Chapter Thirty

191 9 1
                                    

Zelesté's POV

Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil sa naging desiyon ni Dartha. Alam ko namang sasang ayon siya, pero andodoon pa din ang doubt at the same time dahil malamang maari siyang mag alangan dahil sa hindi din okay ang mga pag aalala ng mga taong nasa paligid niya. But I know Dartha, gusto niya din ang best para sa lahat.

Naramdaman kong nagising si Target na mukhang nagulat naman ng makita ako. Bumangon siyang agad at mabilis na pumunta sa pwesto ko at niyakap niya naman agad ako.

"Hey!! Zelesté! Bakit ngayon ka lang bumisita dito?" Malungkot namang sabi nito. "Hindi tuloy kita nakikita.." Sumimangot namang sabi niya.

"Hoy! Layuan mo nga si Zel! Bal naman e!" Naiinis na sabi ni Dartha.

Nakakatuwa silang tignan dahil sa ang ingay nila talaga pagmagkasama sila. Tumingin naman sa akin si Dartha na parang may gustong itanong.

"What?" Initiate ko na.

"Sino nga pala ang nagdala sakin dito?" Takang tanong ni Dartha.

"Ambulansya." Tipid na sagot ko.

Biglang namang humagalpak ng tawa itong si Target na parang mamatay na sa ginagawa niya. Anong nangyari dito? Tinignan ko naman si Dartha na nakasimangot lang.

"H-Hey! HAHHAHAH... She's r-right! HAHAHA... Your so smart Zelesté!" Putol putol na sabi ni Target dahil sa pagtawa.

"Bakit? Tama naman a? Kung hindi ako nagkakamali... Ambulansya ang nagdala sayo dito." Clueless na sagot ko pa.

Napahilamos naman si Dartha sa kaniyang mukha na parang nawalan na nang pasensya sa mga sinasabi ko at ito namang si Target ay parang siraulo pa ding tumatawa, nakita ko pang kinumbinse na ang sariling tumahan na sa pagtawa. Napa iling na lang ako sa ginawa nila.

"Well... Zelesté have never change!" Malaking ngiting sabi nito.

Napailing na lang ako sa sinabi ni Target. Ang isang ito ay talagang napaka kulit kaya pag nagsama sama pa siya at si Sniper ay napaka ingay na sobra. Minsan pa nga ay naiinis na ako dahil hindi pa din sila nanahimik kung hindi pa sila tutukan ng Baril e.

"Wait? Ngayon ka lang dumalaw?" Takang tanong ni Dartha.

Ang totoo niyan kagaya ng sinabi ko sakaniya ay dinadalaw ko siya pero palaging madaling araw o kaya naman bago ako pumasok kung kaya naman tulog ang nagiging bantay niya na madalas ay si Tita at Tito. Ayaw ko din kase nang maraming tanong pag nagkita kami, malamang ay ganon ang mangyayari a isa pa itong si Target masaydong maingay maraming tanong at malamang mamimilit na bumalik na lang sa Steinfeild lalo pa at ito ang nangyari pati na din ang tatlo, nagtataka ang mga yon kung bakit hindi ako dumadalaw magtatanong ng magtatanong ang mga iyon, ayaw ko ng maingay kung kaya naman ganoon. At bukod doon ay gusto kong mapag-isa na hindi naman nangyari dahil sa lalakeng iyon.

Napabaling ang mga tingin namin nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang mga lalakeng parang nabigla pa nang makita ako. At nagtama naman ang paningin naming dalawa malaking ngiti lang binigay niya sa akin. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niyang iyan ay naiilang ako. Iniiwas ko ang tingin ko sakanila at tsaka binalik ang tingin ko kay Dartha.

"Hi?? Wow! Nakakagulat naman kayo!" Nawiwindang na sabi ni Dartha.

Isa isa silang lumapit, may dalang flowers si Winston at isang basket ng prutas naman hawak ni Skyler. Apat lang silang nandidito at wala si Dhrew. Lumapit sila sabay inabot ang bulaklak kay Dartha kinuha naman ni Target ang dala nilang prutas.

"Thanks! Nag abala pa kayo..." Nag aalangan na sabi ni Dartha.

"We're here to visit you nabalitaan kase namin na nagising ka na daw, sabi ni Lavander." Nahihiyang sabi ni Skyler.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon