Chapter Sixty

271 8 0
                                    

(Author's Note//
Last chapter save for the protagonist point of view wag kang judgmental! Lahat ng bagay na nagagawa ng isang tao ay may malalim na dahilan. Unawain ito bago sila husgahan.)

Andre's POV

Simula pagkabata ko ay hindi ko naranasan ang pakiramdam na maging kompleto. Nakakaloko pero sa edad kong apat na taon ay ganito na ang pakiramdam ko. Masiyahin naman akong tao at palakaibigan pero wala ni isang pinili na mag stay sa akin.

Lumaki ako sa bahay ampunan ang kwento ay ipinaiwan lang ako dito ng isang babae ni hindi pa sa akin sinabi kung nanay ko ba iyon o siya ang taong nakapulot sa akin pero ang tanging tanong ko lang ay bakit niya pa ako iiwan sa isang ampunan? Hindi niya ba ako kayang alagaan?

Kaya naging sobrang saya ko ng makita ang mag asawang papasok sa bahay ampunan. Masiyahin sila parehas at tuwang tuwa sila ng makakita ng mga bata... Hanggang nadapuan ako ng tingin ng babae na ngayon ay tinatawag ko nang Mama. Ang asawa nito ay may katandaan na pero malakas pa din naman at si Papa nga iyon, naging mag asawa sila pero ang sabi ay nahihirapan silang bumuo ng sanggol dahil may deperensya sa matres si Mama kaya sa pag aakalang hindi na sila magkakaroon ng anak ay inampon nila ako. Sobrang saya ko noon, Halos hindi ko maipaliwanag ang tuwa ng ako ang napili nilang bata na ampunin mukha daw kase akong anghel na nakangiti sa kanila mula sa pagpasok ng simbahan kaya ako ang napili nila.

Buong atensyon nila ay nasa akin pinag aral nila ako at binihisan ng maganda. Mayaman sila kaya lahat ng gusto ko at luho ay ibinibigay nila, pero hindi din iyon nagtagal. Anim na taon ako noon ng biglang nalaman nila ang balitang magkakaanak daw sila Mama at Papa at aaminin kong nangamba ako noon dahil baka mawala ang atensyon nila sa akin pag nagkataon at hindi nga ak nagkamali. Lahat ng atensyon nila ay nabaling sa kapatid ko at napabayaan ako, sa katulong na lang nila ako pinapaasikaso at pinapaalaga dahil sa ang atensyon nila ay na kay Dhrew lang.

Lumaki ako na may inggit sa kaniya pero hindi ko iyon ipinapakita. Hanggang sa mag Sixteen ako at eleven noon si Dhrew ay inatake sa sakit ng puso si Papa. Sobrang lungkot noon at grabe ang iyak ni Mama kaya dalawa na lang kami ni Dhrew ang humaligi kay Mama at inalagaan siya. Ilang taon ang lumipas ay nakalimutan na ang nangyaring iyon at may nakilala si Mama na bagong mapapangasawa daw niya at si Tito Fernando nga iyon.

Naging magkasundo si Tito Fernando at Dhrew samantalang ako ay sakto lang ang pakikitungo kay Tito Fernando. Hanggang sa isang araw ay nakita ko ang puting folder sa kwarto niya ng pumasok ako doon para sana tawagin siya pero laking gulat ko ng buksan ang folder at mapag alaman na may malaking utang si Tito Fernando at saktong hawak ko ang folder paglabas niya ng banyo.

Nag away kami at pinagdudahan ko siya na ginagamit niya lang ang pamilya namin. Pero binaliktad niya ang lahat, kinuwestyon niya ang sinabi kong Pamilya namin dahil hindi nga pala ako pamilya. Ampon lang daw ako, kaya wala akong karapatang magsalita. Sinabihan niya ako ng magagandang pangako na hahatian ako sa yaman na makukuha ko kay Dhrew at sa pamilyang ito, sinabi niya din na alam niya ang nararamdaman kong inggit kay Dhrew... kung kaya, naungkat ang lahat nang tinatago kong inis, galit at inggit sa loob loob ko. Kaya ang nangyari ay napapayag niya ako sa plano niya at napasama ako dito.

Ngayon... nakikita ko na naman siyang masaya. May mga kaibigan siya na tinutulungan siyang maligtas, samantalang ako ay walang nagtaka. Ni isa ay wala. Noong pumunta ako ng school nila ay nakita kong naglalakad ang isang babae sa field ng school, doon dim kase ako nag aral dati kaya nakakapasok ako kahit hindi na ako estydyante. Namangha ako sa ganda niya, simple pero may dating at sobrang ganda laking tuwa ko ng makita itong isinama ni Dhrew sa bahay ng gagawa daw sila ng Presentation para sa isang subject, pero nawala ang tuwang iyon ng masilip kong naghalikan sila sa kuwarto at ilang araw lang ang lumipas ay dinadala na siya ni Dhrew sa bahay at ipinakilalang girlfriend niya na ito. Si Dartha. Sobrang selos ang naramdaman ko sa kaniya! Maging ang babaeng nauna kong makita ay naging kaniya! Lahat na lang kaniya!

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon