Chapter Twenty-Seven

181 7 0
                                    

Golden's POV

"Bakit mo siya tinulak!?" Gigil na tanong ni Zel sa isang babae.

"B-Bakit? H-Hindi a-ako ang t-tumulak kay Dartha!!" Hirap sa paghingang sabi ng Babae.

"Ha? Hindi ikaw?!" Inis na inis na sabi ni Zel.

"N-No!!" Matigas na sagot nito.

"EH BAKIT ALAM MONG SI DARTHA ANG TINUTUKOY KO!!?" Sigaw ni Zel. Mas lalo pang diniinan ni Zel ang siko niya sa babae.

Delikado ang ginagawa ni Zel at baka makasuhan pa siya nang pabalik niyan. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at sinubukang pakalmahin.

"Zel! Kalma..." Nag aalalang sabi ko pa.

"Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko ikaw ang malalagot! Kitang kita ko na ikaw ang tumulak! Kaya wag kang nang tumanggi!" Inis na sabi ni Zel.

Binitawan niya na ang babae pero hindi niya inaalis ang tingin niya dito. Tinignan ko ang babae, kitang kita ang takot sa mga mata nito. Anong kasalanan sakaniya ni Dartha at nagawa niya iyon?

"Miss? Nakita din kita. Actually hindi lang ako meron pang iba... kahit itanggi mo maraming nakakita. Pero bakit? Bakit mo naman tinulak si Dartha?" Sinubukan kong maging kalmado sa mga sandaling ito.

Lumilihis lang ng tingin ang babae, at kitang kita ko naman na parang nakokonsensya siya sa ginawa niya. I know this, it's either nadala siya ng bugso ng damdamin o inutusan lang siya at no choice.

Bumuntong hininga si Zel at tsaka tumingin ng seryoso sa babae. Lumapit si Zel sa babae at humarap bago magsalita,

"Maybe I know the reason, but admit it on the guidance. Sabihin mo ang buong katotohanan." Seryosong sabi ni Zel sakaniya.

Anong sinasabi ni Zel na alam niya na ang rason? Naguguluhan ako sa mga binitawan niyang kataga. Biglang napaupo ang babae at himagulgol na parang isang batang nawawala. Nilapitan siya ni Zel at tinapik tapik nito ang likod ng babae.

"I am not bad! B-but I guess I am now..." Umiiyak na sabi nito.

Tumayo siya at tinulungan siya ni Zel pero bigla itong nawalan ng malay at bumagsak sa bisig ni Zel.

"Oh my god!" Gulat ko pang reaksyon pero agad ko din namang tinulungan si Zel sa pagbitbit sa babae.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante habang magkatulong na inaalalayan ang babaeng nawalan ng malay. Nang makarating kami ng Clinic ay nakita pa naming inaayos ang kama.

"What happen?" Nag aalalang tanong ng nurse.

"Nahimatay." Tanging sagot ni Zel.

"Hay! Akala ko naman ay kung ano na naman..." Parang naging maluwag naman ang paghinga ng nurse sa nalaman niya.

Nagkatinginan kami ni Zel, tinignan namin ang kabuuan ng Clinic pero walang nakahigang Dartha dito. Di kaya? Oh my gosh! Wag naman sana.

"Miss!? Wala bang babaeng dinala dito kanina?" Tanong ko sa nurse na inaasikaso na naman na ang babae.

"Babae? Meron... marami. Ano bang kaso?" Tanong ng nurse.

"Nahulog sa hagdan." Agad na sagot ni Zel.

Nakita ko pang nagtaka ang hitsura ng nurse at napakamot naman nang ulo. "Ayon! Ayon na nga e. Ang isang iyon ay nabagok ata ang ulo kaya naman nang unconscious siya ay pinadala na agad namin sa ospital. Bleeding na din kase e." Nag aalalang sabi naman ng nurse.

"Oh my god!" Napatakip ako ng aking bibig.

"Saang hospital?" Tanong naman ni Zel.

Napansin kong nagising ang babae galing sa pagkakawala nang malay nito. Umiinit ang uli ko sakanya! Kumukulo ang dugo ko sa babaeng ito. Kaya naman ay nasampal ko siya nang pagkalakas lakas. Kitang kita ko pa ang gulat sa hitsura ng nurse at nang babae.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon