Chapter Forty-Three

164 7 0
                                    

Zelesté's POV

Hinatid ko si Trixon sa bahay nila at hindi maialis sa mga labi ko ang ngiti. Ang isang yon! Akalain mong kasing kulit din pala ng kapatid niya?

Flashback.

Inihinto niya ang motor sa tapat ng bahay nila bumaba na ako ng motor at tinanggal ang helmet sa kabilang kamay ko naman ay hawak hawak ko ang bear na napanalunan ko kanina. Bumaba na din si Trixon matapos maiayos ang motor hunarap siya akin at tinanggal naman ang helmet sa kaniyang ulo. Medyo nagulo ang buhok niya sa ginawang pag alis ng helmet kaya naman inayos ko iyon.

Nakatitig lang siya habang inaayos ko naman ang buhok niya, nang biglang dinampian niya ako ng isang mabilis na halik. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon kung kaya binatukan ko siya.

"Sumusobra kana! Kapag ikaw naadik diyan!" Mapang asar na sabi ko.

"Babe! E adik na nga ata talaga ako e..." nakangusong sabi niya pa.

Nakakatuwa ang pag aakto niya nang ganyan, iyan pala talaga siya... parang bata ang cute.

"Pumasok ka na... aalis na din ako e." Sabi ko pa.

"Dito ka na lang matulog! Anong oras na din e..." Pilit niya pang sabi.

Kanina niya pa ako pinipilit na matulog sakanila pero tinatanggihan ko lang siya dahil sa tingin ko ay hindi magandang tignan iyon.

"Hindi na! May apartment ako kaya wag kang magaalala." Sabi ko pa.

"Kita mo? Apartment? May kasama ka ba don? Babae o lalake?" Makulit na pagtatanong nito.

Ngumisi lang ako bago sumagot. " Wala pa akong kasama don kaya pwede ba? Hindi din naman ako mapapahamak e." Mayabang na sabi ko pa.

Sumimangot lang siya, kumamot siya nang ulo bago tumingin sakin.

"I really had a great night... I love you." Malambing na sabi nito.

End of the Flashback.

Nakangiti akong bumaba sa motor ko ipinarada ko na ito sa labas pero nawala ang ngiti ko nang makitang bukas ang ilaw ng loob ng apartment. Hindi kaya may bago na akong kasama?

Kinuha ko ang susi sa motor ko at dere deretsong pumasok sa loob, hanggang sa may narinig akong pamilyar na mga boses na nag uusap sa may sala. Anong ginagawa nila dito?

"Tsk! Tsk! Ginamit niyo na naman iyang kakayahan ninyo para mabuksan itong pintuan?"

Nakita ko pang nagulat sila sa biglaang tanong ko. Nang makabalik na sila sa reyalidad ay nag usap usap ulit sila. Anong meron sa mga ito?

"Hindi kooo alam! Peroooo!!!! Eeeeeeh... kinikilig pa din ako e!" Parang uod namang nangingisay sa kilig itong si Sniper.

"Okay! Okay ako din may ikukwento." Sabi naman ni Archery.

Naupo ako sa isang bakanteng single sofa at inilapag ang helmet sa tabi ko. Isinandal ko ang aking ulo sa dagaanan at dahang dahang ipinikit ang mata.

"May boyfriend na ako!" Masayang sabi ni Archery.

Maski ako ay nagulat nang dahil sa sinabi niya, napaayos naman ulit ako ng upo at biglang nag mulat ng mata. May boyfriend na din siya? Teka? Hindi kaya?!

"Teka?! Umamin nga kayo! Anong meron ngayon sa inyo?" Deretsang tanong ko.

"Ikaw? Sniper? Bakit kinikilig ka?" Baling ko dito.

"Ahmm eer! Kase si Winston e! Umamin sa akin na may gusto daw siya sakin! Sabi ko pa nga ay hindi kami pwedeng kami agad aba! Syempre ligaw muna." Kinikilig na sabi niya pa.

Ha? Oo nga no?! Tsk! Lintek nang nakalimutan kong maisa isip ang ligaw!
Pero teka? Si Winston ang naging kasama ni Sniper... at umamin sakaniya ito... nakakapagtaka naman.

Tinignan ko naman si Katana, at mukhang may kung ano ding hangin ang pumasok sa ulo niya.

"Ikaw? Katana? Anong meron sayo?!" Tanong ko dito.

"E... kase nagkakamabutihan na kami ni Skyler, He said he likes me too." Natutuwang sabi niya.

Hindi e! May mali talaga!

"Anoo?! Ibig sabihin umamin din sila sainyo? At boyfriend mo na si Zach? Ganon ba Archery?" Tanong ko kay Archery na mukhang naguguluhan.

"K-Kase... Boyfriend ko na din si Trixon e..." Naguguluhang sabi ko naman dito.

"AYYYYIIIIEEEEE OH MY GOOOD FOR THE FIRS TIME!!" Maingay na sabi ni Sniper.

"Oh mii! Wow! Congrats.." Masayang bati nila sa akin.

Oo first boyfriend ko nga si Trixon, pero hindi nila nakukuha ang punto e!

"Hindi niyo ba nakukuha? Teka! Mali ang iniisip niyo!"pagtutol ko sa saya nila, "Di niyo ba napansin na bakit naman parang sabay sabay?! Ano yon pare parehas na araw silang nagconfess? There are something wring with this!" Paghihinala ko.

Mukhang nakuha naman nila ang pinupunto ko kaya parang nawalan naman sila nang gana bigla. At doon sila nag umpisa mapaisip din, at biglang nalungkot.

"But! Zach didn't confess to me." Biglang singit ni Dartha.

Napatingin kaming lahat sakaniya, mukhang nalungkot naman siya nang marealize ang mga bagay na pinag uusapan namin.

"Really? Pero di ba nakakapagtaka kung bakit sabay sabay silang nagconfess?" Takang sabi din ni Archery.

"Haaayss! Oh mg god! Sana it's just a coincidence lang talaga." Nag aalangan naman si Katana.

Sana nga e. Sana talaga nagkasabay lang nang biglaan at walang pagpaplanong naganap dito dahil naiisip ko pa lang ay nalulungkot na ako. Nasasaktan.

Tinignan ko naman si Dartha na nakatulala lang... mukhang may iniisip na malalim. Mukhang may nangyari ata.

Binalik ko ang tingin sa lahat, dahil kahit mukhang sila ay napaisip din sa mga bagay bagay na ito. Akala ko pa naman ay may tuwa akong mararamdaman sa pagtulog pero hindi pala.

_____________________________________

Dhrew's POV

"Pre! Malamang hindi ako makapaniwala e!" Masayang sabi naman ni Skyler.

Ako naman ay inaayos ko ang mic kung ayos na ba ito. May tugtog kase kami ngayong sabado dito sa Tarima kung kaya nagrerehearse kami ngayong hapon bago tuluyang tumugtog pagbukas nito mamayang alas syete.

Wala ako sa sariling inaayos ang mikropono habang nakikinig sa mga kasama kong tuwang tuwa sa mga nangyari sakanila kahapon dahil doon sa Newford's Fiesta. Nabalitaan ko na lang na si Zach at si Golden na pala nakakagulat dahil masyadong mabilis pero ang tanging paliwanag lang niya sa amin.

Flashback.

"HA?! KAYO NA?!" Sabay na sigaw nila Winston at Skyler.

Tahimik lang ako sa isang tabi habang sumisimsim nang kape sa hapon na ito, kakarating lang namin dito sa Tarima at sarado pa ang Bar pero mag rerehearse din kase kami.

"Mga dude! Nagsabi naman ako e. I will be her man that day... and I will court her forever. Hindi na kailangan pa nang ligaw bago sagutin! Para sa akin kase, Sagutin mo ako araw araw kitang liligawan." Nakangiting pagkukuwento ni Zach.

End of the Flashback.

Napailing na lang ako dahil sa bilis ng mga nangyari... parang kagabi lang e. Tapos ngayon naiiwanan na pala ako. Este! Hindi ko kase sigurado itong si Trixon pero sa hitsura nito mukhang good mood siya ngayon. Ngumingiti na lang bigla bigla kaya paniguradong may maganda ding nangyari sa isang ito.

"Sabi nga pala nila... pupunta sila para manood." Masayang sabi ni Skyler.

Nabigla naman ako dahil sa sinabi ni Skyler... Mukhang gaganahan na naman ang mga itong tumugtog ah. Tsk! Pupunta kaya siya? O baka kasama niya yung boyfriend niya?

Naalala ko na naman ang boyfriend niya. Maayos naman sana kaming magkasama ni Dartha sa clinic pero sa tuwing sasagi talaga sa isip ko ang boyfriend niya, di ko maiwasang mainis.

"Tara na! Start na tayo." Seryosong sabi ko.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon