Chapter Twelve

227 12 0
                                    

Lavander's POV

"Goodmorning." Tipid na bati nito.

Nagsulat siya sa board 'Essay: What I Expect, What I want to know, What I want to Happen.'  Matapos niyang masulat iyon ay tumapat siya ulit sa amin.

Tumingin siya sa buong klase na napahinto naman sa pwesto panigurado ni Zel. Oo nga pala nabanggit sa amin kahapon ni Zel na kaya siya natagalan bumaba dahil napagkamalan siya ng Lecturer. At nasabi niya din na si Ms.Manuela iyon kase nga daw yung teacher namin sa math pa ang pagkakakilala niya.

Naalis ang tingin niya kay Zel at nagkibit balikat na. " Get One whole sheet of yellow pad. And write an essay... consisting 500 words or more. Strictly no erasure, and clear thought! This is the topic." Sabay turo ng isinulat sa board.

Nagkuha na kami ng kaniya kaniyang papel sa kaniya kaniyang bag. Hindi uso ang hinge sa mga estudyante dito. Malamang! Mayayaman ang mga ito e.

"Pahingi."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at kung hindi ako nagkakamali. Zel.

Paniguradong hindi lang ako ang nakarinig non kundi ang buong klase dahil sa tahimik ang classroom dahil sa pagpasok ni Ms.Manuela.

"BUWAHAHAHAHAHA!!"

Nagtawanan bigla ang mga nasa paligid namin. Anong nakakatawa sa paghingi? I mean baka nga matawa sila sa paghingi ni Zel dahil sa nakapasok siya sa isang prestehiyosong eskwelahan pero hindi manlang nakayanang bumili ng Yellow pad.

"Here!" Alok naman ni Dhrew.

"Shut up!" Pagsuway ni Ms.Manuel.

Kinuha ni Zel ang papel na inalok ni Dhrew at nagkibit balikat lang na nagsulat na parang walang nangyari. Ibinalik ko na din ang tingin ko sa papel ko at inumpisahan na din ang pagsusulat.

Ano nga bang isusulat ko? What I expect... hmmm... ano nga bang iniexpect ko sa subject na ito... Syempre dapat enjoyable, hindi kaseng bigat ng gaya ng atmosphere na meron dito. I expect na hindi gaanong tahimik ang classroom but of course may sense ang ingay. Isinusulat ko lang ang mga thought ko sa extrang papel para walang erasure.

Naririnig ko ang mangilan ngilang ingay mula sa pagbulong ng 'Anong sinulat mo?' Or kaya 'patingin ng iyo, kukuha lang ako ng idea.' May iilang punit din nang papel kasabay ng frustrated na pagbuntong hininga ng may ari.

After a minutes nang mabuo na ang concept ko ay ready ko nang isulat iyon sa ipapasa kong papel. Nang biglang tumayo naman at napatingin ang lahat sakaniya... Zel.

Siya ang kauna unahang nagpasa in just a couple of minute. 500 words or plus iyon, and No erasure and clear thoughts pa! Ibang klase ka talaga Zel.

Halata din ang pagkabigla ni Ms.Manuela sa kaniya. Na kagaya ng ibang kaklase namin... ibinigay niya na ang papel sa guro at bumalik lang sa upuan niya na parang walang nangyari.

Hindi din nagtagal mga limang minuto ay tumayo na si Arch na halos sabay ko lang natapos at tumayo na din ako para ipasa ang papel. Hindi naman sa nag uunahan kami. Pero sadyang natapos lang talaga kami kaagad.

"Very good!" Sabi sa amin ni Ms.Manuela matapos nitong maabot ang mga papel namin.

Bumalik naman kami ni Arch sa upuan namin kasabay ng pagtayo ng Dalawa. Sniper and Dartha. At kasunod nila si Dhrew na nagpasa na din.

"Okay! Last thirty minutes!" Pagooras ni Ms.Manuela.

Marami ang halos di magkanda ugaga sa pagmamadali sa pagsusulat. Ang iba ay parang nafrufrustrate naman sa nangyayari.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon