Dhrew's POV
Nagkagulo nang bigla kaming dumugin ng mga estudyante pagkababang pagkababa namin, mabuti na lang at may katangkaran ako at nakikita ko pa ang mga kasama namin. Kitang kita din na nahihirapan sila sa pag alis dahil sa dami ng nakapalibot sa amin.
"Aray!"
Isang pamilyar na boses iyon at agad ko namang nilingon, tsk! Halos madala na siya ng mga estudyante at talagang nasaktan pa siya. Hinila ko ang kamay niya para malayo sa dami ng estudyanteng. Nang makatating kami sa likod ng stage ay tinignan niya ako na parang gulat na gulat.
"Dhrew?" Wala sa sariling sabi nito.
Tinignan ko lang siya at napansin kong parang gulat na gulat pa din siya na ako ang nakita niya? Sino banh ineexpect niyang gagawa sakaniya nito? Si Target? Tch!
"A-Ah H-Hey! By the way... Ahm Hehe! Ang galing niyo pala kanina." Para bang nahihiyang sabi niya.
Tinitignan ko pa din siya, at nakikita ko namang parang naiilang siyang tumingin sa akin. Tss... Di niya ba alam na habang kumakanta ako kanina ay para sakaniya yon? Ang manhid naman!
Napansin niya sigurong nakahawak ako sa kamay niya dahil kanina ay hinila ko siya papunta dito. Nalungkot ako ng hilain niya iyon. Oo nga pala baka magalit ang boyfriend niya.
"Ahm...Asan na pala yung Walo?" Takang tanong niya na tumitingin pa sa paligid.
"Ewan." Inis na sagot ko sabay talikod sakaniya.
Naglakad na ako palabas ng likod ng stage, pero narinig kong pagdaing niya ng sakit. Sh*t ano bang nangyari sakaniya?
"Aaww!" Daing niya.
Nilingon ko siya at para bang hirap siyang lumakad. Napakunot ang noo ko, Oo nga pala! May pilay siya sa paa. Stupid!
Nilapitan ko siya at tinignan ko ang paa niya. Lumuhod ako para luwagan ang sintas ng robber shoes niya sa iniinda niyang paa. At pagkakitang pagkakita ko sa paa niya ay namamaga pa ito. Kinuha ko ang sapatos niya at pinahawak sakanya mukhang natapakan kanina ang paa niya kaya siya dumaing nang sakit.
"Hawakan mo ang sapatos mo." Utos ko sakaniya.
Mukhang nagtaka naman siya sa inutos ko pero mukhang wala din siyang nagawa. Tumayo ako at buong lakas siyang binuhat, na parang pang bagong kasal. Kitang kita ko ang pamumulat sa mukha niya, maging ang pagkagulat sa mga mata niya kitang kita ko din.
"Hey? What are you doing? Ibaba mo na ako! Kaya kong maglakad." Matigas na sabi nito.
"Kung kaya mong maglakad hindi na sana kita binuhat." Sarkastikong sabi ko pa.
Mukhang napahiya siya sa sinabi ko at kita ko namang nalungkot ang histura niya. Taena naman ayaw kong nakikita siyang ganyan e!
"Tch! Mag ingat ka kase... Ayaw kong nasasaktan ka!" Iritang sabi ko.
Naglakad na ako papunta sa clinic at ito na naman ako buhat buhat siya papunta na naman sa clinic na iyon. Sa pangalawang pagkakataon!
Pinagtitinginan kami nang mga estudyante sa kalagayan naming ito, tinignan ko naman siya na para bang nahihiya na siya. Tch! Nahihiya din kaya siya pag ginagawa ng boyfriend niya to sakaniya. Nakakinis naman.
Nang makarating kami sa clinic ay nakita ko pang nagulat ang nurse in shift ng oras na iyon. Inihiga ko naman si Dartha sa kama at hinarap ko ang Nurse na namumula pa.
"Natapakan yung paa niya, may pilay siya." Tanging sabi ko.
"O-Okay..." Nahihiyang sabi ng Nurse.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...