Chapter Forty-Seven

154 9 0
                                    

Dhrew's POV

Niyakap ko nang pabalik si Dartha na bakas sa histura ang matinding pag aalala. Nawiwirduhan man ako pero pinipilit kong ikalma ang sarili ko kahit na litong lito na ako sa nangyayari.

"Can you tell me? What happen?" Nag aalalang tanong ko dito.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at bumuntong hiningang tumapat sa akin.

"Tsk! Mamaya na... dahil kahit ako ay hindi ko din sigurado." May pag aalinlangan na sabi niya.

Ilang minuto pa kaming naging ganito ang sitwasyon. Balisa siya at chinecheck ang orasan ng cellphone niya kitang kita ko sa mga mata niya ang pag aalala. Isa lang ang sigurado ako. Hindi man kami ligtas o ano pa man, ayaw kong nakikita siyang ganyan.

Itinapat ko siya sa akin, hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisnge at tinignan siya ng deretso sa mga mata niya.

"Hey... We're alright! You don't have to worry. Nandito na tayo sa lugar na ito hindi man ako sigurado kung saan at kaninong lugar ito pero alam kong ligtas tayo dito. So just please? Wag ka nang mag alala." I sincerely said and then hug her.

Naramdaman ko naman ang pagiging kalmado niya. Kung ano ano pa man ang iniisip niya, okay hindi ko muna siya pipiliting mag salita o ano pa man.

"We're at Zel's apartment ang usapan ay mamaya dadating sila. Ang usapan ay kailangan madala ka dito nang ligtas and mamaya nila sasabihin kung bakit..." Sabi nito.

"Okay... I understand." Pag sang ayon ko.

Ang totoo ay hindi! Hindi ko maintindihan pero dahil ayaw kong mag aalala pa siya sa akin o kung kanino man ay pipilitin kong intindihin ang lagay namin sa ngayon.

"Ahmm... pano yung sasakyan ko?" Pag iiba ko ng topic.

Tumingin siya sa akin at mukhang naguluhan naman siya pero wala na siyang nagawa kundi ang sumagot na lang.

"Si Jeff na daw ang bahala kinausap naman siguro na ni Zel yon." Sagot nito.

Tumayo ako at nilibot muna ang sala. Napansin kong wala gaanong laman ang apartment na ito... maski pictures ay wala. May maliit na TV at sofa sa Dining ay isang maliit na bilog na lamesa lang at apat na upuan sa gilid nito ang nakalagay. Mukhang malungkot ang lugar na ito kung mag isa ka lang... pano nagagawa ni Zelesté iyon?

"Mag isa lang talaga dito si Zelesté?" Pagtataka ko.

"H-Ha? Ahmm... Oo e." Alangan na sagot nito.

"Gaano na kayo katagal na magkakilala?"

Bumalik na ako sa tabi nito at umupo na. Deretso lang ang tingin niya saakin at iniwasan ko iyon.

"Matagal na... since Grade one ata." Malumanay na sabi nito.

"Hmm... kaya pala, Close din ba siya sa boyfriend mo?"

Nakita ko ang gulat sa mata niya nang matanong ko ito. Ano bang sinasabi ko? Maski ako ay nagulat sa lumabas sa bibig ko e!

"B-Boyfriend?!" Di makapaniwalang sabi nito.

Parang nagtataka pa siya? Hindi ba siya handang sagutin ang mga ganitong klaseng tanong?

"Oo yung boyfriend mo? Yung Bal? Yung nasa Ospital... Close kase siya sa tatlo kaya tina—"

"WHAT?! HAHAHAHAHA..." Biglang halakhak nito.

Kitang kita ko ang hindi niya kayang pagpigil sa tawa niya, anong nangyayari dito?

"Bakit?" Takang taka namang tanong ko.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon