Zelesté's POV
"Makiki-inom lang muna ako." Pagpapa alam ko sa dalawa na silang walang humpay ang paglalambingan.
Andidito kami ngayon sa bahay nila Dhrew dahil bukas na ang Report namin sa world literature namin. Nasa second floor ang study room nila kung kaya kailangan ko pang bumaba para lang makainom. Nasa hagdanan na ako ng may narinig akong boses.
"Oo! Easihan niyo lang. Wala kayong dapat problemahin sa pera! Oo andidito ako sa bahay nila... Oo, sabihan mo siyang maibibigay ko ang pera ng pamilyang ito sa lalong madaling panahon... Oo... Sige! Basta ang mga pagdidisstribute ng droga ay ayusin ninyo. Magbabalita ako sa Empire company ng mga records... Sige."
Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga bagay bagay na narinig ko. Sino ang taong ito? Pano niya nakilala ang Empire company? Anong konekyon niya sa mga taong iyon?
Nauuhaw na ako at tatlong hakbang na lang at makakababa na ako. Letse! Nabigla ako nang may isang lalake ang sumalubong sa akin. At ang tanging alas ko lang ay umaktong walang narinig o kahit ano man.
Tinignan ko ang histura ng lalakeng sumalubong sa akin at mukhang nagulat siya nang makita ako. Mukhang hindi niya inaasahan na may taong nandidito sa malapit sakaniya.
"A-Ah Hey I'm Sorry..." Pilit na sabi nito.
A-Ah Hey I'm Sorry...
A-Ah Hey I'm Sorry...
Hindi ko alam pero parang pamilyar ang boses niya sa akin, parang narinig ko sa kung saan.
"What are you doing here? Lady?" Takang tanong nito.
Sa nakikita ko mukha na siyang nasa middle 40's pero kitang kita pa din ang kakisigan niya sa katawan, hindi sila nagkakalayo ni Boss ng edad pero mas mukha lang siyang matanda kay Boss baby face kase ang isang iyon. At sa malamang iniisip na nito na baka ay may kung ano akong narinig sa pag uusap nila ng kausap niya sa telepono. Pero hindi naman siya nagkakamali doon, at hindi lang ito basta narinig. May nalaman din ako.
"Ahm... Sorry for scaring you sir." Tanging sabi ko.
"Ah... kanina ka pa ba dito? Ija?"
Mukhang gusto niyang mahuli ako base sa mga tanong niya. Ang hindi niya alam ako ang mismong may nahuhuli na sakaniya.
Umiling ako bilang sagot. "Kababa ko pa lang. May problema po ba?"
Mukha naman siyang nakampante na sa sinagot ko. Nag maang maangan ako sa simpleng tanong niya at mukhang nakumbinse ko naman siya.
"Ah sige mauna na ako ija... teka? Saan nga ba ang iyong sadya?" Takang tanong nito.
"Iinom po ng tubig." Simpleng sagot ko.
Tumango ito na parang sumang ayon at tsaka ngumiti. "Liko ka lang diyan sa kanan at nandoon ang kusina." Turo pa nito.
Nagpasalamat ako sakaniya bilang tugon naramdaman ko naman ang pag akyat niya kasabay ng pagtalikod ko at pumunta na ako ng kusina. Gaya ng itinuro niya ay doon nga ang papuntang kusina, kumuha ako ng baso at kumuha sa water dispenser nila. Iniinom ko iyon kasabay ng pag iisip kung paano niya nakilala ang Empire company, ang isa sa mga kilalang pagawaan ng iligal na transakyon mapa gamit man o droga.
_____________________________________
Dartha's POV
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...