Zelesté's POV
"Paano ka nakapasok?" Takang tanong ni Arch.
"Gamit ang matalas na pag iisip." Nakangising sagot ko.
Flashback
Natanaw ko na ang siyang kinalalagyan ng Device mukhang nasa loob nito ang sasakyan, isang mansyon ang pinuntahan nila pero nakapwesto ito sa isang liblib na lugar. Malawak ang bahay kung titignan ito sa labas.
Malayo pa naman ang siyang pinagparkan ko ng sasakyan at iiwan ko ito dito sa malayo para hindi mapansin ng kung sino man. Naghalughog ako sa loob ng sasakyan at nasaktuhan ko naman ang mangilan ngilang gamit dito na maaring gagamitin o ginagamit nila sa pagkitil ng buhay o di kaya naman ay mga pang protekta nila sa sarili nila. Mga baril at may kutsilyo pa at ang pinaka magandang gamit dito ay ang baril na may silencer, mukhang ginagamit nila ito sa pagkitil ng buhay sa pinaka tahimik na paraan.
Hindi ako pwedeng sumugod ng nakadress kailangan kong magpalit ng damit para hindi mahalata. Kinuha ko ang baril na may silencer At isang kutsilyo di bale iiwan ko na dito ang iba kong gamit.
Tahimik akong umaligid sa labas ng gate at maswerte naman ako at walang CCTV dito. Nakita ko ang paglabas ng mga guard na nakasuit kasunod si Fernando at ang isang lalake na medyo kaedaran ko lang na may hinihithit na sigarilyo mukhang nagkapaalamanan ang mga ito at sumakay na nang sasakyan si Fernando at umalis, paglabas nito nang gate ay nagtago ako sa likod ng mga basura at mukhang hindi naman ako nakita ng mga ito.
Biglang isinarado na ang gate ng lalakeng nakamaskarang itim ang buong mukha. Bukod ata sa mga naka suit ay may iilan pa silang bantay na nakamaskara.
Mukhang magagamit ko ang suot nilang para mag disguise. Sinipat ko ang gate ng tahimik mukhang walang magbabantay dito dahil lahat sila ay nakafocus sa malaking double door ng bahay. Nang makapasok na ako sa gate gamit ang pag akyat ng tahimik dito ay tanimik akong naglakad at nagtatago tago sa iilang halaman dito.
Madaling makapagtago dito dahil sa ang mansyon na ito ay sadyang magarbo, pagtinignan sa labas ay ang mansyong napakalaki lang ang makikita pero kapag nasa tapat ka nang gate makikita mo ang loob nito.
May fountain sa gitna na nakatapat sa pintuan ng mansyon. At parang nasa magandang hardin ang paligid nito may mangilan ngilang halaman at puno sa paligid kaya nakatulong ito sa pagtatago ko.
Nakatago ako ngayon sa mataas na halaman na kayang kaya akong itago. May isang bantay sa harap ko na siyang naka mask mabuti na lang at walang siyang ibang kasama dito dahil may kalayuan ito sa pinaka mansyon. Mabilis ko siyang hinila at hinampas sa ulo ng baril na sinuguro kong ikatutulog niya.
Hinubad ko ang suot niyang mask. Maging ang damit nito at pants mabuti at nakaboxer siya! Mabilis ko ding ipinalit ang suot ko sa suot ng tulog na lalakeng ito at isinuot ang maskara sa aking mukha. Mabuti at may pagka malaki ang loongsleeve niya at hindi mahahalata ang hubog ng katawan ko yon nga lang ay ang payat ko naman pero hayaan ko na lang maingat kong itinago ang aking buhok at inayos ang aking sarili. Itinago ko ang baril sa aking likuran at dahang dahang lumabas.
Prenteng lumakad ako papasok at mukhang hindi naman ako nahahalata. Nang tuluyan ko nang mapasok ang loob ng mansyon ay nakakalulang ganda ang siyang bumungad sa akin at iilang nag lalakad na nakamaskara din.
May iilang umakyat kaya naman sumunod ako sa mga ito at nang marating ang pangalawang palapag ay pumasok sila sa isang pinto na nandidito sa bandang dulo ng hallway. Pagbukas ay bumungad ang isang lalake ito ang kausap kanina ni Fernando, nahithit ito ng sigarilyo.
"Ang usapan namin ni Papa..." Pagsisimulq nito kasabay ng pagbuga ng usok.
Ibig sabihin kapatid niya si Dhrew, at tatay niya si Fernando. Napaka hayop niyang kadugo.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...