Chapter Fifty-Two

162 8 0
                                    

Lavander's POV

Kakarating lang namin sa tapat ng bahay ni Boss at alas dos na nang hapon, andidito kase ang mga lalake ngayon na nag tetrain kay Boss. Ilang linggo na din nila ito ginagawa at malaki ang nagiging improvement nito sa katawan nila maging sa kapasidad ng kanilang diskarte.

"Hi Boss!" Bati nila Arch at Sniper.

Napatingin naman sila sa amin habang nasa loob ng Ring. Mukhang may kaniya kaniya silang sparing ngayon, tinignan ko si Skyler na kaharap si Winston. Kinawayan ko siya at ngumiti ako sakaniya ng malaki ngumiti naman siya at mukhang umaliwalas ang mukha niya galing sa kaninag pagiging seryoso.

Napansin kong si Zach at Trixon ang magkatapat samantalang si Boss at si Dhrew naman ang magkasparing, at mukhang sineseryoso nga nila ang mga pagtuturo sakanila ni Boss.

"Saglit lang muna kayo girls." Pabirong sabi ni Boss.

"Haaay! Okaaaay!" Pilit na sagot naman ni Arch.

Natatawa namang bumalik sila sa pagtetraining, naupo lang ako sa isang bench na malapit sa Ring at pinapanood lang sila. Napansin kong bumibilis ang pagkilos nila at nag iimprove ang laki ng katawan nila. Tintignan ko si Skyler na deretso at seryoso lang ang tingin kay Winston na sinasapak naman siya pero naiilagan niya lang at kahit na sabihing saktuhan ang laki ng Ring ay nagagawa nilang hindi istorbohin ang pwesto ng isa't isa. Maya maya lang ay tumunog ang alarm na hudyat ng tapos na ang oras.

Nakangiti silang nag pasalamat kay Boss bago tuluyang magsialisan. At ito na nga si Skyler na papunta sa akin naka topless siya gaya ng apat na kaibigan niya at pawisan siya pero hindi ko maalis ang tingin ko sa katawan niyang lumalaki na. Nakakamangha. Naramdaman ko ang paglakas ng kabog ng dibdib ko nang tuluyan na siyang makalapit.

"Hey My lav." Nakangiting sabi nito at hinalikan ako sa noo.

Natutuwa ako sa pag iimprove niya sa personality niya ng magtapat siya sa akin. Akalain mo nga namang hindi na nahilig sa ibang babae bukod sa akin. Nakakatuwang improvement hindi ba.

"Are you okay?" Nag aalang tanong nito sa akin na gumising sa pag iisip ko ng kung ano ano.

"A-Ahm Y-Yeah!" Naiilang na sabi ko.

Humanap ako ng Towel at ipinunas iyon sa katawan niya. Grabe talaga ang paglaki ng katawan nila. Alagang Boss!

"Ladies and Gentlemen tutal kompleto naman kayo ngayon at ayaw kong masayang ang bawat panahon. Girls... I want you to teach the boys how to play your special talents." Nakangiting sabi ni Boss.

Nabigla kaming lahat sa sinabi ni Boss. Tumingin si Skyler sa akin nang nagtataka.

"Anong special talents?" Takang tanong nito.

Nilingon ko siya at tinignan ng seryoso. "Our abilities... na nakadikit sa bawat pangalan namin." Sabi ko sakaniya.

Alam niya na ang bawat name namin inexplain ko na iyon sakaniya dati. At mukhang alam niya nang Katana ang ituturo ko sakaniya. Pero? Hindi madaling mag aral nito.

Tumingin ako kay Zel na mukhang seryoso lang sa pag iisip. Tumayo siya at tumingin kay Boss at nilapitan ito at mukhang may ibinulong na importante at napatungo si Boss.

"Oh siya! Tama nga naman si Calibreze. Sige! Ituturo na lang nila ang isa sa pinaka madaling hawakan pagdating sa pakikipaglaban... Mga Baril." Sabi ni Boss at umakyat na sa kwarto nito.

Marunong kaming lahat magkakaibigan humawak ng baril pero ang katangi tangiang may magaling na abilidad sa paghawak nito ay si Zel kahit anong klaseng baril ay kaya niyang gamitin. Si Sniper naman ay magaling umasinta gamit ang Sniper kaya siya ang laging nasa malayo ang pwesto sa amin.

"Pumunta tayo sa kwarto kung nasaan nababagay ang pagsanay nito." Sabi ni Zel.

Sumunod kami sa pinasukan ni Zel na kwarto at ito nga ang madalas niyang puntahan dito. Maya maya lang ay napaupo kami sa bench dito sa kwarto. Nagturo din si Zel patungkol sa mga nalalaman nito sa mga baril maging si Sniper ay nagsasalita din matapos nito ay itinuro niya ang proper na paghawak ng baril, mga tamang gawin at dapat iwasang gawin. Marunong na kami mag hawak ng baril lahat, pero mas kompotable kami pag tugma sa abilidad namin ang hawak naming sandata.

*BAAAANG*

Bumaril si Zel ng isang stand ng tao sa kabilang dulo at tumama iyon sakto sa ulo ng stand.

"Kayo naman." Sabi ni Zel.

Nagkanya kaniyang pwesto na ang mga lalake at kumuha na ng mga baril at naglagay ng headphone sa mga tenga nila. Bumaril lang sila ng bumaril hanggang sa tinigil nila iyon. Tinanggal nila ang headphone at tumingin kay Zel.

"Hmmm... not bad." Sabi nito.

Tinignan ko ang mga standee at lahat naman sila ay natamaan iyon sa iba't ibang parte ng katawan. Nakakatuwa dahil may mga alam sila dito.

Ilang minuto na pagpapractice ay madali lang silang natututo. Hindi mahirap ang pagshoshooting as long as nakafocus ka sa ginagawa mo, actually hindi lang sa shooting kundi sa kahit na anong bagay.

Natapos na sila sa pagpapractice nang isa isa na silang lumapit sa amin. Kaharap ko na ulit si Skyler na nakangiti.

"Kumusta yung shooting ko?" Nakangiting tanong nito.

"Magaling!" Masayang sagot ko.

Hinila ko siya papunta sa isang room. Ang room kung saan ako belong. Ang Fencing room. Nagulat pa siya ng bigla ko siyang dalhin dito, hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya.

"Turuan kita." Sabi ko pa.

Nakita ko ang pagkamangha niya ng sabihin ko ito. Itinuro ko ang bawat nalalaman ko sa Fencing mula sa rules, proper etiquette at Right things to do. Pinasuot ko sakaniya ang protected gear at inabot ang Stick, sa stick ko muna siya tuturuan hanggang sa matuto siya.

"Let's go." Sabi ko pa.

Umikot ikot kaming dalawa, nakakatuwa dahil madaling matuto si Skyler ng mga ganitong bagay. At kapag natutunan niya ito ay ipapapahawak ko sakaniya ang aking katana.

"YEEEESS!!" Masayang sabi nito nang matamaan ako sa aking balikat.

Tinanggal ko ang nakalagay sa aking ulo at ngumiting tinignan siya, nanalo siya. Gaya ng ginawa ko ay tinanggal niya din ang kanya at lumapit sa akin at yumakap.

"Wow! You're great! Sky..." Masayang sabi ko sakaniya.

"Really? Waaaahhh!! Ganon talaga! Magaling ang coach ko e." Nakangiting sabi niya.

Tinignan ko ang kabuuan ng mukha niya nang bigla niya akong hinalikan ng mababaw na halik. Ito na naman ako sa paglakas ng kabog ng dibdib ko, siya lang ang nakakagawa nito sa akin. Ang kaninang mababaw na halik ay lumalalim na nang lumalalim. Pero hindi din nagtagal ay si Skyler na din ang nagkusang lumayo.

"Wooooh! Makakagawa pa tayo ng milagro dito sa bahay ni Boss e!" Nahihiyang sabi niya.

Ngumiti lang ako sakaniya at hinila ko naman siya sa isang lalagyanan ng Katana. Nakita ko pang medyo naguluhan siya sa ginagawa ko. Kinuha ko ang lalagyanan ng katana, nasa loob nito ang Katana na ibinigay sa akin ni Lolo na siyng napagmanahan ko ng kakayahan ko sa pakikipag espada.

Hinatak ko ang dulong bahagi, tumunog ang kalansing ng katana at ng tuluyan ko na itong mahugot sa lalagyanan ay tumambad ang isang makintab na talim ng Katana.

"Wow! Ang ganda!" Namamanghang sabi ni Skyler.

"Binigay sa akin ni Lolo noong bata pa ako, actually he is the one who taught me how to use this. And this is the only thing that my Lolo reminds me of him." Masayang sabi ko pa sakaniya.

"Your lolo was so cool." Namamanghang sabi pa nito.

"Actually he is. And of course Boss is the one who teach me Fencing, medyo nadalian na nga lang ako dahil may experience na ako on how to play it."

Nakatingin ako sa Talim nang katana habang sinasabi iyon at napatingin naman ako kay Skyler na siyang saktong napatingin din sakin

"Ang I want to teach you how to use my  Katana too."

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon