Chapter Twenty-Four

198 11 0
                                    

Trixon's POV

Nakatayo pa kami ngayon habang nasa labas ang tingin naming lahat. Nakakasilaw na Ilaw ang siyang tanging naaninag namin sa labas dahil madilim na doon. Maybe that's her.

Nawala ang ilaw ng motor pati ang tunog ng makina nito, yabag lang napapasok ang naririnig namin. Hanggang sa isang bulto ng katawan ang siyang lumabas mula sa madilim na parteng iyon. Zelesté...

Nakalugay ang buhok niya at nakasuot lang nang itim na leather jacket na nakabukas ang zipper hindi na siya nakauniform kundi suot niya ang itim na ripped jean at rubber shoes.

Ayan na yon? Wala man lang siyang dalang kahit na ano? O kahit man lang tumawag ng pulis ay hindi niya ginawa? Anong gagawin niya dito? Dadagdag sa mga hostage?

Hindi ko alam pero kahit pa na naiinis ako sa pagdating niya na walang ni isang dala ay pakiramdam ko ligtas na kami.

"Yung mga babae! Ginagalang hindi tinututukan ng baril." Matapang na sabi nito.

Derederetso siyang lumalakad papasok ng lote. Wala ni isang binalak ang lumapit sa kaniya na para bang napako sa pagkakatayo nila.

"It's just disrespectful..." Walang ganang sabi nito.

Tinutok sakaniya ni Greg ang baril na halata din ang gulat sa ginawa ni Zelesté.

"Alam mo ba ang ginawa mo ay parang suicidal thought..." Nakangising sabi niya.

"You are pointing a Gun, in a Canyon."

Gamit ang kaniyang paa ay sinipa niya pataas ang Dos por dos na malapit sakaniya at sinaulo iyon, nang walang anu ano'y hinagis iyon ng derekta sa leader ng Gang na nasa likuran lang ni Greg. Kitang kita ko ang dereksyon ng dos por dos malapit lang iyon sa mukha ni Greg ngunit parang sinadyang ipadaplis iyon sa kaniyang mukha bago ipatama sa ulo mismo ng Leader ng Gang.

Mabilis lang ang nangyari, pero kitang kita ko. Hindi ako napakurap at nanlaki mismo ang mga mata ko sa nakita ko. Napalingon kaming lahat sa biglang pagkatumba ng leader ng Gang. Lumingon si Greg sa likuran niya at tinignan ang Leader na iyon.

"Balita ko naclinic ka daw matapos matamaan ng bola?" Sarkastikong tanong ni Zelesté.

Na nasa harap na ni Greg, pagkaharap na pagkaharap ni Greg ay pagtama agad ng kamao ang sumalubong sakaniyang panga. Napaupo siya dahil sa biglaang pagsuntok sakaniya at dahil doon nabitawan niya ang Baril. Tulog ang leader ng Gangster at si Greg ay nahinilo sa pagkakasapak sakaniya ni Zelesté.

"Alam mo bang pinaka ayaw ko sa lahat?" Tanong ni Zelesté.

Lumakad siya sa pwesto ng mga kaibigan niya. Si Golden ay may hawak ng bote ng alak, iyon ang mga alak na ininom ng mga gangster kanina. Habang hawak naman ni Dartha at Roshane ang isang case na may laman na boteng wala nang laman.

Inabot ni Golden ang bote ng alak kay Zelesté, iwinawasiwas niya iyon na parang maghahagis lang ng bola ng baseball, hangang sa hinagis niya ang bote sa pwesto ko. Sa isang iglap naramdaman ko ang hangin na dulot ng bote na inihagis ni Zelesté.
Hanggang sa narinig ko ang pagkabasag ng bote na iyon kasabay ng pagbagsak ng lalakeng nasa likuran ko. Nilingon ng lahat ang lalake kitang kita ko ang pagdugo ng gilid ng noo nito.

Ibinalik ko ang paningin kay Zelesté na mukhang nag eenjoy lang. Inabutan ulit siya ni Golden ng isang bote galing sa case na hawak ng dalawa.

Iwinasiwas niya iyon at hinagis naman sa iyon sa pwesto ni Greg na hawak na ang Dos por dos. Nabasag sa ulo na ang bote at gaya ng nangyari sa nagbabantay sa likod ko ay bumulagta din ito at nawalan ng Malay.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon