Roshane's POV
Mga tatlong buwan na din kaming nag aaral dito sa Newford's University. At yakang yaka namin ang pag aaral dito. Matapos nang misyon namin sa Diamond Necklace mga iilang simpleng trabaho lang ang ibinigay sa amin ni Boss. Gaya nang pagkuha nang documents nang isang kaso, at patunayan ang katotohanan doon. Madali lang isang iyon, patunayan daw namin na kasinungalingan lang ang ginawang pagnanakaw ng kaniyang Ama. Ayon! Laya na. Away politika lang iyon.
Speaking of away. Nakaharang nga pala sa aming dadaanan ang mga gangster dito sa labas ng school. Hindi namin alam kung bakit pero di pa kami nakakalayo ng sobra sa gate ay hinarang na nila kami.
"Tss... anong problema ng mga ito? Uwing uwi na ako e!" Inis na sabi Dartha.
May kumatok sa bintana ng sasakyan namin, by the way apat kaming andidito sa loob dahil tinatamad daw si Arch na mag drive kaya nakisabay. Ibinaba ni Kat ang bintana at tinutukan naman siya ng kutsilyo ng lalake sa leeg.
"Bumaba kayo diyan sa sasakyan! Kayong mga sakay kundi malalaslas ang leeg nito." Banta sa amin ng isang lalakeng may mga tattoo sa braso.
Nagulat kami pare pareho sa biglang pagtutok ng kustilyo ng lalake kay Kat. Bahagya niya pang sinilip ang loob ng sasakyan at binilang kung ilan kami ang nandidito.
"Excuse me? May problema ba dito?" Dinig naming may nagtanong.
Familiar ang bosss non, pero hindi ko iyon kilala. Nilingon ko kung sino iyon at hindi naman ako nahirapang makita ang taong iyon. Kaibigan siya ni Dhrew kung hindi ako nagkakamali.
"Wala naman pare... kinakausap lang namin itong driver na to. Muntik na kase kaming sagasaan e." Pagdadahilan ng kasama ng lalakeng may tattoo.
"Hmmm... Sorry pero hindi ko nakita na ganon ang nagyari sa pagkakaalam ko hinarang niyo sila. Nasa likod lang ako ng sasakyan nila e." Seryosong sabi nito.
"Patahimikin niyo nga yan!" Inis na sabi ng lalakeng nasa bintana.
Kitang kita ko ang pagsuntok ng kasama nito sa kaibigan ni Dhrew. Natumaba iyon at kitang kita ko ang pagkagulat ng mga kasama ko. Syempre pati ako!
Ano bang trip ng mga taong ito?
"Hey?!" Narinig pa naming isa pang sigaw ng mas pamilyar pang boses. Dhrew!
Lumabas ito sa sasakyan kasama ang tatlo pa nilang kaibigan, at yung isa doon ay yung lalakeng may hawak ng electric guitar noong Welcoming party.
"Anak ka nang!" Mukhang nauubos na pasensya nang sabi ng nandidito sa bintana.
May isinenyas siya sa kasama nito kung kaya naman isa isa silang pinaghahawakan sa sa kamay nilang nakalagay sa likod.
"Wag na kayong mangisali mga pre." Sabi ng isa sa mga nakahawak sa mga ito.
"BABA!!" Sigaw ng lalakeng nasa bintana mas inilapit pa niya ang kutsilyo sa leeg ni Katana.
Nagtinginan na kaming apat at napagpasiyahan na naming bumaba sa sasakyan baka tuluyan nito si Kat na walang palag e. Nang makababa sa sasakyan, Isang lalakeng may dala ng dos por dos ang pumasok sa passenger seat at may iniutos kay Kat.
"Taas niyo lang ang kamay niyo girls at ilagay niyo lang sa batok niyo!" Utos sa amin na sinunod naman namin. "Kayo din!" Utos din nila sa mga kasama ni Dhrew.
"Ikaw! Imaneho mo ang sasakyan na to at sumunod ka sa itim na sasakyan na yan!" Utos nang lalakeng kanina ay tinutukan si Kat ng kutsilyo. "Pag di ka sumunod! Hawak ko ang mga kaibigan mo." Pagbabanta pa nito sa lalake na may Varsity jacket na Blue.
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...