Chapter Thirty-One

202 8 0
                                    

Trixon's POV

Natutuwa talaga ako sa mga nagdaang araw dahil kung hindi ko siya nakitang mag isang umiinom sa bar na iyon mukhang hindi ko pa siya makikilala. Nang mas higit pa.

Flashback

Pumunta ako ng Tarima para sana ay mahimasmasan sa mga naiisip ko patungkol sa limang babaeng iyon. Dahil kahit hanggang sa ngayon ay nahihirapan pa din akong kumbinsihin ang sarili ko sa mga nalaman ko.

Pero sa hindi inaasahan ay nakita ko siya. Ang babaeng lalong nagpagulo ng utak ko, umiinom ng mag isa at siya na naman mag isa gaya ng nakita ko siyang umiinom din noong araw na natugtog kami dito. Sa parehas na pwesto at ekspresyon, mukha pa din siyang walang pakealam sa paligid niya pero sa pagkakataong ito bakit parang ramdam ko na may kakaibang dala dala siya ngayon.

Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad papalapit sakaniya at umupo sa tabi niya. Nakita ko naman na parang nagulat siya sa biglaang pagtabi ko sakaniya. Ngumiti ako sakaniya bago umorder.

"Mahirap yan... nagsasarili." Sabi ko sa kawalan.

Walang imik lang siya at nagkibit balikat, at tumungga lang nang tumungga sa alak na iniinom niya. Kababaeng tao ang lakas lumagok ng alak.

"Babae ka ba talaga? Bakit ang lakas mo lumagok ng alak?" Sarkastikong sabi ko.

Uminom naman siya bago pa magsalita. "Bakit? Lalake lang ba ang dapat lumalagok ng alak?" Takang tanong nito.

"Ha? Hindi! Ang sakin lang hindi kase bagay sa babae ang umiinom." Deretsang sagot ko.

"Masyado mo namang minamaliit ang babae niyan." Sarcastic na sabi niya.

Oo nga pala! Bakit nga ba kase ako concern sayo? Napatulog mo nga yung mga gangster na yon e. Ano pa nga bang kakaiba sayo?

"Pero kahit na... babae ka pa din." Mahinahong sabi ko.

Napatingin siya sakin hindi ko alam pero bakit parang kumislap ang mga mata niya ng mga pagkakataon na iyon. Yung mga tingin niyang maangas sa akin ay parang nawala ng mga oras na iyon, biglang nag iba.

"Grabe! Hahahaha... sayo ko pa yan narinig? Akala ko e hindi ka nagsasalita e." Parang di makapaniwalang sabi nito.

Ano? E parehas lang pala kami! E kahit ako ay naiisip din kung nagsasalita ba siya e.

"Same with you." Tanging sagot ko.

Tinignan niya ako na para bang nagtataka at pinagaaralan ang kabuuan ko. Nawiwirduhan ako sa paraan ng pagtingin niya kaya naman lumuwag ang aking paghinga ng ibaling niya sa iba ang tingin niya sabay tungga.

"Bakit andito ka?" Walang buhay na tanong niya.

Bakit nga ba ako andidito? Ah! Oo nga pala. Gusto kong uminom dahil sa mga naiisip ko. Naguguluha ako, Namamangha, at di makapinawala. Andidito pa din ako sa stage kung saan ang Aftershock kung tawagin at hindi ko pa din makumbinse ang sarili ko sa mga bagay na nangyari kung totoo ba ang mga iyon o hindi.

"Dahil sainyo... Tch! Lalo na sayo." Sagot ko.

Nakita ko pang nagkunot ang kaniyang noo bago tumungga ng alak na iniinom nito, ngumisi siya ng nakakainis.

"Hmmm... Wag kang mag alala. Sanay na kami sa ganyan." Kampanteng sabi niya lang.

Sanay? Paanong sanay? Hindi lang ba kami ang kauna unahang tao ang nakakita ng ganoon nilang kakayahan? Maramo na kayang pagkakataon ang nalagay ang buhay nila sa hindi magandang sitwasyon?

"Paano?" Wala sa sariling tanong ko.

"Tss... anong paano?" Parang naguguluhan na tanong naman niya.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon