sa pagkatumba ay naging tyempo na iyon ni Archery na makatayo. Binitawan naman ng babae si Sniper mula sa pagkakasabunot. Pero hinawakan lang siya sa braso ni Archery na nakatayo na hinila niya iyon at pabato ding pinasalampak sa tabi nong lalake na hanggang siguro ngayon ay nahihilo pa.
Ang mga munting alipin ng mag jowa ay sumugod na din sa amin lalo na ang mga babaeng kaibigan siguro nong cheerleader. Pero isa isa lang silang pinaghahawakan at hinihila at pabagsak ding pinaupo nila Dartha at Archery. Si Sniper naman ay umiilag lang sa mga gustong umamba sakaniya. Samantalang si Katana ay tumabi lang at nanonood na lang.
Naubos na ang mga babae at lahat sila ay nananakit ang pwetan sa pagkakabagsak. Now they can feel what my friends feel before. Pinalibutan lang sila ng apat.
Ngayon ay ang mga lalakeng basketball player naman ang silang nais lumapit. Ang isa ay may hawak na bola at buong lakas na hinagis iyon sa akin. Habang papalapit ang bola ay tinansya ko na ang pagsalo dito. Hanggang sa ang bola ay nakarating na sa pwesto ko at nasalo ko lang.
Tinignan ko ang nambato sa akin na halatang nagulat sa ginawa ko. Dinribble ko lang bola at dahang dahang lumapit sa kanila. Halatang nabigla sila sa ginagawa ko. Mga duwag!
"Bola mo!" Sabi ko sabay hagis sa kaniyang bandang ano. Nang dahil sa gulat hindi niya naharangan ang bola hanggang sa tumama iyon sa kaniya. At namilipit siya sa sakit. "Hmm... nabasag." Nakangising sabi ko.
Malamang umusog ang bayag ng mga kasama niyang lalake. Dahil maski sila ay nasaktan sa nakita nilang pamimilipit ng kasama nila sa sakit.
Tumalikod na ako sakanila at pumunta kung nasaan ang apat nakaupo.
"Oh my god! That would be hurtful..." Sabi ni Archery.
Asan na ba kase yung PE teacher na yon? Pati ang mga teacher na dapat andidito. Bakit wala sila? Iniwan lang nila kami dito? Tch! Irresponsible!
"Hindi uso ang paghinge ng sorry sa aming apat. Pero nakadepende pa din yon..." panimula ko. "Pero alam niyo bang pinaka ayaw ko?" Inis na sabi ko.
Iniabot sa akin ni Sniper ang bola na napulot niya at dinribble iyon sa harap ng mga taong ito na nakaupo. Kita ang inis, gigil at sakit marahil mula sa pagkakabagsak nila.
"Alam niyo ba?" Paulit ko.
Umiling iling lang sila. At ngumisi lang ako at pinaikot ang bola sa isang daliri ko. Kita ko pang nagulat at namangha ang iilan sa nakakita ng ginawa ko.
"Ayaw ko sa lahat, yung hindi marunong sumalo ng bola." Sabay hagis ng bola sa cheerleader. Marahil sa adrenaline rush ay nasalo niya iyon. Narinig ko pang tumawa ang mga kasama ko at iilang nasa paligid namin.
"Oo ayaw ko sakanila dahil nasasaktan sila... lalo pa kapag ako ang nagbato non sakanila." Walang ganang sabi ko.
Tumalikod na ako at pumuntang bleachers para umupo. Ang tagal ng teacher na dapat magtuturo sa amin.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...