Winston's POV
Napagitla ako sa nakita kong luha na pumapatak ngayon galing sa mata ni Roshane, Did I hurt her feeling? J*rk! Yes you are! Hindi naman iiyak yan dahil inagawan ng lollipop e! Kase wala siya non!
"Sh*t! Why Are you crying?" Nag aalalang tanong ko naman sakaniya.
Kaninang nasa harap niya ako umupo ngayon ay lumipat ako ng pwesto papunta sa kaniyang tabi. Niyakap ko siya pero buong lakas niya lang akong inilayo sa sarili niya. Sh*t What did I have done?! Tae kase naman e! Yung bunganga mo kase!
"Hey? I'm sorry... I didn't mean to say those words." I sincerely said.
Tinignan niya ako at kitang kita ko sa mata niya ang lungkot, basang basa ang mga pisnge ng mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak. Nasasaktan ako sa nakikita ko, tsk! Ano ba naman kaseng tablas ng dila ito e.
Humihikbi siya at ramdam na ramdam ko doon ang mga paghihirap niya, ewan ko ba pero pinipiga ang puso ko nang dahil sa nakikita ko e. So stupid!
Maya maya lang ay nagpunas na siya nang mata niya, nakita ko pang pinipilit niyang labanan ang mga pabagsak na luha at nagtagumpay naman siya. Huminga siya nang malalim, tumitingin siya sa ibang direksyon kahit pa tumapat na siya sakin.
"Deretsahin mo na lang ako. Wag ka nang magpaligoy ligoy, bakit mo ako dinala dito? Ang cheap ah! Bakit dito sa kubo? Hindi man lang sa Café or Restaurant? At talagang dito pa sa walang gaanong tao? Ano! Anong bang sasabihin mo?" Kahit na sarkastiko ang pananalita niya ay ramdam ko pa din ang lungkot.
"Ahm... O-Okay ka na ba?" Nag aalalang tanong ko sakaniya.
Narinig ko siyang suminghal lang at may kung ano pang binulong, "Ha! Pinunta mo ako dito para tanungin niyan? Matapos mo akong sabihan ng masakit na salita? Ngayon tatanungin mo ako kung okay lang ako!? Wow! Grabe!" Di makapaniwalang sabi niya pa.
Di ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi niya, because Im too speechless dahil nasaktan ko siya sa mga nasabi ko and I cant find any words para bawiin iyon.
"Well... Okay fine! Sasagutin kita. Hindi ako okay! AND I WILL NEVER BE!" Mapaklang sabi nito.
"Why?"
Tsk! Ang bobo! Bakit mo tatanungin yung tao nang ganon? Alam mong hindi nga daw siya kahit kailan magiging okay e! Desisyon niya yan, tsk! Pero bakit niya pipiliing maging hindi okay kung pwede namang pwede?
"Bakit mo pipiliing maging miserable kung pwede ka namang maging okay?" Takang tanong ko.
Tumingin siya sakin na para bang di makapaniwala. Tinarayan niya ako at tumingin siya sa ibang dereksyon.
"Pano nga ba maging hindi miserable? Kung ang laging nakapaligid sayo iyon ang gusto mong maging kahantungan?" Malalim na sabi nito.
I never thought na ganito na pala ang dinadanas niya... Iyang pagiging madaldal niya kase ay iba, maging ang pagiging pilosopo niya, malakas din siyang tumawa at mang asar. Hindi ko napansin na tao nga din pala siya, may dadalhin at dadalhin din siyang problema. At ang isang ito ay mukhang matagal na niyang dala dala.
"I'm sorry for being an Ignorant. I really didn't mean to say those things to you, pero handa akong pakinggan ka sa mga bagay na pasan pasan mo." I said it with sincerity again.
Totoo, gusto kong gumaan ang mabigat na dala dala niya. Dahil kahit ako mismo ay nahihirapan na tignan siya sa ganiyang sitwasyon, pano pa kaya siyang nakakaramdam niyan?
BINABASA MO ANG
Missions to be Destined [Completed]
ActionMagkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalipat sila ng papasukan. Sila namang sanay na sa mga bagay na simula't sapul ay nasa kanila ang atensyo...