Chapter Twenty-Three

187 11 0
                                    

Winston's POV

Lumapit sa amin si Zach na hindi na nakatali. Hindi ko alam kung paano pero napakabilis ng pangyayari. Nakikita ko din ang pagkabigla sa mukha ni Zach kahit pa inaalis niya ang pagkakatali sa amin.

Nakikita ko pa ang pag iling iling niya dahil sa nahihirapan siyang alisin ang buhol. Sabi ko na e! Dapat nag Boy scout siya nung elementary! Ayaw niya pa kase e.

"Dude! Bilis naman ng kaunti." Naiinip na reklamo ko.

"Masyadong madaming buhol e!" Naiinis na sabi nito.

Nakita ko pang papalapit ang isang lalake at aakmang papaluin si Zach sa likod ng isang kahoy.

"WOOOYYY!!"

Pasigaw na sabi ko pero sinipa lang nitong katabi ko si Zach papuntang Gilid kung kaya naman hindi siya natamaan.

"Ayan ang sinasabi kong walang magagawa ang ingay." Mayabang na sabi ng katabi ko.

"Wow! Cool!" Di makapaniwalang sabi ko pa.

Hinarap ni Zach ang lalake na babatuhin pa sana siya pero nakailag ulit siya nahawakan niya ito sa balikat kung kaya inikot ni Zach iyon patalikod kaya nabitawan nito ang kahiy na hawak niya at doon siya sinipa ni Zach.

"Naks! Ang Galiiiing!!!" Tuwang tuwa namang sabi ng katabi ko.

Ha? Parang yon lang? Sa ganon natuwa na siya? Edi baka himatayin na siya pag nakita niyang mas magaling ako kay Zach sa labanan! Boy Scout kaya ako! Partida Leader pa!

Lumapit naman sila Dhrew at mukhang nakalagan na nito sila Skyler at ang babaeng naka salamin. Ang sabi ni Zach madaming buhol? Bakit nakalagan kaagad ni Dhrew sila Skyler? Tsk! Ayan! Ayan ang sinasabi kong dapat nag scouting si Zach, tignan mo si Dhrew marunong dahil Boy Scout e!

"Hey dude!" Masayang sabi ko sakanila.

"Hey... wait let me untie you." Medyo nababalisa nang sabi ni Dhrew, halatang nababagabag siya sa mga nangyayari.

"Easy lang men..." pampalubag loob ko.

Aaminin kong kahit ako ay kinakabahan at dinadaan lang sa daldal ang mga nangyayari. Itong mga gangster na kumidnapp kase sa amin ay hindi lang basta basta ang histura. Parang kayang kaya nilang pumatay kahit sa anong paraan nila gustuhin.

Maya maya lang ay naramdaman ko na ang pagkaluwag ng tali sa aking kamay pati na sa aking bewang, at ayan wala na kaming tali sa kahit anong parte ng katawan. Inistrectch ko pa ang aking kamay na ngalay sa pagkakatali. Itong babae naman na ito ay nagpagpag lang nang damit.

"MGA GUNGGONG!! PANO NAKAALIS SA TALI ANG MGA IYON!?" Galit na tanong ni Greg.

May iilan na napatingin sa amin at halos sabay sabay silang nagsilapit sa amin na may dala dalang kung ano ano sa kamay. At mas kinabahan ako ng may nakita akong kutsilyo na papalapit sa aking isaksak.

_____________________________________

Skyler's POV

"DUDE!!" Kabadong sigaw ko ng makitang sasaksakin si Winston.

Pero isang makapal na kahoy ang siyang tumama sa ulo ng lalake na siyang nagpabulagta sa kaniya. Tinignan ko ang pinanggalingan ng kahoy.

"Yeah! Calculations perfect!" Sabi ng babaeng kasama ni Dhrew na nakatali kanina.

"Her name is Dartha..." Sabi ni Lavander sa tabi ko. "Here! Use that as a protection." Sabi niya sabay about lang kahoy.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon