Chapter Fifty-One

182 7 0
                                    

Zelesté's POV

"H-Hindi ko alam..." Gulong gulo na sagot ni Dhrew sa akin.

Imposibleng wala. Meron at merong dahilan kung bakit siya ang napiling lapitan ng Lalakeng iyon. Tinignan ko si Boss at tumango siya sa akin, mukhang gusto niya na ding deretsuhin na ang lahat ng ito.

"Yaman."

Deretso ang tingin ko sakaniya ng sabihin ang isang salitang iyon. Mukha siyang nalinawan ng dahil sa sagot ko.

"Malamang ay sa Yaman ng pamilya ninyo. Tanda mo ba noong gumawa tayo ng report para sa World Literature?" Tumango naman siya. "Narinig ko siyang may kausap sa telepono, at doon ko narinig na para bang gusto nilang makuha ng kausap niya sa telepono ang yaman ng pamilya niyo. Noong una ay nagtaka kami kung bakit niya gustong makuha ang yaman ng pamilya ninyo gayong siya naman ang Padre de pamilya ninyo nang malaman namin ang buong katotohanan, Doon kami mas nalinawan." Seryosong sabi ko.

Inabot ko sakaniya ang envelope na brown na naglalaman ng dokumento ng katauhan ng lalakeng iyon. Binuksan niya ito at bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Salamat kay Boss dahil sa pagtulong niya sa akin sa pagkalap nito.

"May utang siya na 4.35 Billion pesos sa Empire Company. Marahil ay dahil sa pagka adik niya sa Casino dati ang siyang naging dahilan, ginawa niyang solusyon ang pagiging malapit sa pamilya ninyo na mukhang nag success naman dahil napalapit siya sa Mama mo at naging tatay mo pa nga. Paano ko nalaman? Dahil kay Boss. At bago ko pa masabi kay Boss ito ay sinundan ko ang Step father mo Dhrew at ng dahil sa pagsunod sakaniya ay napag alaman kong may koneksyon siya sa Empire Company, isang sikat na nagtatransaksyon ng mga ilegal na bagay at higit sa lahat... Sila lang ang may kakayahang magpautang ng malaki sa kahit na sino. Kaya naman naging dahilan ito nang pagkakaroon ng maasahang mauutangan ng lalakeng iyan... noong una ay nagtaka ako kung bakit kasama nila si Davis, ang pinaka batang bilyunaryo sa panahong ito. Wala lang pala iyon... para lang pala may magamit silang pangalan sa pagpasok ng underground sa transaksyon. Mukhang wala namang pakealam si Davis doon unless pati ang pera niya ay magamit. Salamat Boss sa impormasyon." Baling ko kay Boss na tumango naman.

Nang dahil sakaniya ay naging mas malinaw ang pag iimbestiga na ito. Noong araw na kinausap ko siya ay nainis siya sa ginawa naming pag iimbestiga, dahil masyado iyong dalikado. Pero nang mabanggit kong importante sa amin ang taong nasasangkot ay wala na siyang nagawa. Parang tatay na namin si Boss dahil sakaniya nabuo ang pagkakaibigan naming lima. Kaya alam ko g hindi niya kami pababayaan, Ayon nga lang ay sermon ang inabot ko.

"Malinaw na ang lahat sa akin, kaya pala noon ay naabutan ko siyang umaalis ng mag isa ay walang guard, kaya pala napaka nakapagtataka ang biglaang pagpasok niya sa buhay ni Mama. Kaya pala... may kausap palagi siyang tao sa telepono niya." Nag aalalang sabi ni Dhrew.

"Kaya... pinatawag namin kayong lahat dito dahil, bukod kay Dhrew gusto din namin kayong pag ingatin... mukhang walang pakealam ang Step father mo kung sino man ang maaring madadamay sa pagpapamahamak sayo. Kahit pa... kaibigan mo." Deretsong sabi ko.

Nabalot nang takot ang mga mukha nang mga magkakaibigan, maging ako ay nangangamba sa kaligtasan nila lalo na ni Trixon.

"Ehem... wag kayong mag alala may plano na akong nakalatag. Dahil ayaw kong mapahamak ang aking mga anak." Biglang sagot ni Boss.

Napatingin kaming lahat sakaniya, at kitang kita ko naman ang pagkabigla nang mga histura nila Katana, Sniper, Dartha, at Archery at malamang maging ako ay ganoon din.

"AAAAAAAAWWWWW BOOOOSSS!!!" Natutuwang sabi ni Sniper.

Lumapit silang lahat kay Boss at niyakap naman ito at maging ako ay nadala sa pagyayakapang nangyari at nang maghiwa hiwalay na ang lahat ay bumalik na din naman sa pagkakaupo ang mga babaeng ito.

Missions to be Destined  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon