Chapter Twenty-Two

194 13 0
                                    

Golden's POV

Inis akong nakaupo ngayon at nakagapos. Iritableng iritable ako sa mga ginawang kabastusan ng lalakeng iyon! Ampanget panget naman.

Kung hindi lang dumating iyang Greg na yan malamang! Nabugbog ko na iyong lalake. Pero medyo nag aalangan pa din akong kumilos dahil may mga nadamay na tao. Mabuti kung kami kami lang ito pero hindi e.

"Hey? Are you okay?" Tanong nang nasa likuran ko which is si Dhrew.

"Of course not!" Malungkot pa na sagot ko.

Tsk! Babae din kaya ako ano! Malamang halay na halay yung pakiramdam ko don. Medyo naopen ang unang butones ng uniform ko. Iyong lalakeng iyon! Basag talaga ang mukha nito kapag nakaalis na kami.

Wala akong ni isang dalang gamit dahil nasa loob iyon ng bag ko. Liban sa kakayan kong lumaban. Alam kong may mga dala itong mga babaeng ito kaya kampante na akong may mga ginagawa na sila. Base sa iilang mga ikinikilos nila. Meron na!

"Can you just be good this time? We need help! Oh god! Help us! Here! Limang kanto pag kagaling ng school. Pagitan ng Hardware and ahmm... bilihan ng foods ng mga manok! As far as remember. Oh god! Help us! Deretso ka lang... tapos saradong lote pinakadulo! Huhuhu... Juskooo lord!" Kunwari pang nanalangin na sabi ni Sniper.

She had that tracking voice. Nakaconnect iyon sa mga cellphones namin. Yung mga gamit namin ay hawak ng mga siraulong kidnapper na pero hindi iyon pinapansin dahil nag uusap lang sila.

"WALA DITO YUNG BUMATO NG BOLA SAKIN!" Sigaw pa ni Greg which is pertaining to Zel.

"E boss! Sila lang yung laman ng sasakyan e." Sagot naman ng parang leader.

"Ha! E itong mga lalake bakit andiyan yan?" Takang tanong ni Greg.

"Nangisali boss e!" Sagot niya ulit.

"Tsk! Sige patahimikin na yan. Yung malinis na trabaho ah! Pero gusto ko yung mahihirapan muna sila." Mesa dimonyong sabi nitong si Greg.

"WAHAHAHAHA!!" Natatawang nagsilapitan naman ang mga lalake na may mga hawak na kahoy, dos por dos, tubo at kung ano ano pang pwedeng ipanghampas.

"Hey! Get this!" Sabi ni Dartha at iniabot ni Dhrew ang ballpen. Oh this is her lighter.

Pagkahagis ay hindi umabot sa bandang kamay ko ang ballpen. Napatingin pa ako kay Dhrew na mukhang nadismaya ang hitsura. Ngumiti lang ako sakaniya.

"That's okay!" Pang palubag loob ko sakaniya.

"Hey Man in my back? Pwedeng wag ka munang kumilos and sumunod ka lang muna kung saan ako kikilos. Thank you." Sabi ko sa lalakeng nasa likuran ko.

Good thing ay abot nang paa ko ang ballpen kung kaya ginamit ko ang kanang paa ko para masipa ito papunta sa pwesto ng kamay kong nakatali. At nang maabot ko na iyon ay binali ko na ang ballpen at dahang dahang pinapainitan ang lubid na nakatali sa aming dalawa. Kita ko pang nagulat si Dhrew sa mga nakita niya. Kinindatan ko lang siya at ngumiting ginawa ang kailangan ko nang tapusing pagkakatali.

_____________________________________
Dhrew's POV

Medyo nagtataka ako sa way ng mga babaeng ito. Naririnig kong mag usap si Winston at itong si Roshane. Paano nilang nagagawang mag ingay at mag usap tungkol sa walang kwentang bagay? Itong si Roshane! Parang hindi babae ang reaksyon! I mean natural lang siguro sa babae ang mag makaawang wag saktan o kung ano ano ang sabihin, hindi gaya ng iopen pa ang mga bagay patungkol sa kabalbalan ni Winston at makipag away don.

"Hey! Were untied! Itong nakatali sa atin sa tiyan maluwag na ito pero please just act like it doesn't." Bulong naman ng nasa likuran ko.

Isa pa ito. Paano niya nagawang kalagan ang mga kamay namin at katawan ng dahil lang sa ballpen? At napaka para bang bihisa na niya sa ginagawa niyang ito? Kung makapag utos siya at makapag salita, para bang hindi man lang siya mababakasan ng takot!

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon