Dartha's POV
"I Hope that everyone be a good student. Wag nang magpasaway. And to those graduating? Please! Wag na ninyong ubusin ang nalalabi ninyong mga buwan sa pagpapasaway. I am here to announce also the Welcoming Party that will be on the upcoming friday. Masaya ako lalo pa kung makikita ko kayo doon. Bawat classroom mamaya ay hahatiran ng karampatang dami ng Invitation sa bawat estudyante. Hindi makakapasok ang wala nito. Ang inyong susuotin ay isang simpleng civilian lamang magkakaroon din ng mga sayawan at kantahan na pangungunahan ng kilalang banda ng eskwelahan. Ayon na lamang at maraming salamat." Pagpapaalam ng Principal.
Nagpalakpakan ang bawat estudyante matapos magsalita ng Principal. Tumayo ang President ng student council sa harap ng mikropono.
"Students are doesn't allowed to go outsides of the classroom magkakaroon lang po ng munting pagpupulong ang mga faculties at Student councils. Officers of the classroon is the one who handle their respective blocks. That's all! Thank you." Matapos iyong sabihn ay umalis na din siya ng stage at bumaba.
Nag aya na din ang mga kasama kong bumalik na sa classroom. Pero paano ang mga suot namin?
"Guys? I think we need to change? Naka shorts tayo and tapos na ang PE natin." Sabi ko.
Napagtanto din ng mga kasama ko ang sinabi ko. At sumang ayon silang magpalit na muna kami ng damit namin bago pumunta ng classroom.
"I think I should go first." Singit ni Zel.
Oo nga pala ang isang to, hindi kase siya naka short kaya hindi na niya kailangan magpalit. Mas lalong hindi niya hilig ang mag hintay nang taong nagpapalit ng damit!
"Yeah! Okay. See ya!" Masayang sabi ni Sniper.
At nagpunta na kami sa CR para magpalit ng damit. Hindi naman kami pinagpawisan or something kaya hindi na namin need ang magshower pa. Good thing here at this school may shower room sila. Maybe the main purpose of that is for those varsity's and cheerleading squad yung tipong mga nagpapractice para sa school.
Hays! Naalala ko na naman ang yung nangyari kanina! Ang mga iyon! Kung hindi lang ako nagpipigil ay baka mapilayan na e.
Narating na namin ang CR at meron itong anim na cubicle mabuti naman at walang tao dito at tanging kami kami agad ang makakapasok sa cubicle. Mabuti na lang dala namin ang mga bag namin at nandidito ang mga pamalit namin. Kaya pala hindi dinala ni Zel ang bag niya ay wala siyang balak na magpalit ng suot.
Nagpalit na ako ng pants at di na nag atubiling palitan ang shirt ko dahil mahal ko ang isang ito. Its my Dart's Team T-shirt and Im proud of this.
"Alam mo ba? Sobrang sakit pa din ng butt ko!" Maarteng boses ang umalingawngaw sa loob ng Cr.
May mga kapapasok lang at halatang grupo ito. Base sa ingay nila ay yapak ng paa.
"Nagulat ako sa lakas ng mga yon! Hindi nga ako bastang nakatayo after nila ako hilahin paupo e. Oh my god my sexy ass." Reklamo pa ng isa.
Tch! E anong tawag nila sa ginawa nila kay Arch? Nagdugo nga ang gilid ng labi non e! Samantalang sila sumakit lang ang pwet akala mo mamatay na. ANG AARTE!
"How they are to do that to us? Huhu... kawawa nga si Baby Fred ko e. Yung ano niya." Nalulungkot lungkutan na sabi ng isa pa.
"Kapag nakita ko talaga ang mga freak na yon! I will let them kiss the flo-"
Di na natapos ng Cheerleader ang sasabihin niya dahil sabay sabay kaming lumabas ng cubicle. Halatang nagulat sila sa nakita nila at eksenang ginawa namin. Umakto kaming parang walang nakikita at dere deretso lang na pumunta sa harapan ng salamin.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...