Zelesté's POV
Papunta na sana ako sa likod ng school ng may maramdaman akong pamilyar na presensya na nasunod sa akin.
"You can go! Someone's following me." Sabi ko sa earpiece ko.
Dahan dahan pa akong naglakad at tsaka siya nilingon. Tsk!
"Why are you following me kiddo?" Sabi ko nang makaharap ko na siya.
Halatang nagulat siya sa biglaang paglingon ko. "Why are here?" Takang tanong nito.
Oh! Not now kiddo. Wag kang mangulet ngayon please lang.
"Magpapahangin." Sagot ko.
"Ah... pero bakit di mo ako sinupot noong nakaraan?" Malungkot na tanong niya. "Ngayon na lang ulit kita nakita after those days... pinagtataguan mo ba ako?"
Pinagtataguan? Is He crazy? Pinagsasabi nito? Baka ba hinihintay mo ako kiddo? This past few days ay naging busy kami sa pag lalakap ng inpormasyon para sa aming subject and siguro sinasabi niyang pinagtataguan siya dahil kahit kami mismo ay palaging nagmamadali na sa pag uwi para sa meetings about the mission.
"At bakit kita pagtataguan?" Walang ganang sagot ko.
"Dahil di ka sumulpot sa lunch? Ang niyaya kita and sabi mo okay pero di ka sumulpot." Dinig ko pang sabi niya.
Medyo naawa naman ako sa batang ito ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya. Well, Oo nga sinabi kong okay but that doesn't mean na sasama ako.
"Ang sabi ko okay. Hindi ko sinabi mag hintay ka." Deretsang sabi ko.
Nauubos ang oras ko sayo bata! May misyon pa kami. Narinig kong may papuntang tao sa puwesto ko kung kaya naman ay hinila ko ang bata at isinandal sa puno tinakpan ko din ang bibig niya para hindi siya mag ingay.
"Shhh... be quiet." Bulong ko sakaniya.
Medyo magkasing tangkad lang kami kaya di ako nahirapan na patahimikin siya. Kita naman sa mukha niya ang pag aalala.
"Im going to have a lunch to you... Next week. Kausapin mo lang ng kausapin ang dalawang iyon." Utos ko sakaniya.
Mukhang nagtataka naman siya sa inutos ko sakaniya, ngumiti lang ako sakaniya. Naisama ko pa tuloy ikaw sa misyong ito.
"Napadami kase ang kain ko ng fishball kanina e. Ayaw nilang magpalabas at gusto ko na lang umuwi humihilab e." Deretso lang ang tingin ko sakaniya.
Mukhang naconvince naman siya at lumabas siya nakita ko pang nagulat ang dalawang bantay sa paglabas niya. Kinuha ko na ang oportunidad na iyon para pumunta nang gate at dali daling umukyat at tumakas.
Hindi ko akalain na maniniwala ang batang iyon sa stupid reasoning ko. Bata nga talaga, at dahil ayaw kong magsinungaling babawiin ko na lang iyon. Sa isang magic word lunch.
Nang marating na ang gate ay walang kahirap hirap kong inakyat iyon. Nang makalapag ako ay kitang kita kong walang kahit na sinong tao doon pati ang dalawang sasakyan ay malamang nakaalis na.
"Im out." Sabi ko pa sa earpiece ko.
"Oh my god! Akala ko naman ay mahuhuli ka pa don!" Parang nakahinga naman ng maluwag si Sniper sa narinig niya.
Pumunta na ako sa motor ko at pinaandar iyon papunta sa subdivision, hindi naman iyon nagtagal at nakarating na ako sa subdivision na ito. Walang kahirap hirap na nakapasok ako doon dahil kilala ko ang guard na sumaludo lang sakin.
Nang makarating ako sa Bahay ni Boss nakita ko namang suot na nang apat ang kani kanilang gown. At naglagay na sila nang mga contact lense.
Kinuha ko na ang gown na susuotin ko its a fitted black gown na may iilang sequence matching the color of the theme which is red. Pumasok na ako sa isang fitting room at hinubad ang suot ko at sinuot na ang gown. Mabilis lang naman ako kumilos e kaya madali lang sa akin ang ganito bukod sa sanay na ako sa ganito. Maski ang apat ganoon din.
Nang makalabas nakita ko pang namangha ang mga mata nila sa akin. At si Boss naman ay nakangiti lang nang malaki.
"Calibreze was really beautiful!!" Manghang mangha na sabi ni Archery.
Maganda din sila sa suot nila kaya wag na nila akong utuin.
Ibinigay sa akin ni Arch ang pair of contact lenses na kulay dark blue. Matapos kong patakan ng solution ang aking mata ay tinulangan niya akong ikabit iyon sa aking mga mata.
Matapos non ay umupo na ako sa tapat nang salamin at tinulungan niya akong ayusin ang aking mukha. Si Sniper naman ang siyang nag ayos ng aking buhok upang kulitin ito. Mabilis lang ang mga pagkilos at preparasyon namin dito. At dahil sanay naman na sila sa ganito ay mabilisan ay natapos din iyon agad.
Ipinasa na sa akin ni Katana ang maskara na isusuot ko itim ito at de tali para hindi maging istorbo sa gagawin namin.
"Magpapanggap kaming dalawa ni Sniper as a girls na bitbit ni Boss." Sabi ni Archery.
"Kayong tatlo ang siyang bahala sa pagpasok ninyo. Ang plano natin ay sundin, Dartha ikaw ang naka assign sa pakikipag usap sa Tatay ng client natin. Ikaw naman Katana ang siyang magiging lookout. At si Calibreze ang tyetyempo sa pagkuha ng kwintas. Ayon sa post ni Martina ngayon ngayon lang ay suot niya ang kwintas." Paliwanag ni Archery.
Gumamit kami ng itim na mamahaling sasakyan para dito. Ako ang magmamaneho ng isa at si Boss naman sa isa kung saan sakay niya sina Archery at Sniper. Bago makasakay ay binigyan muna kami ng pang proteksyon ni Boss.
Binigay niya nang kustilyo si Katana, at Darts naman si Dartha. At maliit na baril naman saming tatlo. Alam kong si Boss ay may gamit na din kaya hindi na ako dapat pa magtaka doon.
Isinabit ko ang baril sa aking legs may syempre doon sa legs na walang slit ko iyon itinago. Ganon din ang iba, malaki ang purpose ng slit na ito sa amin kaya ganito ang pangkaraniwang suot namin.
"Goodluck Girls." Sabi ni Boss at tsaka na pumasok sa sasakyan palabas ng secret basement niya.
Pumasok na din ang dalawa sa sasakyan ni Boss at ako namang pumasok sa drivers seat at pinaandar na ang sasakyan. Umupo si Dartha sa passengers seat samantalang si Katana naman ay tinitignan ang Footage ng CCTV na naka connect sa laptop.
"Well, tha party was started. May mangilan ngilan na akong nakikitang kilalang kabet and businessman. May iilang mafia na din." Pagsasalarawan ni Katana.
Nang makarating na kami sa lugar ay inihanda na namin ang sarili sa magiging misyon. Iniabot sa akin ni Dartha ang clone ng kwintas na ginawa nila ni Sniper. Inilagay ko iyon sa loob ng pouch ko. Nandidito na din ang extrang kutsilyo ko na nakatago sa suklay. Inayos ko naman ang earpiece na nakalagay sa aking tenga. Hindi namin pinark ang sasakyan sa parking space nang lugar maliban kila Boss. Dahil imbitado talaga siya sa party.
Lumabas na silang dalawa pinauna ko na muna sila at tsaka na din ako lumabas. This party will be really exciting. Naglakad na ako nang medyo mawala na sila sa paningin ko.
Narating ko na ang entrance ng party at umakto na parang isa sa mga guest. Hindi ko na pinansin ang mga guards na nagmamasid. At dere deretso nang pumasok sa loob. Humanap ako ng isang pwesto kung saan kitang kita ko ang lahat.
"And now!! Let us welcome the one of the Youngest Billionaire of the 21st century." Pakilala ng Emcee. "David Escalente!!" Masayang sabi ng Emcee.
Nakita ko pang naglakad ito papasok. Maraming nakikipagkamayan sakaniya, nakita ko pang lumapit din pati sila Boss at nakipag kamayan. Umaarteng babae naman sila ni Boss ang dalawa.
"The one in the Matte black mask... is the fathers client." Dinig ko pang sabi ni Katana sa earpiece.
Kakapasok lang nito at marami ding bumabati sa kaniya. Nakita ko namang kumilos na si Dartha palapit sa tatay ng klayente namin. And then ayon, nakakabit na ang kamay nito sa braso ng matanda. Good tactics!
Nakita ko pang tumingin sa akin si Dartha at sabay kumindat. Ngumiti lang ako sakaniya.
"I saw my target, Martina is the one with the red shining gown. Be ready for the show guys." Sabi ni Katana sa earpiece.
"We are ready!" Sabay sabay naming sabi.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...