Chapter Eight

246 13 2
                                    

Trixon's POV

Naglalakad na kaming papuntang parking lot nang mapansin ko ang dalawang Mustang yung isa ay black at ang isa naman ay blue. Napaka angas! Kanino naman kaya iyan?

"Hahahaha... baka mamuro tayo niya sa Ms.Manuela na yon!" Isang alingawngaw na boses na dinig na dinig dito sa parking.

Nilingon ng mga kasama ko ang pinaggalingan maging ako ay napalingon. Limang babae ang papalapit sa amin, pinangungunahan iyon nang babaeng naka checkered na red and black na mukhang walang pakealam.That girl.

Samantalang ang apat ay halos magkakasabay na nagtatawanang naglalakad sa likuran niya. Yung Babae na naglakas loob banggain si Greg ay kasama nila at nakaangko ang kamay ng babaeng nakasalamin sa kaniya. At ang dalawa naman ay nasa tabi lang nila.

The transferee's. Malamang sila ang tinutukoy kanina ni Dhrew.

Nagkatiniginan kami ng babaeng nasa unahan. The one that beat Miss Manuela in the front of our class. Malakas nga ang dating niya gaya ng nag pagkaka describe sa kaniya ni Dhrew. Tsk! Mayabang. Tumagal ang tingin niyang iyon hanggang sa malampasan niya na ako samantalang ako ay sinundan lang siyang papalapit sa kulay blue na Mustang at binuksan iyon.

Don't you say that! That's her car? Sa histura niya mukhang... Ha! Unbelievable! Hindi na bago sakin ang makakita ng Mustang pero drive it by a girl?

"Well! Ingat kayo!" Sigaw ng babaeng nakasalamin at binuksan naman ang itim na Mustang. Pati siya? Her looks, mukha siyang hindi nagmamaneho ng sasakyan!

What's with this girls? Hindi imposibleng mayayaman sila! Pero sa histura nila sila yung tipo ng may mga driver.

"Nice Car!" Papuri ni Skyler sa babaeng papasok sa itim na sasakyan and I am pertraining to the girl na papasok pa lang na naka kulay pula.

"Na! This is not my car!" Walang gana niyang sabi at tsaka pumasok na.

Tatlo silang nasa sasakyan na itim yung nakasalamin which is yung nagdadrive kasama ang babaeng kanina pa nagsasalita at yung nasabihan ni Skyler na nice car. While the other one which is yung blue dalawa sila yung dalawang siga na nag beat ng Varsity player at terror teacher. Sila pa ang nagsama.

Maya maya lang ay mabilis na nagpaandar ang nasa blue na mustang at sinundan lang iyon ng Itim. How can they have that kind of car? They look like a simple teenager!

"Wooow! They are so amazing!" Namamanghang sabi ni Skyler.

"They are!" Gaya ni Skyler ay namamangha din na sabi ni Dhrew.

Napailing na lang ako at pumasok na sa sasakyan ko.

Nagmaneho na ako at malamang kagaya ng mga kasama ko ay nagkaniya kaniya na kami sa pagmamaneho ng sasakyan namin pauwi. At nang marating ko na ang bahay ay ipinark ko na ang sasakyan at lumabas. Dumeretso na ako sa kwarto at hindi na pinansin ang mga katulong na bumabati sa akin. Binuksan ko lang at Xbox at naglaro nito magdamag.

Hindi pa din naalis sa isip ko ang tingin ng babaeng yon. Bakit masyado siyang matalim kung tumingin. Parang may nagawa akong masama sa kaniya. Iyong grupo nilang lima, umpisa pa lang ng makita ko sila kanina alam ko nang may kakaiba. Mukhang normal pero kung susumuin may kakaiba talaga.

May kumatok sa pintuan ko na nagbigay lalo pa nang pansin sa akin. Pinuntahan ko iyon at binuksan bumungad naman ang isang katulong na bahagyang yumuko.

"Sir, kakain na daw po kayo ng hapunan." Sabi ng katulong.

Binagsak ko lang pasara ang pinto at pinatay ang Xbox at walang ganang bumaba papunta sa Dining table nakaupo na si Papa at Mama. Teka? Asan na yung batang yon?

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon