EPILOGUE

527 13 4
                                    


"AND NOW LET US CONGRATULATE OUR GRADUATING STUDENTS... LET US GIVE THEM AROUND OF APPLAUSE!!" Masayang sambit ng punong guro sa stage ng paaralan.

Maraming mga estudyante ang siyang nagsipaghanda para sa magaganap na masayang pamamaalam nila sa eskwelahan na ito. At labis labis ang saya nila dahil sa mga bagay na nabuo sa lugar na ito mismo.

"AND NOW FOR OUR SECOND HONOURABLE STUDENT... MR. SKYLER VILLANUEVA."

Masayang bati ng guro at siya namang pag-akyat ni Skyler sa entablado paglakad nito ay ang pagsalubong naman ng mga kamay sakaniya at masasayang ngiti at bati ng mga gurong nasa entablado at pagdaing sa mismong gitna ay isinabit sa kaniya ang medalya at ibinigay ang diploma niya.

Maraming flash ng camera ang siyang nagkikislapan, masaya niyang hinarap ang mga tao. Ang mga magulang niyang proud na proud sakaniya maging ang kaniyang nobya na si Lavander Katana na malaki ang ngiti.

"NEXT IS OUR FIRST HONOURABLE STUDENT IS MR. WINSTON CALLEJÁ."

Gaya ng nauna ay umakyat na din siya ng entablado at sinalubong ang mga gurong bumabati at nakikipagkamay sakaniya. Maraming estudyante ang kinikilig sa pag akyat nila ng kaibigan niya dahil sa kagisigang ipinapakita nito at maging ang talino.

Tumingin siya sa kaniyang proud na proud na mga magulang at mas lalong ngumiti siya ng makita ang kaniyang nobya na kinukuhaan pa siya ng litrato. "Say cheese!!" Utos ni Roshane Sniper na sinunod naman ng binata.

"AND NOW FOR OUR SALUTATORIAN... MR. ZACH ANTENOR!!"

Mas lalong lumakas ang palakpakan ng marinig ang pangalawang mataas na parangal sa binata, umakyat siya ng ngingiti ngiting hinarap ang mga guro at isinabit sakaniya ang medalya nito. Naririnig pa nga ang mga katagang pasasalamat nito habang nasa entablado.

"Wooohhh! Goodjooob hooneeey!!" Masayang bati ni Golden Archery sa ikinauupuan niya. Naaliw naman ang magulang ni Zach habang pinapanood ang pagsuporta ng girlfriend ng anak nila sakaniya.

"AND FOR OUR VALEDICTORIAN FOR THIS SCHOOL YEAR. LET US GIVE HIM AROUND OF APPLAUSE! CONGRATULATION MR. TRIXON KIM."

Umakyat si Trixon at masagabong palakpakan at matitinding flash ng ilaw ng mga kamera ang siyang walang tigil na nagaganap. Prenteng nakangiti ito at hinarap ang mga tao.

"ARE YOU READY FOR YOUR SPEECH?" Tanong ng punong guro at tungo lang ang sinagot ng binata at pumunta na sa pwesto kung nasaan ang mic.

"Hello students!! I as a valedictorian student is really happy to be at this moment. Simple lang kase ang ibig sabihin nito pero napakaimportante. It means... WE MADE IT! I really believe that every hard works and sacrifices is really needed to pay back. Especially sa ating mga estudyante. And I think ito ang masayang kabayaran sa ating mga paghihirap. And sana pagdating pa ng mga susunod na taon, pare pareho na tayong mas successful sa mga trabahong nakuha natin. To my inspirations, to my Fam! Thank you for supporting me... and of course to my Babe. Zelesté Calibreze, I love you and I will always will."

Nakangiting sabi ni Trixon na nakatingin sa kaniyang nobya na katabi ng kaniyang kapatid sa upuan, nakangiti ito at kitang kita ang pagiging proud niya sa kaniyang nobyo.

"And to all my friends... you are all worth to know. Masaya akong nakilala kayo. Lahat ng sakripisyo natin, ay nasuklian na. And to all my co-graduating students! Be proud too, meron o wala mang medalya. Masaya akong makita kayong nakatungtong na sa entablado at natapos ang isang napaka memorable na taon ng ating buhay... Ang High school life. Yeah! And thats all."

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon