Chapter Twenty-Five

200 9 0
                                    

Dartha's POV

Kumakain na kami ngayon sa loob ng Canteen. Habang nilalantakan namin ang pagkain ay may nakiupo sa amin at si Walter iyon.

"Noona! Alam mo bang na kahapon si Kuya kinidnapp!?" Nag aalaang sabi ng Batang ito at umupo na at naglagay ng pagkain niya.

Ewan ko pero hinayaan na lang siya ni Zelesté na makiupo sa amin tuwing naglalunch kami. Tuesday ngayon kung kaya naman last subject na lang ang meron kami after nito. At araling panlipunan iyon. Patuloy lang sa pagkukwento si Walter habang tahimik na kumakain lang kami, ang hindi niya alam kami mismo ang target ng mga siraulong gangster na iyon.

Binuksan ko ang can coke at ininom iyon nang may biglang nakiupo sa amin. Anong ginagawa nang mga ito dito? Napansin kong napapatingin ang mga estudyante sa amin.

"Hey?" Bati ni Winston.

May mga dala silang mga pagkain, malaki ang ngiti ng dalawang ito si Skyler at Winston. Nakilala namin sila dahil syempre sa mga nababanggit na pangalan ng tropa nila pag nag uusap sila.

"Makikiupo sana kami." Deretsang tanong ni Trixon na nakatingin lang sa walang pakealam na si Zel.

"Hyung!!" Masayang bati naman ni Walter sa mga lalake.

"Walter! Anong ginagawa mo diyan?" Takang tanong ni Skyler sakaniya.

"Having a lunch! Come here seat!! Wag na kayong mahiya." Masayang alok nito.

Napatingin lang ako sa umupo sa tapat ko. Si Dhrew inirapan ko lang siya, naiinis pa din ako sakaniya dahil hindi maganda ang unang pagkikita naming dalawa.

"Walter kumusta ang klase?" Tanong ni Skyler habang sumusubo ng pagkain.

"Hmm... Boring... as always! How I wish na pwede na akong mag third year agad para classmate ko na agad sila Zelesté." Nangangarap na sabi nito.

Tinignan ko ang buuan ng pwesto namin. Malaking lamesa ito kaya nagkasya kami, Nasa magkabilang dulo si Zel at Trixon kaharap ko si Dhrew na katabi si Zach na katapat si Arch na katabi ko naman, si Magkatabi si Sniper at Kat, na katapat naman din si Winston at Skyler. At si Walter naman ay nasa kabilang side ko naman malapit siya kay Zel, mabuti na lang at hindi napupuno sakaniya si Zel na mukha namang walang pakealam.

"Kumusta sa Police station?" Tanong ni Kat.

"HAHAHA... Alam mo bang nag mukha pa kaming mga siraulo at baliw sa mga police na iyon?" Sarkastikong sabi ni Winston.

"Ha? Bakit?" Takang tanong ni Kat.

"E! Hindi sila naniniwalang babae ang mga nakataob sa mga gangster na yon e. Notorious na pala yung leader nilang iyon, tapos isang babae lang ang nagpatulog..." Iiling iling na sabi pa ni Skyler.

Napatingin naman ako kay Zel na nakangisi lang, malamang tuwang tuwa siya sa naririnig niya dahil maski police ay napapamangha niya.

"Hyung? Nasabi na ba sainyo ang gaganaping Newford's Festa?" Tanong ni Walter sabay subo ng pagkain.

Anong Newford's Festa? Ano yon? Meron palang ganon!?

"Ano yon?" Takang tanon Arch.

"Newford's Fieshta ish an Anniveshary dey..." Sabi nito habang puno ang bibig ng pagkain.

"Kiddo! Don't speak while your mouth is full." Seryosong sabi ni Zelesté.

Isa pa to! Nung mga nakaraang araw, si Zelesté ay nagiging mabait na sa batang ito. Hindi naman sobrang bait, pero hindi siya naiinis kapag nasa paligid ito.

"Mianhe.." Paghingi ng tawad ni Walter at tsaka uminom ng tubig at nagsalita ulit.

"Newford's Fiesta is just like a Fiesta inside of this school. Sinecelebrate nila ang araw na iyon dahil sa ito ang araw na unang nagbukas ang paaralan. Parang Anniversary pero mas pinili nilang maging Newford's Fiesta ang tawag para daw masaya pakinggan. Masaya iyon! Dahil puro lang saya ang mangyayari! Walang class, walang assignments... It is just a day full of fun! Whole day iyon. May mga palaro, like mga simpleng game. Depende sa ibibigay ng school na lalaruin! I think you as a  transferee students should come! Masaya promise!!" Parang naeexcite na sabi pa nito.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon