Dartha's POV
Paglabas namin nang sasakyan ay kaniya kaniya na kaming nagsisipaglabasan. Hindi dinala ni Zel ang motor niya kaya lima kaming nasa sasakyan ni Arch.
Kaniya kaniyang ayos ang mga neneng kanina, syempre maliban lang kay Zel e hindi naman kase neneng yan e! Binatilyo ang isang to! Pano! Siya lang ata ang hindi naka dress or skirt sa amin, Hindi daw siya sanay. Well... hindi ko naman siya masisisi na sa ganyan siya komportable.
Isinarado ko ang pintuan nang sasakyan, at sumunod na sakanila maglakad. As usual, madami pa din ang napapatingin sa aming pagpasok. Alas syete pa lang pero halos mapuno na ang Bar sa dami ng tao, nasabi nga ni Kat na sikat ang banda nila Dhrew dito sa Tarima.
Pagkapasok na pagkapasok ay sinalubong kaagad kami ng bouncer, Oo nga pala! Underage pa si Kat at Ako! Seventeen pa lang kase kami at Bar nga pala ito. Nagkatinginan kami ni Kat na para bang nag iisip ng gagawin.
"Kasama ko yan! Rocky boy!" Maangas lang na sabi ni Zel.
Nginitian lang siya ng bouncer at ayan! Nakapasok kami ng walang kahirap hirap. Hindi na nakakapagtaka na si Arch ang siyang may pinaka madaming lalake ang namimilipit ang mga leeg sa suot pa lang nito ay talagang mamangha kana e. Red fitted skirt and Tube na croptop kahit ako ay sobrang namamangha sakaniya.
Napailing na lang ako sa ilang bumabati ng mga "Hello miss!", "Hey? Your new here?", "Sayaw tayo mamaya ah?". Nakakarindi man ay hindi ko na lang sila pinagpapapansin. I am so wonder how Arch manage those kind of things!
"Hey!! Ay, may bago ah? Ang gaganda nang dala mo ngayon!!" Isang lalake ang sumalubong sa amin.
"May underage sa dalawa diyan. Jeff, huminahon ka lahat yan hindi na available." Seryosong sabi ni Zel.
Nakita ko pa ang nakakalokong ngiti ng lalake na Jeff ata ang itinawag ni Zel. Tinignan kami ni Jeff isa isa at lahat kami ay ngumiti lang din sakaniya, mukhang okay naman siya.
At tsaka! Anong sinasabi ni Zel na lahat kami ay hindi na available? Heeey! So sino ang sa akin?
"May I know this gorgeous lady?" Nakangiting tanong nito pero sinamaan lang siya ng tingin ni Zel. "Ow! Easy... wag kang mag alala, sayo lang ako." Sabi nito nang nakakaloko.
"Hi! I'm Golden! As precious as my name." Pakilala ni Arch at nagkamayan naman silang dalawa.
"Roshane..." Nakangiting pakilala ni Sniper.
"Lavander!" Sabi ni Kat.
"Dartha, nice to meet you!" Sabi ko naman nang bumaling ito sa akin.
"Wow! Ang gaganda niyo ladies... I am Jeffrey Anderson. Ako ang may ari ng Tarima." Masayang pakilala nito.
Wow! Pano sila nagkakilala ni Zel! Grabe! Jackpot pa lang maging kaibigan ito. Isang businesses man in the young age!
Iginaya niya kami sa aming uupuan, nakipag usap lang siya sa amin panandalian at tsaka umalis dahil daw mag aasikaso na ng bar. Mas lalong dumadami ang mga tao dito. Halos mapuno na ang lahat ng tables. Naka bilog ang upuan namin at kitang kita namin ang stage. Magandang spot ito habang manonood kami ng banda nila Dhrew.
Maya maya lang ay nagsipalakpakan ang mga tao, nasa stage na ang grupo nila doon nagtama ang paningin namin ni Dhrew, ito na naman ang pagtibok ng puso ko... Grabe!
"Hello Tarima!! We are so glad to be with here again!!" Panimulang bati ni Dhrew sa Mic. "I guess! Wala nang mahaba pang intro? Let's start this guys!"
At doon na nag umpisa ang tugtog.
Playing: Creep by Radiohead.
When you were here before,
Couldn't look you in the eye,
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...