Chapter Forty-One

175 7 0
                                    

Zelesté's POV

Deretsa lang ang tingin ko sa target, ipiwesto ko ng maayos ang baril at pinihit na ito, isang lata ang siyang laglag. Gulat at nakanganga naman ang tiga bantay nang booth. Nakakailang tumba na ako ng lata pero hindi ko pa rin tinatantanan ang booth nila.

"Ahmm... miss? Pwede mo nang piliin ang magiging premyo mo." Medyo alangan na sabi ng babaeng tigabantay.

Ibinaba ko na ang baril barilan, or should I say pellet gun... inilapag ko ito sa counter ng booth nila. Tinignan ko ang nagbabantay mukhang nagulat siya nang tignan ko siya nang deretso sa mata.

"Ilan na ba?" Walang ganang tanong ko.

Napakamot ng ulo ang nagtitinda, maraming nanunuod sa simula pa lang nang paglalaro ko. Marahil sa pagbabaril ko sa mga lata at sunod sunod na napapatumba ang mga ito kung kaya naman ay natuwa ang mga nanunuod na estudyante at malamang yung iba ay nagkainteres.

"Ahmm... mga Eleven..." Alinlangan na sagot nito.

"Mali ka. Thirteen lahat, pero wag kang mag alala isa lang ang kukunin ko baka ikaluge niyo e." Deretsong sabi ko pa.

Kinuha ko yung bear na nasa itaas na kulay brown, hindi ko iyan magagamit pero ibibigay ko sa kasama ko ngayon. Pag abot na pag abot sa akin nito ay inihagis ko agad ang bear sa kaniya.

"Sayo na yan..." Sabi ko sabay talikod.

Alam kong nakasunod lang siya sa akin, nakita ko sila Archery kanina at si Zach ang kasama nito. Hindi na ako nag abalang habulin sila o kaya naman tawagin dahil sa tinatamad ako. Hinayaan ko na lang na makasama ang lalakeng ito.

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong nito na nasa tabi ko na.

"Nagugutom ka na ba?" Balik na tanong ko sakanya.

Mukha kaseng gutom na siya, mas marami siyang sinubukang laruin dahil ako wala akong natipuhan sa mga nilalaro niya maliban lang doon sa una at huli kong nilaro, ang Barilan pero lata ang target.

Hinila ko si Trixon na siyang nagpahila lang sakin. Cool itong fiesta day ng Newford's dahil may iba't ibang klase nang pagkain ang pinayagan nilang iopen, gaya nitong ihawan na ito malamang limatado lang ang mga upuan at maswerte kami ni Trixon na may kaaalis lang na kumain kung kaya pinwestyhan kaagad namin iyon.

Nang makaupo ay may lumapit na tao sa amin inabot ang menu. Ang lupet para talaga silang isang propesyunal na nagtitinda, sa pagkakaalam ko ay mga estudyante lang din ang mga ito. Ibinigay ko na ang order ko ganon din ang ginawa ni Trixon.

Hawak hawak niya pa din ang bear. Tss... kamukha niya talaga ang laruan na yan. Magkadikit ang kilay ng bear na iyan bagay na ikinahawig nito sa may hawak sakaniya ngayon. Naalala ko kase ang unang beses na makita ko si Trixon sa may parking lot halos magdikit ang dalawang kilay niya habang sinusundan ako nang tingin.

"Bakit ka nakangiti?" Takang tanong nito.

Nakangiti ba ako? Baka nga. Hindi ko maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw, napapansin na nga ng mga kasama ko na bigla bigla daw akong nangiti pero ang tangi ko lang natatandaan bago nila iyon masabi ay sumasagi sa isip ko ang lalakeng nasa harap ko ngayon. Hindi kaya? Sa tuwing naiisip ko siya ay hindi ko namamalayan na ngumingiti ako? Tss! Kalokohan.

Umiling lang ako bilang sagot sakaniya. Mukhang hindi siya satisfied sa naging tugon ko. At sakto namang dumating ang pagkain namin, inihatid ito nang dalawang lalake at pinanood ko lang silang inilalapag ang pagkain. Matapos nilang gawin iyon ay umalis na din naman sila at kami naman ay nag umpisa nang lumamon.

"I was wondering... is your second name is related to your personality?" Takang tanong ni Trixon.

Napatigil ang pagsubo ko nang pagkain, tumingin ako sakaniya na nakatingin na din pala sa akin ng deretso.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon