Chapter Nine

241 14 1
                                    

Roshane's POV

At dahil tuesday ngayon at ito ang aming second day dito sa Newford's University at PE Time namin kung kaya nakasuot muna kami ng pang PE na iba sa PE uniform ng mga kaklase namin.

Ang suot suot ko ay simpleng Red shirt at ang short namin dati na pula din ang magkabilang gilid. Ito yung short namin sa Volleyball team sa nakaraang school namin.

Si Kat suot din ang short na kagaya ng sa akin at naka tamang white shirt lang siya, Si Dartha suot ang jersey niya sa Dart team nila pero ipinares niya ang short ng volleyball team namin at itong si Arch naman ay suot ang hapit sa katawan niyang jersey noong nag muse siya sa basketball team noong grade eight kami suot niya din ang kapares nitong short. Samantalang ito si Zel ay naka pants na three white stripes at tshirt na plain na white lang ang suot. This girl doesn't like shorts that's why.

Malamang maiirita itong suotin ang short ng PE uniform ng school na ito pag naibigay na ang mga uniform namin. At base sa nakikita ko. Blue ang PE nila dito parang jersey ng pang volleyball player ang desinyo sa babae at short na pares din ng kulay sa pang itaas, samantalang sa mga lalake naman ay pang basketball jersey ang desinyo at short din na below the knee. I think pang sporty talaga ang PE nila dito! Hindi nila trip ang pants.

Nang marating na namin ang Gymnasium ng school ay mapapanganga ka na lang sa ganda! Parang MOA ARENAAAA! Ang ganda! At talagang malinis infairness!

May mangilan ngilan ding ibang estudyante ang nandidito. Wala pa ang PE teacher namin dahil may ipapaayos lang daw sandali.

Ngayon puro kami kami lang ang nandidito sa loob ng gym at walang ni isang teacher ang nasa loob ng gym.

"Hey! This is the b*tch..." Maarteng sabi ng babaeng mukhang cheerleader sa histura.

Tinignan ko siya at lumalapit lang siya papunta kay Arch? Hanggang sa pati ang mga kasama niya ay pinalibutan lang si Arch na mukhang naguguluhan sa inaasal niya.

"Ha? Are you talking to me?" Walang ganang sabi ni Arch sakanila.

"No! Why am I talking to trash?" Maarteng sabi pa nito at parang walang nakikita sa harapan niya.

"So what are you doing?" Sarcastic na sabi ni Arch.

Mukhang nainis naman ang cheerleader na ito sa sinabi ni Arch. Kung kaya sinadya niyang banggain si Arch na mukhang nairita lang din sa ginawa niya dahil sa muntik na siyang natumba.

Wait! Is this a B*tch virsus itself war?

Nakita ko pang parang kokornerin lalapit na sana ako pero biglang may umalingawngaw na boses.

"Hey! Stop talking to the trash. Babe! Wala ka namang mapapala diyan e." Sarcastic na sabi ng isang lalake.

Inalis nila ang pagpapalibot nila kay Arch. At iyong parang cheerleader ay lumapit at kumapit naman sa braso ng lalakeng nagsalita, samantalang ang ibang kasama na babaeng parang kasquad niya ay lumapit na din sa puwesto ng lalakeng may mga kasama. Para silang team ng basketball at cheerleading squad.

Lumapit ang lalake kay Arch at iniwan ang mukhang cheerleader pero sumunod pa din siya sa lalake na ngayon ay nakalapit na nang tuluyan at nasa harap na ni Arch.

"Do you know me?" Matigas na sabi ng lalake.

"Hmm... I don't have time." Walang ganang sabi ni Arch.

Napansin naman ng iba ang mga nangyayari kung kaya karamihan nang nasa loob ng gym ay pumalibot.

"Nakooo! Saan kase siya kumuha ng lakas ng loob para gawin yan kay Greg e." Narinig kong bulungan ng mga babae sa likod ko.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon